Ellie’s POV “Natawagan mo na ba siya, Arya?” “Yes, Doc. Katatawag ko lang kanina noong idineretso si Ellie rito sa kwarto. Paalis na siya ngayon at siguro, mamayang gabi ay narito na siya.” Saglit na katahimikan ang namayani. Napansin kong nasa isang malambot na kama ako. Kagigising ko lamang ngunit mas pinili kong pumikit na muna at tamang nakikinig sa usapan ng mga taong nasa paligid ko ngayon. Hindi ako makamulat pagkat ang ulo ko ay sumasakit pa rin. Ramdam ko ang pagkirot nito hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos kong makaramdam ng matinding pagsakit ng ulo ko kanina sa plantasyon. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Naalala ko na naman ang larawan na lumitaw mula sa isipan ko. Sinubukan kong alalahanin at ibalik sa aking isipan ang imaheng nakita k

