Ellie’s POV Simula nang nagpunta kami ni Arya sa plantasyon ng mga bulaklak, hindi ko na maalis ang kakaibang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali dahil tila ang bigat-bigat ng pakiramdam ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alam ko sa sarili ko na may koneksiyon ako sa plantasyon na ‘yon ngunit kahit anong pilit kong tukuyin kung ano ‘yon, hindi ko magawa dahil hindi ko kayang makaalala. Pilitin ko man ay tanging sakit lamang ng ulo ang mapapala ko. Bakit ba kasi ang tagal bumalik ng mga ala-ala ko? “Tila malalim ang iyong iniisip, iha.” Napatingin ako sa gilid ko. Nahuli ko itong nakatingin sa akin at mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan. Kaya naman nabasa niya na ngayon na may malalim nga akong iniisip. Kasalukuyang kaming nasa veranda ni Manang Cora. Tuwing tanghali ay narito

