Keeion’s POV Matapos kong pirmahan at intindihin ang lahat ng tambak na documents na nasa harapan ko, tiningnan ko ang wristwatch ko upang tingnan kung anong oras na. It’s already 4:45 in the afternoon. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa gilid ng computer at dinial ang number ni Haezyl, ang secretary ko. Nakakaapat na ring pa lang ito ay sinagot na niya agad. Hindi agad nakapagsalita ang nasa kabilang linya. Tanging ang kaniyang malalalim na hininga lamang ang naririnig ko. “H-Hello, Sir?” “Where the hell are you now? It’s almost 5 o’clock!” Kahit pa nasa kabilang linya ito, hindi pa rin siya nakatakas sa sigaw ko. Kahit hindi ko man siya nakikita ngayon, alam kong napapikit ito dahil sa lakas ng bulyaw ko sa kaniya. Ganoon naman lagi ang reaksiyon niya tuwing napapagalitan ko siy

