Keeion’s POV Hanggang sa makalipas ang dalawang oras na pagbababad nila Ellie at Arya, umahon na sila at nagtungo sa cottage kung saan kami nakatambay at umiinom. “Omg!” Tumakbo si Arya papunta sa lamesa kung nasaan ang mga alak at pagkain. “Bakit hindi kayo nagtatawag? Ang daya, ha!” “Paanong tatawagin ka, eh, hindi ka nga namamansin.” Tanging pag-irap lang ang ibinalik ni Arya kay Tedson. Naupo si Arya sa tabi ni Cyfer dahil iyon ang bakanteng upuan. Tinawag na rin ni Arya si Ellie para tumabi sa kaniya. Sinundan ko si Ellie ng tingin nang maglakad ito sa harap namin. Nakabalot na ito ng tuwalya pero hindi pa rin nito sakop ang buong katawan niya kaya nakikita pa rin ang harapan nitong katawan. Pagkaupo niya pa lang ay agad na siyang inabutan ni Arya ng isang baso saka sinalinan n

