Keeion’s POV “Ellie! Halika na rito!” malakas na tawag ni Arya. Kalalabas lang ni Arya mula sa banyo at nakapagpalit na ito ng damit panligo. As expected, pinaghandaan na naman niya sinuot niya. Nakasuot ito ng black swimsuit na bumagay sa kulay ng balat nito. She was confident on what she’s wearing. Walang bakas na hiya ang nararamdaman niya kahit pa nakatingin kami sa kaniya. Sa ilang taon ba naman na magkakasama kami, nagagawa niya ang lahat ng gusto niya sa harap namin na walang pagkailang na mararamdaman. Nailalabas niya rin ang totoong siya kapag kami ang kasama nito. “Tang*na, oh! Ang ganda, potek!” Napamura ang katabi ko nang humarap na sa amin si Arya. Hindi siya nakatingin sa direksiyon namin at ang paningin ay nasa dinadaanan niya. Naka-focus siya roon dahil medyo madulas ang

