Chapter 12

2317 Words

Ellie’s POV May tatlong araw na rin simula nang bumalik na ang lakas ng mga binti ko. Sa wakas ay nakakalakad na ako ulit! Ngunit hindi pa rin umaalis sa tabi ko ang dalawang nurse, maging si Arya ay nakabantay pa rin sa tabi ko. Lagi nilang pinapaalala na huwag ko muna biglain ang katawan ko. Kahit pa na-check up na ako ni Dr. Guttierez at ni Miss Candy at nasabi nila na umaayos na nga talaga ang kondisyon ko, hindi pa rin maiwasan ni Arya at ni Manang Cora na mag-alala sa akin. Alagang-alaga nila akong dalawa at isa ‘yon sa dahilan kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko kapag sila ang kasama ko. Kahit na hindi ko sila lubos na kilala at naparito lang ako dahil tinulungan ako ng Senyorito nila, tinanggap pa rin nila ako at tinuring na kapamilya na rin. “Ellie, gusto mo bang pumunta tayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD