Arya’s POV “Hoy, Arya!” Rinig na rinig ko ang napakalakas na sigaw ng taong humahabol sa akin ngayon. Kalalabas ko lang ng kotse at agad na akong humakbang papalayo roon. Pero kahit gaano pa kabilis ang lakad ko, hindi pa rin siya sumusuko na habulin at kulitin ako. “Ang hindi mamansin, mababaog!” pagbabanta nito dahilan para huminto ako sa paglalakad. Ginamitan na naman niya ako ng ipinagbabawal na technique. Alam ko namang hanggang salita lang ito pero kasi minsan, mainit ang tabas ng dila nito. May mga pagkakataon na nangyayari talaga ang mga sinasabi niya. Akala mo may kakayahan na manumpa. Kaya nga huminto ako ngayon. Takot ko lang mabaog, ‘no! Gusto kong bumuo ng masayang pamilya, isa iyon sa mga pangarap ko. “Ano?” naiirita kong tanong sa kaniya kasabay nang paglingon ko sa d

