Ellie’s POV “Ma’am Ellie…” Pagkamulat ko pa lang ng aking dalawang mata, si nurse Hans na agad ang bumungad sa akin. Napadako ang paningin ko sa sofa kung saan siya nakaupo kanina pero agad din itong tumayo nang tinawag ang pangalan ko. Dali-dali itong lumapit sa akin. “B-Bakit?” nagtataka kong tanong dahil sa naging reaksiyon nito. Bakas sa hitsura niya ang pananabik nang makitang gising na ako. Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin at hindi na ito makapaghintay na ipaalam sa akin. Kahit pa nag-aalinlangan ang kaniyang hitsura, nagawa pa rin nitong bigyan ako ng matipid na ngiti bago magsalita. “Si Senyorito Keeion po kasi, pinapatawag kayo sa baba.” Kasabay nang pagsabi niya ay ang siya ring pagkamot niya sa kaniyang ulo. Hindi naman na ako nagulat sa ibinalita niya. Pangatlong

