Teaser
“WALA kang silbi! Dahil sa katangahan mo kaya ka nabulag!”
Tinakpan ko ang aking mga tainga upang hindi marinig ang paulit-ulit na sigaw ni Mama tuwing siya’y lasing.
“Kung hindi mo iniligtas ang lalaking ’yon, wala ka sa ganyang sitwasyon! Sana sikat ka na ngayon, malaki na ang sweldo mo… hindi sana tayo naghihirap ng ganito!”
Nanikip ang paghinga ko nang marinig ang pag-iyak niya. Nauunawaan ko kung bakit galit siya sa akin. Tama siya… kung hindi ako nagpadaig sa awa sa lalaking iyon, baka matagumpay na ako ngayon.
Iginapang ako ni Mama sa hirap para lamang makapag-aaral. Mataas ang mga pangarap niya para sa akin. Dahil wala siyang natapos at maaga siyang nabuntis, agad siyang ipinakasal sa aking ama... na ngayon ay may iba nang pamilya.
“Patawarin mo po ako, Mama… hindi ko rin po inakala na ganito ang sasapitin ko sa pagtulong ko sa lalaking ’yon.” Umiiyak akong kinapa ang kamay niya.
Ngunit naramdaman ko ang paglayo niya… hanggang sa marinig ko na lang ang pagsara ng pinto.
Galit ako sa sarili ko. Bakit mas inuna ko pa ang ibang tao kaysa sa pangarap naming dalawa ni Mama?
Ngayon, kahit anong pagsisisi ko, wala nang mababago. Isa na akong pabigat, wala nang silbi. Ni sarili ko, hindi ko kayang alagaan. Sa tuwing sinusubukan kong tumayo, disgrasya lang ang inaabot ko.
ISANG umaga, may narinig akong humintong sasakyan. Wala si Mama noon, nasa bayan siya upang maglaba sa isang mayamang pamilya.
“Open the door!”
Napakunot ang noo ko nang marinig ang malakas na boses mula sa labas, kasabay ng marahas na pagkalabog ng pinto.
“I said open the door, or gigibain ko ’to!”
“S-sandali lang po, nariyan na!” malakas kong sagot habang nangangapang nagtungo sa pinto.
Pagkabukas ko, hindi pa ako nakakalayo nang may malakas na tumulak sa akin. Tumama ako sa sahig.
“Walang silbi!” singhal ng isang babaeng pamilyar ang boses.
“A-ano ang kailangan ninyo? Wala po si Mama.”
“Hindi ang ina mo ang sadya ko!”
“Kung gano’n, bakit narito kayo?”
“Dahil simula ngayon, ako na ang may-ari ng bahay na ’to!”
“Mawalang galang na po, pero dito ako isinilang, paanong kayo na ang may-ari?”
“Dahil matagal ng ibinenta sa akin ito ng iyong ina para ipagamot ang mga mata mo. Kaya umalis ka na. Ayoko ng basura sa pamamahay ko.”
“Imposible… sa public hospital po ako dinala ni Mama, walang bayad doon…”
“Kung gano’n, nagsinungaling sa ’yo ang ina mo.”
Nanlambot ang mga tuhod ko.
“Itapon n’yo sa labas ang babaeng ’yan!” utos niya.
Agad akong hinawakan ng dalawang lalaki at kinaladkad palabas. Bumagsak ako sa sementong kalsada.
“M-Mama… nasaan ka na po…” mahina kong iyak.
“Ang kawawa naman… nabulag pa dahil sa pagliligtas sa hindi kilala.”
“Sa panahon ngayon, hindi na uso ang pagiging mabait…”
“Iniwan pa yata siya ng ina niya…”
Parang gumuho ang mundo ko.
Hindi… hindi ako kayang iwan ni Mama.
Sinubukan kong tumayo, ngunit muli akong natumba. Pinilit kong bumangon at naghanap ng mahahawakan.
May nahawakan ako, mainit… isang tao.
“P-pasensya na po… maaari n’yo po ba akong alalayan? Kailangan ko lang pong makaupo…”
Biglang tumahimik ang paligid.
“Babe, nariyan ka na pala! Halika, tingnan mo, ito ’yong bahay na nabili ko,” masayang sabi ni Radah.
“Bakit mo inaalalayan ang babaeng bulag na ’yan?”
“Siya ang may-ari ng bahay na ito… tama ba ako?” malamig na tanong ng lalaki.
Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang boses niya.
“Ibalik mo ang bahay na ito sa kanila,” dagdag pa niya.
“Bakit ko gagawin ’yon?” matigas na sagot ni Radah.
Napapitlag ako nang hawakan ng lalaki ang aking kwintas.
“Saan mo nakuha ’to?”
“Ibinigay po… ng lalaking iniligtas ko…”
“Sino siya?”
Hindi ako sumagot.
“Radah, ano ang totoo?” tanong niya.
“Ninakaw niya ’yan!” mariing sagot ni Radah.
Mabilis niyang hinablot ang kwintas sa akin.
“Ibalik mo ’yan!” sigaw ko.
“Sa ’kin na ’to! Ikakasal na tayo, Babe.”
Nanlamig ako.
Kung siya ang may-ari ng kwintas… siya ba ang lalaking iniligtas ko?
“M-Mister… ikaw ba ’yon?”
“Shut up!” sigaw ni Radah sabay tulak sa akin.
“What the hell are you doing?!” galit na boses ng lalaki.
Bigla niya akong binuhat.
“Let’s go.”
“Mister, saan mo po ako dadalhin?” nanginginig kong tanong.
“Sa lugar na nararapat sa ’yo.”
“P-parang awa n’yo na… hindi ko ninakaw ang kwintas…”
“Kung hindi, bakit nasa ’yo?”
Napatahimik ako.
“See? Hindi mo masagot.”
“Hindi po ako magnanakaw…”
“Kasi… ano?”
“Sir, tumatawag po ang inyong Daddy,” putol ng isa pang lalaki.
Doon siya natahimik.
Ilang sandali pa, ibinaba niya ako sa malamig at mabangong lugar.
Teka…
Nasa loob ba ako ng sasakyan?
***
Get ready for the thrilling story of James Virgo Montemayor & Lyndel Charina Zanches. Don’t miss it...❤️