"Is it a good idea, Bes?" Paos na paos na ang boses ni Lianne. Pakiramdam niya ay may nakabara sa kaniyang lalamunan. Mahapdi na rin ang magkabila niyang mga mata bunga ng maghapong pag-iyak. Namamaga na iyon at medyo namumula. Bumalik sila sa living room, si Manang Iska naman ay nagpaalam na uuwi na matapos mahugasan ang mga pinagkainan. Muli ay inungkat na naman ni Issy ang tungkol sa kahilingan ni Mary Ann. "For me, it is," tugon ni Issy. "Hindi makakauwi ang asawa mo ngayong gabi at," tumigil ito sa pagsasalita dahil may dumating na mensahe sa cellphone nito. Napangiti ito nang mabasa iyon. "Wala na ang media na nakabantay sa labas ng ospital. I'm sure bukas nang umaga babalik ang mga 'yon para makiusyoso sa medical bulletin ni Mary Ann." Isa sa pinakasikat na modelo sa bansa si Ma

