Mag-uumaga na nang ihatid siya ni Issy sa bahay nila ni Gerard. Marami kasing ikinuwento sa kaniya si Mary Ann tungkol sa sarili nito pati na sa asawang si Russel. Nakikinig lang siya at halos hindi siya makapagsalita sa sobrang hiya na nararamdaman. Nanliliit talaga siya sa harap ng sikat na modelo. Buong akala niya ay puro masasakit na salita ang maririnig niya rito, subalit ni hindi man lang niya kakikitaan ng galit ang mukha nito. Nakangiti pa ito sa kaniya at pinayuhan pa siya na ituloy ang kung ano man ang nararamdaman niya sa bilyonaryo. Nangako rin ito na tutulungan ang pamilya niya at bibigyan ng scholarship ang mga kapatid niya. "Mary Ann didn't know about my real identity?" tanong niya kay Issy matapos niyang ilapag sa mesita ang dalawang puswelo ng kape. Mag-a-alas singko na

