Agad na tumalikod si Gerard, tinungo nito ang banyo at doon itinuloy ang pag-aayos ng damit. Nilingon naman ni Lianne ang matalik na kaibigan. Inilihis ni Andrea ang paningin na para bang naaasiwa sa sitwasyon. Hindi nito matitigan ang mga mata ni Lianne. Umupo ito sa harap ng computer at nagkuwaring may hinahanap na files doon. Tumaas ang kilay ni Lianne. Lalong nadadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Malakas talaga ang kutob niya na may nangyayaring kababalaghan sa dalawa. Ilang minuto rin niyang tinitigan ang kaibigan. Wala naman siyang nakuhang reaksiyon mula rito, panay lang kasi ang tipa nito sa keyboard. Napapailing na lang siya. "Andrea," tawag niya rito. Nanatili siya sa bungad ng pinto. "B-bes-shie?" nauutal nitong tugon. Tumigil ito sa pagtipa at nilingon siya subalit agad d

