Chapter 39

2107 Words

"Thank you, Issy," saad ni Lianne nang ihinto ng driver ang kotse sa tapat ng gate ng bahay nila ni Gerard. Naroon silang dalawa ni Issy sa backseat. Hinawakan ni Issy ang kanang kamay niya saka pinisil iyon. "I told you, Bes," tugon nito kay Lianne. "I will do anything for the both of you." Ngumiti ito. "Bagay kayong dalawa ng kuya ko. So, please, do what your heart is telling you to do." Tumango lang siya at niyaya ito sa loob. "Dito ka na mag-lunch. I'm sure nakaluto na ng tanghalian si Manang Iska." Tiningnan niya ang suot na wristwatch. Alas onse na ng umaga at kapag ganoong oras ay wala ng ginagawa si Manang Iska dahil tapos na ito magluto. Minsan ay sa garden ito tumatambay. May isang parte kasi sa hardin na malilim at doon ang paboritong tambayan ni Manang Iska dahil may hammock

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD