Chapter 38

2109 Words

Dumating ang araw ng Miyerkules, at gaya ng iba pang araw na nagdaan ay maaga na namang umalis si Gerard. Pagkatapos maligo ay agad itong umalis nang hindi man lang inaantay na magising ang asawa. Ni tapunan ng pansin ay hindi nito ginawa. Alas singko y medya nang magising si Lianne. Tamad na tamad siyang bumangon pero pinilit niya pa rin para maipagluto ng almusal ang asawa, ngunit napasimangot siya nang mapansing wala na si Gerard sa kama. Pumasok na lang siya sa banyo para umihi at muli ring bumalik sa kama. Mamaya na lang siya bababa tutal nakaalis na si Gerard at napakaaga naman para magluto ng almusal. Siya lang naman ang kakain dahil mamaya pa darating si Manang Iska. Pabiling-biling siya sa higaan. Hindi na siya makatulog kaya kinuha niya na lang ang cellphone sa tabi ng lampshad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD