Inatake siya ng takot. Hindi niya alam kung papaano makakawala mula sa taong may gawa niyon sa kaniya. Sinubukan niyang sumigaw subalit hindi niya magawa dahil sa palad na nakatakip sa kaniyang bibig. Nagpupumiglas siya, pero hindi siya nito binibitiwan. Mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng braso na 'yon. Dinala siya nito sa medyo madilim na lugar kaya lalong nadagdagan ang takot sa kaniyang dibdib. Akma na niyang kakagatin ang palad nito dahil medyo lumuwag ang pagkakatakip niyon sa kaniyang bibig, ngunit nagulat siya nang isandal nito ang kaniyang likod sa kotseng nakaparada roon. Mabilis nitong sinakop ang labi niya. Hindi siya makapalag dahil napigilan nito ang magkabila niyang mga kamay at inilapat iyon sa pinto ng kotse habang patuloy ito sa paghalik sa labi niya. "R-russ," ungo

