Kricel's point of view continues Nanginginig na ako sa lamig , buti nalang at pinahiraman ako ng damit ng Nanay ni Pepe. Si Sir ay nasa VIP dahil nasa guest room siya na nagpalit at binigyan pa ng bagong damit. Hinintay ko siya sala at napanguso ako ng makita ko silang pababa sa hagdanan na nakahawak ang babae sa braso ni Sir. "HI, Kricel tanggap na kayo ng Kuya mo. Dahil niligtas niya ang buhay ko ay may pabuya pa siya." "Magkano po Ma'am?" Agad na tanong ko dahil kailangan na naming bumili ng electric fan. "Name it Aqua." Nakangiting sabi ng babae hindi ko naman alam ng pangalan niya. "Kricel, kung magkano?" Balik na tanong sa akin ni Kuya na masama ang tingin. "Ma'am pwede na po ang 1, 500 pambili lang namin ng electric fan. Ang init kasi sa bahay." "What! yun lang?" "Nasa in

