Aqua's point of view Isa na siguro si Kricel na pinakamakulit n nakilala ko. Nagising akong wala na sya sa aking tabi. Dinig na dinig ko na siya sa kusina na napakaagang nagluluto. "Kuya, bangon na diyan. Tikman mo ang kakanin na niluto ko!" Tawag niya sa akin kaya mabilis kong tinakpan ang aking mga tenga. Inaantok pa ako at wala ako sa mood na mag-apply ng trabaho ngayon. Okay na sana yung pinuntahan namin kahapon pero ayoko ang paraan ng pagtitig ng matanda kay Kricel. Wala siyang kamalay-malay na pinag nanasahan na siya ng matanda. Naramdaman ko ang pagpasok niya aa kwarto. Kahit kailan talaga ay makulit ang babae na ito dahil amoy na amoy ko ang kakanin sa aking ilong. "F*ck! ano ba Kricel!" Bulayaw ko sa kanya na napa-upo. "Tikman mo nga ang itinda ko!" Walang nang akong naga

