Kricel's point of view Kimabukasan ay maaga akong nagising para nag Iuto ng kakanin. Kahapon ay tumubo ako ng 300 pesos. Kaya ginanahan akong magluto pa ng ibang klaseng kakanin. Harapan naman ng bahay mag titinda si Ser kaya gumawa pa ako ng palamig. Mamaya ay utusan ko ang mga bata na bumili ice. Nang naka luto na ako ay hindi ko na ipinatikim kay Ser. Baka hindi naman masarapan sa luto ko at magsagutan na naman kami. Grabe siya kahapon, ang dami niyang pinalunok na laway niya. Dumating ang mga bata at hindi pa ako nakaluto. "Bakit ang aga ninyo ngayon?" "Ate, pagkakain namin ay itutulog namin ulit. Sakto paggising namin ay maglalaro nalang at pagkatapos ay kumain ulit." Sagot ni Buknoy. "Ayos ang buhay natin ah, sana all. Kayo ang mag luto kung gustom na kayo." Inis na sagot ko.

