Madi's point of view Sabay na umalis ang mga magkakamukha. Nagulat ako ng tumayo na din ang Prince at kinuha ang isang manok ni Kuya Dark. "Alfonso please put it back." Sabi ni Emerald. "It's okay, this is my first time to hold a chicken. I want to take this home." "No, please put it back." Pag-uulit ni Emerald at nag salita ng French ang prince. "Tout n'est pas pour toi, je ne peux même pas t'embrasser."Sabi niya na parang galit ito. Tumingin ako sa mga magkakapatid, ako lang ata ang hindi French. "Ate anong sinabi?" Bulong ko kay Ate Autumn. "Lahat nalang daw no at hindi pa siya nakahalik kay Emerald." Nakangiting sagot nito. Ang akala ko ay okay ang Prince dahil ang bait niyang kausap pero hindi pala dahil basta nalang siyang umalis dala ang manok ni Kuya Dark. "Gulo ito Hon.

