Light's point of view Parang naiihi ako na natatae sa nerbiyos, ngayon na ang magaganap ang Binibining Pilipinas alam kong handa naman ang aking asawa pero kinakabahan parin ako. Ang bilis lumipas ng mga linggo, pa easy-easy at laging nang-aasar lang ako noon sa rehearsal ngayon na talaga is the day. Natanggal na nakalahok ang kasabwat kandidata sa pagtangay ng aming baunan at ang mga tumambang sa amin ay nakakulong na pero naka bail sila kaya binabantayan parin sila ng mga tauhan ni Thunder. Mahirap na baka balikan kami. "Baby, lagi ka lang naka ngiti ah para hindi ka kabahan." Sabi ko ng papunta na ako sa venue. Ilang beses kong tinawagan si Kuya Sander para makasigurado na may idadamit ang asawa ko. Nabulyawan tuloy ako dahil sobrang kulit ko na raw. "Kinakabahan ako." Pag-aamin n

