Light's point of view continues Halos isang oras na sila sa emergency room ay wala pang lumalabas. "Lord hindi po sana mangyari ang kinakatakutan ko." Mahinang sambit ko. "Buntis na si Madi anak?" Mahinang tanong ni Mommy. "I don't know Mom." "Bakit hindi mo alam, e ikaw ang asawa?" Napayuko ako at mahinang sinabi kay Mommy ang lahat. "Omg!,bulaslas niya. Lumapit din si Mommy Chyrll sa akin at tinanong kung buntis din ang aking asawa Sinagot ko lang ang alam ko na hindi ko alam dahil kung buntis siya ay hindi ko siya pasasalihin. Sa wakas ay lumabas na ang doctor at agad namin siya sinalubong. "Kumusta ang asawa ko doc?" May pag-aalalang tanong ko. "I am sorry, pero hindi namin nailigtas ang kanyang dinadala. She went here on the other day and I warned her na huwag na munang

