Alas sais na ng gabi pero wala pa si Jerry. Thirty minutes ko na siyang hinihintay kaya napagpasyahan kong tawagan na siya. Isang minuto na yatang nag-ri-ring bago may sumagot. "Hon, sorry nakatulog ako. Papunta na ako diyan." "Huwag na Jerry, paalis ka lang pala," naiinis kong sabi. "Magpapahatid na ako sa driver diyan, magluto ka na lang ng hapunan," I demanded atsaka pinatay ang tawag. Maghihintay na naman ako ng thirty minutes kapag siya ang hinintay ko, paano kung traffic? Hays. Hindi na tumawag o nag-text si Jerry mukhang pabor naman sa kanya ang sinabi ko kaya pinatawag ko na ang company driver atsaka ako nagpahatid sa condo. Pagpasok ko ng unit ay walang tao sa Sala, baka nasa kusina si Jerry pero nagdiretso na ako ng banyo at nag-shower. Paglabas ko ng banyo ay nagsuot na ako

