Inayos ko ang sarili ko atsaka napapangiting bumalik sa upuan ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng papers na nasa table. "Hon, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo, ayokong nakikitang napapagod ka," sabi ni Jerry habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin. Tumunghay ako at tumingin din sa kanya. "Kailangan, honey. Malaking responsibility itong iniwan ni Hajie sa akin at ayokong magpabaya." "Pero nandiyan naman si Charie, mapagkakatiwalaan naman siya sabi mo." "Oo, pero ako ang may-ari ng company, dapat may alam din ako sa mga ginagawa ni Charie." Hindi na siya nagsalita. Alam ko namang naiintindihan ni Jerry ang ginagawa ko, nag-aalala lang talaga siya sa akin. "Magtatanghalian na, kumain muna tayo," sabi niya pagkalipas ng ilang minuto. "Honey, can you order food na lang?" sabi ko hab

