Inalalayan ako ni Gio na makasakay sa kotse niya sa passenger's door atsaka siya umikot sa driver's seat. "Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang nag-dri-drive. Naririnig siya ni Jerry dahil naka-airpods na ako. "Sa malapit na lang siguro," sabi ko na lang. "Bakit, nagmamadali ka ba? Sorry ha," sabi niya. "Hindi naman, gusto ko lang mabalikan agad 'yung mga naiwan ko pang trabaho sa office," paliwanag ko. "Nagiging workaholic ka na yata," nakangiti niyang sabi. "Is it a good sign?" tanong ko habang natatawa. "Tss," narinig kong sabi ni Jerry sa kabilang linya pero hindi ko pinansin. Hindi puwedeng malaman ni Gio na may nakikinig sa aming dalawa. "A good sign that you're working so hard but sometimes you need to take it easy. Remember, you're the boss, you already have

