Kinabukasan nga ay inihatid muna ako ni Jerry sa office bago siya pumunta ng probinsiya. Niyakap ko siya ng mahigpit bago umalis. Hindi ko alam kung ilang araw siya doon. Nakatutok ako sa laptop nang kumatok si Charie sa pinto ng office atsaka binuksan ang pinto. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Nakangiti rin si Charie na lumapit sa akin sa table. "Please sit down," sabi ko nung mapansing may sasabihin siya. "Ma'am, pupunta daw po dito si Mr. Cruz sa office para may iabot na document sa inyo personally. I know na puwede namang sa akin siya makipag-ugnayan but he told me na gusto rin po niya kayong makausap," sabi ni Charie. "It's okay," sabi niya. "Wala po si Sir Jerry?" tanong niya. "Ah, wala. Nasa province siya, dinadalaw ang nanay niya." "Ah, ganun po ba." "Bakit?" tanong ko.

