Nasa office kami ni Jerry nang may kumatok sa pinto, si Charie. "Ma'am, may nagpadala po ulit sa inyo ng mga bulaklak, ipapasok ko na po ba diyan?" tanong ni Charie na nasa may pintuan. Napatingin ako kay Jerry pero seryoso ang mukha niyang nakatingin lang din sa akin. "Sige, please," sabi ko na lang kay Charie. Baka kay Jerry na naman galing hindi lang siya makapag-react kasi kausap ko pa si Charie. I didn't expect na napakaraming bulaklak pala ang sinasabi ni Charie. Namamangha ako sa sunud-sunod na ipinapasok ng staffs sa loob ng office ko. Hay naku Jerry, gumastos ka na naman! "Salamat," sabi ko sa mga nagpasok ng bulaklak. Nung makalabas si Charie at ang mga nakatulong niya ay tumingin ako kay Jerry habang nakangiti pero seryoso lang ang mukha niya. "Masaya ka pa talagang may nag

