"Sorry," sabi ni Jerry nung ma-realize kung gaano siya nagagalit sa nangyari. "Please, bumalik na tayo sa office," sabi ko atsaka binuksan niya ang makina. Hindi ko alam kung susundin niya ako o ididiretso niya sa condo. Ilang minuto ang nakalipas ay napansin kong pabalik ng building ang kotse. Tahimik lang kaming bumalik ng office at napansin kong wala na ang mga bulaklak sa table ko at sa sahig. Saan kaya dinala ni Charie ang napakaraming 'yun? Naupo na si Jerry sa sofa atsaka ako nagpatuloy sa trabaho ko. Ilang minuto ang nakalipas ay naisip kong mag-order ng pagkain dahil nga hindi naman kami nakakain ng maayos kanina. Maya-maya lang ay may dumating ng pagkain. Inabot ko iyon sa pintuan atsaka ipinatong sa center table sa harapan ni Jerry. Tinabihan ko siya sa sofa. "Kain ulit t

