Chapter 4

3418 Words
Chapter 4 Sino Linggo na ulit. Ito `yung pinakapaborito kong araw sa lahat. Kahit na gano’n sila sa `kin, binibigyan naman nila ako ng araw para makapagpahinga. Hindi nila pinagdadamot sa `kin `yong araw na lagi kong binibigay para kay mama… dahil alam `yon ni papa. Nangako naman siya sa puntod ni mama na hindi niya ipagdadamot sa akin ang araw kung kailan siya namatay.             Linggo no’n no’ng araw na namatay si mama… limang taon lang yata ako noon no’ng sinabi sa akin ng mga kapitbahay na wala na si mama.             Naranasan ko pa kung paano siya naging mabait sa akin. Naranasan ko pa kung gaano niya ako inaruga… kung paano niya ako minahal. Kaya kahit saglit na saglit lang, hindi ko makakalimutan kung gaano kainit `yong palad niya tuwing hinahaplos ako kapag kailangan ko.  Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako ayusan at lambingin tuwing magulo `yong buhok ko. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako turuan noong magki-kinder ako at kung paano niya ako ipaghanda ng paborito kong pagkain.             Siguro, si mama na yata para sa akin ang pinakamabuting tao sa mundo… kaya hanggang ngayon, malaking kuwestyon pa rin sa `kin kung bakit siya… kung bakit siya kinuha kaagad sa `kin.             Papunta ako ngayon ng sementeryo… alam kong ako lang mag-isa. Dapat. Kaya bakit kailangang kasama `tong lalakeng `to sa `kin?             Napabuga ako ng hangin. “Kaya kong mag-isa.” Inirapan ko siya.             Humalakhak siya. Tinikom ko `yung bibig ko pagkakita ko sa scarf ko na nakapulupot sa leeg niya… at naka-suit pa rin siya. Hindi ba `to naiinitan?             “Does it suit right?” tanong niya na nakangisi kasi nahalata niya `yong mga mata ko sa scarf.             “Siguro.” Tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad.             Tinignan ko `yung laman ng supot na bitbit ko. Nagdala ako kay mama ng baso, tubig, kandila, at iyong alay ko na kanina ko pa niluto. Kumuha lang naman ako nang kaunti ro’n sa niluto ko sa kanila… hindi naman siya nagreklamo. Siguro, takot lang niya na multuhin siya ni mama kung hindi siya magbibigay ng alay.             “Where are you goin’?”             Minsan, gusto ko nang isipin na feeling close at makapal ang mukha ng lalakeng `to, pero naalala ko nga pala na maganda `yong ginawa niya para sa `kin. Nakakainis.             “Sa sementeryo.”             Nawala agad `yong saya sa mukha niya.             “Bibisitahin ko `yung mama ko…”             Parang hindi niya alam kung ano’ng sasabihin sa `kin. Hindi ko rin naman nababanggit sa kaniya `yong tungkol sa mama ko.             “I’m sorry.”             Wala namang kailangang ikahingi ng paumanhin do’n. Matagal na `kong naka-move on… dekada na nga, kung tutuusin.             Umiling ako. “Una na `ko.”             “Can I come?”             Sabi ko na nga ba. Pumayag na ako, tutal naman… may mga oras na kailangan ko rin ng ingay niya. Sandali pa lang kaming magkakilala ng lalakeng `to, pero nasasanay na `ko kahit papa’no sa ingay niya.             “Know what? I’ve been trying to really guess this out.”             Kinunutan ko siya ng noo. “Ang ano?”             “That why… are you so pretty?”             Tinawanan niya ako no’ng sinamaan ko siya ng tingin. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya.             “Ang korni mo.”             “I’m just trying! Ang seryoso mo kasi palagi…” tinignan niya ako na may kahulugan sa mga mata niya. “And I guess, I know now the reason why.”             “Hindi naman required na kailangang nakangiti, `di ba? Wala namang bago kahit na nakangiti ako.”             “We both dunno.” Nagkibit-balikat siya. “For as long as I’m concerned with you, all I could ever ask for is to see you smile.”                      “Bored ka na ba sa buhay mo para isipin pa `yan?”             At hindi naman siya bored sa buhay niya dahil ang dami niyang tanong na puro walang kabuluhan. Kasing-taas ng sikat ng araw `yong level ng energy niya… ako `yung napapagod sa kaniya, pero siya? Parang wala lang. Para bang may baon lagi siyang isang sako ng energy…             “Is this… the cemetery?” tanong ni Drei no’ng makarating na kami sa entrance gate ng sementeryo na pinaglalagakan ni mama.             Tumango ako pagkatapos ko siyang lingunin. Tahimik kaming pareho na pumasok sa loob. Wala namang bago sa lugar na `to… bukod lang siguro sa habang tumatagal, dumarami na `yong nililibing din dito. At habang tumatagal, mas nagiging malungkot ang lugar na `to.             Iyong ibang nakahimlay rito, halata nang walang bumibisita dahil sa mga nagtataasan at mga makakapal na ligaw na d**o na nagtatakip sa mga libingan doon… kung puwede lang mainis sa kapamilya ng mga taong ito, nagawa ko na. Magagaling lang kapag buhay `yong kapamilya nila, pero kapag wala na, nakalimutan na.             Sino ba `ko para magsalita nang laban sa kanila? Hindi ko rin naman alam kung ano’ng kuwento nila… pero kahit na ba.              Iba `yong ginhawa na naramdaman ko no’ng nakita ko na `yung apartment ni mama. Nakahinga ako nang maluwag no’ng makita ko na malinis. Salamat at sinunod no’ng supulturero na binabayaran ko kada linggo na linisin ang puntod ni mama araw-araw. Ayos lang kahit wala akong maipon basta `yong mahalaga, naalagaan dito si mama.             Carolina Angeles             Kabisado ko siya sa pangalan. Birthday. Edad bago siya nawala. Lugar kung saan siya pinanganak… lahat. Pero, hindi ko na malaman kung ano’ng hitsura niya ngayon. Kung ano’ng ugali niya bukod sa pagiging isang ina. Kung ano siya bilang tao.             “Good morning po,” bati ko habang nilalapag na ro’n sa apartment niya sa magkabilang gilid `yong dalawang kandila, bulaklak na binili ko sa daan, `yong alay at `yong litrato niya no’ng dalaga pa siya… na `yun lang `yong meron ako.             Nag-alay ako ng isang taimtim na dasal. Hindi naman ako palasalita sa harap ng puntod ni mama. Ang parati ko lang namang sinasabi, gabayan niya `ko lagi… at hangga’t maaari, h’wag siyang magalit sa kanila… sa kanila ni papa dahil nagpapasalamat pa nga `ko dahil pinapatuloy pa rin nila ako sa bahay.             “Your mom…” nilingon ko si Drei pagkatapos kong mag-sign of the cross. “You both have the resemblance.”             Tumingin ako sa lapida. Marami nga `yong nagsasabi. Kung siguro, nabubuhay pa siya, magmumukha kaming magkapatid. O, ako pa yata `yong magmumukhang ina sa aming dalawa dahil sa hitsura ko.             “She’s beautiful… same as you are.”             Nilingon ko si Drei. “Hindi ako maganda.”             Sinimangutan niya agad ako. “Stop dragging yourself down, will you? Maganda ka, Zelle.”             Gano’n ba `yun? Kapag ganitong nakakatanggap ng compliment ang isang tao, aawang nang kusa `yong labi mo?             Lumapit siya sa akin. “I’m serious. You’re beautiful. You just need the confidence to let it show…”             Tumikhim ako. “`Tara na. Kung ano-ano na `yung pinag-iisip mo.”             Sumimangot siya lalo. “I’m f*****g serious here.”             Bumulong pa siya, eh, dinig ko naman.             Pagkatapos ng isang oras, umalis na rin kami. Masyado nang tirik `yong araw kaya nagpayong na ako. Kakaunti lang naman `yong mga taong bumibisita sa sementeryo na `to… `yun siguro `yong rason kung bakit malungkot `yong lugar na `to. Nagkakatao lang naman dito kapag mahal na araw. Sa mahal na araw lang yata nila naalala `yong mahal nila sa buhay.             “I could see that your mom raised you well.”             “Sandali ko lang naman siya nakasama…”             “But she still raised you… not that long but at least I could see that she cared for you.” Nilingon ko si Drei. “Because you will never pay a visit for her if she doesn’t.”             “Pero kahit na hindi ka ginawan ng maganda ng isang tao, dapat pa rin silang dinadalaw… dapat pa rin silang inaalala…”             “Ideally, yes, but in reality, it depends. We cannot question people why they resort not to do it. Iba-iba naman kasi tayo.”             Siguro nga… dahil walang magandang closure na naganap. Hindi naayos `yong mga problema sa nakaraan. Sana lang, matuto ang mga taong mag-move-on. Mahirap, pero sana lang.             Dahil araw ko ngayon, malaya ako kung ano’ng oras ko balak umuwi. Naisip kong mamasyal sa plaza. Gusto ko munang kumain.             “Kumain muna tayo.”             Nanlaki `yong mga mata niya. Mukha pa yata siyang nagpanic. Napakunot-noo ako.             “Bakit?”             “Samahan na lang kita. I’m not starving.”             Kumunot pa lalo `yong noo ko. “Sigurado ka? Ano’ng oras ka ba kumain?”             Parang hindi siya mapalagay. Napakamot pa siya sa batok niya. “Kaninang umaga…”             “Ano’ng meron diyan sa tiyan mo at hindi ka nagugutom?”             Ang lakas kaagad no’ng tawa niya. Ang hyper talaga nito. “I have lots of space…” no’ng itataas na niya `yong suit niya, sinamaan ko siya agad ng tingin. Tumawa siya. “here.” Itinuro na lang din niya.             Inirapan ko na lang siya at nagsimula nang maglakad. Nakasunod lang siya sa akin nang nakangisi. Masyado siyang masaya, makulit, at mapang-asar. No’ng ginawa yata ng Panginoon ang taong `to, nakalimutan niya yatang magturok ng pampakalma.             Maraming tao na `yong nasa loob ng McDo no’ng pumasok ako. Tradisyon ko na ito simula nang mamatay si mama na pupunta ako ng McDo para kumain no’ng package na madalas niyang i-order sa `kin.             Tinikom ko `yong bibig ko no’ng makita ko na `yong pagkain na gusto kong order-in.             “Dito ka na lang muna,” sabi ko kay Drei no’ng nakahanap kami ng puwesto. Imbes na pansinin niya ako, panay lang `yong pagtingin niya sa dami ng mga tao.               “Drei.” Mabilis niya akong nilingon. Umawang na `yong labi niya. “Bibili lang ako.”             “You called me by my name?”             Umirap ako. “Oo. Sige na, bibili ako.”             Matamis siyang ngumiti `tapos tumango na parang bata. Kakaiba talaga `tong lalakeng `to.             Pumila na `ko. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko tuwing nakikita ko `yung pagkain na gusto kong order-in. Naalala ko no’n isang beses no’ng binilhan ako ni mama ng pagkain dito, may isang batang lalake `di kalayuan sa table kung saan ako nakapuwesto. Ang lungkot ng hitsura niya. Mukha pa yatang nawawala. Sa suot pa lang niya, hitsurang mayaman na. Si mama `yong nagpatahan sa kaniya kasi ang ingay rin no’ng lalake dahil panay iyak nang iyak. Habang hinahanap ni mama `yong nanay no’ng lalake, kinausap ko `yung lalake. Akala ko naman, `di titigil sa  pag-iyak kasi talagang ang ingay niya. Papasakan ko na sana ng tissue na hawak ko noon. Nabibingi na ako.             No’ng nahanap na ni mama `yong nanay, hindi na namin nakuha pa `yong impormasyon tungkol sa lalake. Kung nasaan man siya ngayon, sana hindi siya katulad ni Drei na sobrang daldal.             Pagkatapos kong mabili `yong gusto ko, naglakad na `ko papalapit sa puwesto namin ni Drei. In-order ko na siya kahit sinabi niyang hindi siya nagugutom. Hindi na lang niya aminin, alam ko naman na nahihiya siya dahil ililibre ko siya. Wala naman siyang dapat ikahiya.             Pero… bakit gano’n? Hindi ko makita `yong reflection no’ng katawan niya sa salamin? Malapit kasi kami sa bintana. Matagal ko na `tong pinagtataka… normal pa ba `yun?             Ang tamis no’ng ngiti niya no’ng sinalubong niya ako. Kaso, mukha rin siyang naguluhan no’ng nakita niya na ang dami kong in-order.             “Ang dami nito, ah?”             Nagkibit-balikat ako. “Nagbaka-sakali lang ako.” Tahimik lang siyang nakatitig. “H’wag ka nang mahiya. Minsan lang `to.”             “I told you, I’m not starving.”             Umirap na ako. “Magagalit ako kapag hindi ka kumain.” Umupo na ako sa harap niya.             “Concerned.” Ngumisi na siya. May pang-aasar.             “Kapag `di ka umayos, isasaksak ko `tong burger diyan sa bibig mo.”             Tumawa na siya nang malakas. “Sorry na.”             Walang gaanong tao rito sa puwesto namin dahil nasa pinakadulo kami. Ayoko kasi nang malapit sa mga tao. Hindi ako sanay.             “But seriously, I’m not really starving.”             Napabuga na `ko ng hangin. “Bahala ka nga.”             Nginisihan niya lang ako. “Between us, I bet you need to eat more than I.”             “Tama lang `yong kinakain ko.”             Napailing siya. “Suit yourself.”             Nagsimula na akong kumain. Tahimik naman siyang pinagmamasdan ako. Maya-maya, naagaw `yong atensyon ko ng isang pamilyang masayang kumakain nang magkasama. Naririnig ko kung gaano ka-proud `yong nanay at tatay do’n sa anak yata nilang babae. Mukhang um-attend sila ng graduation dahil naka-toga rin `yong babae…             Ang saya siguro na maka-graduate ka sa course na napili mo. Gusto kong maging guro dahil dating teacher si mama. Gusto kong ipagpatuloy `yong gusto niya sa buhay, pero dahil walang susuporta sa akin, itinigil ko na lang. Itinigil ni papa `yong pagsuporta sa akin pagkatapos kong mag-highschool. Paniniwala niya, hindi rin naman daw niya ako mapapakinabangan kapag nag-college ako kasi, para sa kaniya, mahina ako sa pag-aaral.             “Done eating?”             Napalingon na ako kay Drei na malalim `yong titig sa akin. Ang lapit pa ng mukha niya kaya umiwas ako kaagad. Kanina pa ba niya `ko tinititigan?             Tumango ako. May natira pa ro’n sa binili namin. Sa kaniya naman `yun kaya binigay ko na.             “Kumain ka na.” pinilit kong iabot sa kaniya. Ayaw niya talagang kunin, ang kulit. Kaya, nilapag ko na lang. Napakamot na siya ng batok.             “Mag-C-CR lang ako.”             Tumango lang siya pagkatapos kong maglakad. No’ng papasok na ako sa loob ng McDo, hindi ko napigilang mapahinto no’ng may lumagpas sa akin na dalawang babaeng nag-uusap.             “Siya `yun, `di ba? Sino ba’ng kausap niya? Baliw ba `yun?”             “Wala naman siyang kausap. Nagsasalita siyang mag-isa.”             Parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Ramdam ko `yung pagtaas ng balahibo ko---imposible. Hindi naman ako `yung pinag-uusapan nila, tama?             Napailing na lang ako at nagpatuloy sa CR. Kung ano-ano na `yung pumapasok sa isip ko. Baka, pagod na ako.             Naglakad na kami palabas. Marami na palang tao ngayon kaysa kanina.             “Goin’ home?”             Umiling ako. “Gusto kong pumunta ng simbahan, `tapos sa plaza.”             Tumango siya. Ang usapan naman kasi sa amin, dapat makarating ako ng bahay bago mag-alas-cuatro. Mahaba pa `yong oras.             Eksakto lang na magsisimula `yong misa pagdating namin ni Drei. Normal na normal na lang yata sa kaniya `yong pagpasok sa loob. Pagkaupo namin, nakita ko `yung ngisi sa labi niya.             “I just remembered how we met.”             Tumango ako. Naalala ko pa nga… panay `yong mura niya. Medyo nabawasan naman. Salamat naman at nakinig siya sa `kin.             “Ang sabi mo sa `kin, ako `yung solusyon sa problema mo, tama?”             Binalingan na niya ako. Bigla ko lang din naalala. “Ano `yung ibig sabihin mo ro’n?”             Hindi niya ako sinagot dahil magsisimula na `yung misa. Taimtim kaming nakikinig sa homily ni father, pero pa-minsan-minsan, nakatingin lang sa akin si Drei. Basa ko sa mga mata niya na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano siguro magsisimula. Tungkol ba ro’n sa tinanong ko?             “Ama namin na raw.” Iniabot ko `yung kamay ko sa kaniya pero umiling siya.             Nagtaas lang siya ng kamay at kumanta. Hindi niya na ako pinansin. Arte.             No’ng natapos kaming magsimba, naglakad-lakad na kami papuntang plaza. Alas-tres na ng hapon. May oras pa ako para tumambay rito kahit na saglit lang.             Mabilis akong naglakad no’ng nakita ko `yung swing. Walang mga bata sa oras na `to kaya umupo na `ko. Mabuti, nasa lilim ng puno naroon `yong swing kaya hindi mainit `yong upuan. Sinimulan ko nang iduyan `yong sarili ko.             Ang lamig ng ihip ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.             “Zara.” Kinontrol ko na `yung pag-swing ko sa pagtawag ni Drei. “You’ve asked me a while ago what I meant when I asked you for help.”             Tumango ako. Tinigil ko na `yung pagduyan. Nakaupo siya sa tabi ko. Nagtaka na ako dahil ang seryoso ng mukha niya.             Napahawak ako nang mahigpit sa duyan no’ng nagsimula na siyang lumapit nang hindi ngumingiti. Wala na `yong hyper at masayahing Drei na kilala ko.             Nagtama `yong mga mata namin. “Please remember, Zara, that after you heard what I’m gonna say, I won’t feel bad if you choose to stay away from me.”             “Bakit kita lalayuan?”             Hindi niya `ko sinagot.             “Remember the first time we’ve met?” tumango ako. “I told you I dunno what happened and I suddenly got here.” Tumango na naman ako. “I’m serious when I said that.”             “So, may amnesia ka nga?”             Napangiti siya sandali. “Maybe… but I guess that’s far beyond that reason.”             Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Nginitian niya ako nang malungkot.             “Weeks before we’ve met, I just caught myself waking up in a crashed car… I got in a serious accident.”             Nanigas ako. Natulala dahil lahat ng nakita ko… lahat ng iniisip simula noong magkakilala kami, lahat, tumatakbo sa isip ko nang paunti-unti. Lahat, nakikita ko nang malinaw.             “I dunno what I got myself into. I even dunno why I was wearing this black suit. I just woke up one day, realizing that… that I was not with my usual self.”             “Ano’ng ibig sabihin mo ro’n?” nangatal `yong boses ko, tulala dahil hindi ko na alam `yong tumatakbo sa isip ko.             Mapait siyang ngumiti… na `yong mga mata niya, binibigyan ako ng makahulugan na tingin. Nararamdaman ko `yung bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan na ako sa mga pinapakita niya.             “Can you please… look at my shadow?”             Nanlamig ako. Nakita ko na `yun dati pa. Kahit kanina, napansin ko na, pero nagbulag-bulagan lang ako dahil ayoko. Ayokong malaman… nakakatakot.             Tumango siya at nagbuntong-hininga. “I guess, you already saw it… you just chose to be silent.”             Umiling ako. Tumayo na ako dahil hindi ko kaya `yong mga pinagsasabi niya kasi imposible! Huminga ako nang malalim. Diretso ko siyang tinignan sa mata niya.  “Tigilan mo `ko, pakiusap. H’wag mo `kong… pagtripan,” pambabanta ko.   “I’m not kidding,” nanlalaki `yong mga mata niya pagkasabi niya no’n. Hindi yata siya makapaniwala na `yon lang `yong sasabihin ko pagkatapos ng lahat. Nilagpasan ko na siya at dumiretso na sa paglalakad. Malapit na iyong oras ko. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang lunurin `yong sarili ko sa pagtratrabaho sa bahay. Ayoko mang hilingin `to, pero mas pipiliin ko nang masigawan niya kesa sa marinig `yong mga susunod na sasabihin ni Drei… ang lakas ng t***k ng puso ko! “Please, listen to me, Zara.”             Hindi ko pinansin `yong pagmamakaawa niya sa gilid ko dahil napadako `yong mga mata ko sa paa niya. Nakalutang… napapikit kaagad ako. Imposible. Hindi `to nagaganap. Nananaginip lang ako!             “Please, Zara, let me explain to you this first.”             Umiling ako sa kaniya nang marahas. Noong sinubukan niyang hawakan ako, parehas kaming napalingon sa braso ko… `yong kamay niya… tumagos!             Nanlaki pareho `yong mga mata namin. No’ng tinignan niya ako, napaatras na ako bigla.             “I know this is f*****g hard to explain.”             Umiling na naman ako. Pinikit ko `yong mga mata ko dahil ayoko siyang makita. Hindi ba siya totoo? Hindi ba totoo `yong mga nagaganap sa pagitan naming dalawa?             “I know this is very f*****g difficult to explain… and accept, but please believe me, even I, I couldn’t believe this was happening on me at first. I’d almost gone crazy when this s**t happened to me.”             “Layuan mo `ko.”             Narinig ko `yung pagngiti niya, pero no’ng sinubukan ko siyang tingnan, may lungkot nang nangingibabaw sa mata niya.             Humugot siya ng malalim na hininga. “I said it’s fine with me if you choose not to talk with me anymore because of this matter. But I’d like you to know that… I’m getting used with your company. And I’m always happy whenever you’re around with me.”             Nagbaba siya ng tingin. “Lalayuan mo na ba ako?” hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Tumatakbo na `yung oras. Kailangan ko nang umuwi.             Huminga siya nang malalim. “I guess this is already a goodbye?”             Pinagmasdan ko siyang lumalayo sa akin. Hindi na niya tinago pa `yong pag-atras niya na nakalutang---kailan pa ba niya nagagawa `to? O kung nagagawa man niya, bakit nabulag-bulagan ako?!             “Sandali.” Tumigil siya sa pag-atras at tulalang napatitig sa akin. “Sino ka ba’ng talaga? Sino ka nga ba’ng talaga?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD