Chapter 3
Name
Alam ko `yung nangyari. Hindi ako puwedeng magkamali.
May malay ako.
Nakita ko `yun.
Sigurado ako.
May kumausap sa `kin no’ng mga oras na `yon.
Hindi pa `ko bingi.
Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa `yong pagtaas ng balahibo ko sa buong katawan ko kahit nangyari na `yon kagabi pa.
Imposibleng minumulto ako. Masyadong pamilyar `yong boses para isipin ko `yun… pero imposible rin namang makapasok siya sa basement.
Baka nagha-hallucinate na ako. Kung ano-ano na `yung pumapasok sa isip ko. Hindi na tama `to. Kung bakit din naman kasi sa lahat ng tao, siya pa `yong maiisip ko na lilitaw sa basement.
Ganito na ba `ko kapagod para makarinig ako ni makakita ng mga bagay na hindi naman dapat?
`Laking pasasalamat ko na sumalubong sa `kin ang araw na `to na naging kalmado la’ng lahat. Wala pa rin namang bago. Sinisigawan pa rin niya `ko, pero normal na `yon sa `kin.
Inutusan na naman niya `kong bumili. Sa pagkakataon na `to, puro mga gamit sa loob ng bahay. Essential daw, sabi ni Zelle.
Panay `yong tingin ko sa listahan dahil takot na takot akong magkamali. Minsan na no’ng pinabili ako ni Zelle at kausap ko siya, hinagis nila sa mukha ko `yong sabon na nabili ko… mali raw kasi. Parehas naman sila ng brand, pero ayaw raw ni Zelle nang gano’n dahil hindi raw puputi `yong balat niya.
No’ng inutusan nila `ko na ibalik `yon sa Watsons, halos yakapin ko na `yong paa no’ng cashier, palitan lang `yong brand no’ng sabon. Nayupi na kasi no’ng hinagis sa `kin kaya ang tindi ng pagmamakaawa ko. Umiyak pa `ko.
Ang laki ng pagpapasalamat ko ro’n sa babaeng nag-attend sa `kin dahil ang bait niya at naiintindihan niya `yong sinasabi ko. Kaya simula nang mangyari `yon, panay na `yong tingin ko sa listahan na binigay niya. Parati kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ulit puwedeng mangyari `yong nangyari dati dahil pinagbigyan na `ko. Huli ko na dapat `yon.
“Gonna go somewhere again?”
Nanigas ako no’ng marinig ko `yong boses niya… mabilis ko ring naalala `yong nangyari kagabi. Bakit biglang lumamig `yong hangin---hindi. Bakit biglang lumalamig `yong hangin tuwing lumalapit siya sa `kin?
Pansin ko na ito noon… hinahayaan ko lang dahil baka, nagkataon lang. Pero sa pagkakataon na `to, ala-una na ng hapon. Tirik na tirik `yong sikat ng araw, pero lumamig?
Sinubukan kong bilisan `yong lakad ko, pero nasundan ulit niya ako. Gaano ba kahaba `yong biyas niya? Maliit lang ba `yong sa `kin kaya niya ako nasusundan nang mabilis?
“Hey?”
Hindi ko man siya nililingon, binagalan ko na lang `yong lakad ko. Masyado lang talaga `kong nag-iisip. Ako lang `yong gumagawa ng sariling ikakatakot ko.
“Bakit?” tumingin na lang ako ro’n sa listahan. May mga bago palang nilagay si Zelle dito?
“I’m asking if you will go somewhere. Parang hindi mo yata ako narinig.”
“Ah.” Tumango ako. “Oo.”
“Where?”
“Sa Waltermart.”
“Okay! Can I come with you?”
Gusto ko sanang humindi, kaso nakakakonsensyang ayawan `yong pagka-hyper niya. Na hindi ko alam kung saan niya nahuhugot `yon. Wala ba talaga siyang problema sa buhay?
“Hey? Am I talking to someone here?”
“Bahala ka.”
Ang lutong ng tawa niya…
Totoo `yong tawa niya. Ako lang `tong nag-iisip ng kung ano sa kaniya. Pagod lang talaga `ko kagabi. Tama nga, pagod nga.
Ang dami niyang daldal habang naglalakad kami. Nakakainis, oo, pero sa mga panahon na kasama ko siyang naglalakad, mas lalo akong naging kalmado. Ang payapa ng pakiramdam ko. Parang nawalan ako ng pasan na mabigat… kahit na saglit na saglit lang.
“So, what are you gonna buy first?”
Nasa loob na kami ng Watson no’ng nagtanong siya. Tumingin ulit ako ro’n sa listahan na ginawa ni Zelle. Sa halip na sagutin siya, dumiretso na ako sa stall na puno ng iba’t-ibang uri ng bulak. Ang gusto ni Zelle, `yong cotton pads daw dahil naiirita raw siya kapag cotton balls. Masyado raw nakakairita sa mukha niya.
“God, the hell?” napatingin ako sa kaniya. “So, we’re gonna buy your skin care essentials now?”
Binalik ko `yong tingin ko sa bulak. “Hindi sa akin `to.” Tumingkayad ako nang kaunti para maabot ko `yong cotton pad na sinasabi ni Zelle. “Kay Zelle `to.” Tumingin ako sa kaniya ulit. “At masama `yong sinabi mo na binanggit mo `yung taas `tapos impyerno na.”
Napahawak siya sa bibig niya agad saglit. “Ooops, sorry… anyway, we’re here just to buy someone’s essential?”
Tumango lang ako `tapos sinilip ko na `yong sunod sa listahan. Micellar? Saan kaya `to?
“How about you? You buy for yourself, too?”
“Wala akong pera.”
At hindi ko naman kailangan no’n… para lang sa may-kaya at mayaman ang skincare. Paminsan-minsang hilamos lang `tapos sabon lang `yong ginagawa ko. `Tapos na.
Nagtaka ako sa biglang pagtahimik niya kaya no’ng sinilip ko siya sa tabi ko, iniwas ko agad `yong tingin ko. Ayoko ng gano’ng tingin. Iyong nakangiti pero may sakit sa mga mata niya? Kinakaawan ba niya `ko?
Hindi na siya nagsalita… pero ang ingay niya kakaturo sa mga produkto na kailangan ko. Iyong iba na bago sa akin, siya `yong nagpapaliwanag.
“Here’s the cleanser!”
Nakakapagtaka na sa ingay ng taong `to, hindi man lang siya napapansin ng mga taong nasa paligid niya.
Nakahinga ako nang maluwag no’ng makita ko na pareho `yong nasa listahan at saka sa actual na pinakita niya sa `kin. Ayaw ko mang aminin pero nakakamangha rin ang galing sa pagpili ng isang `to.
“Salamat,” maikling sabi ko. Puwede ko naman sigurong sabihin `yon dahil malaking bagay na tinulungan niya `ko. Na naglaan din siya ng oras para samahan ako. Ang dami niya ring baong oras.
Umawang muna `yong labi niya hanggang lumaki `yong ngiti niya. Nagsimula na `kong nainis no’ng ngumisi na siya. Sana, hindi na siya ngumisi.
Hinawakan niya `yong baba niya at ngumisi na naman. “Welcome…” tinignan niya ako na para akong birong nangyari sa buhay niya. “Didn’t know you can utter gratitude to other people.”
“Marunong akong magpasalamat.” Ilang beses ko bang kailangang ipaliwanag sa kaniya iyon?
“Nakikita ko naman.” Nginisihan niya ulit `ko. “That’s the reason why I like you.”
Napatitig ako sa kaniya at hindi ako kaagad nakabawi. Tinawanan niya ako at tinalikuran na parang wala lang sa kaniya `yong sinabi niya. Kung sabagay, mukha namang siya `yong tipo na `di nagseseryoso.
Ang laki ng kaba ko no’ng nagbabayad na. Kahit daldal nang daldal si Drei sa gilid ko, `di ko siya napapakinggan nang matino dahil nakatuon lang `yung atensyon ko sa pinamili ko. Sana talaga, walang mali. Sana talaga.
“Why are you keeping on looking inside the plastic bag?”
“Kailangan kong makasigurado.” Hindi ko siya matignan dahil panay pa rin `yong pagsilip ko sa loob ng supot kung tama ba silang lahat.
“You know what, let me tell you about something.” Inangat ko na `yung tingin sa kaniya. “You always fear of something unknown. You get easily anxious. Are you afraid that people might discredit your efforts? Because you know you put a lot of your energy?”
Hindi ako kaagad nakasagot, pero mukhang ginawa niya `yong kompirmasyon sa sinabi niya.
Siguro nga. Dahil malaki ang takot ko sa kanila… sa kaniya.
Kaya siguro ganito ako mag-alala.
Takot akong magkamali.
Takot akong maramdaman `yong hagupit nila…
Takot ako sa pang-aalipusta nila… sa mga masasakit na mga salita nila.
Pakiramdam ko kasi, wala na akong ginawang tama.
Na lahat na lang ng ginagawa ko, puro lahat, mali.
Na malas ako sa buhay nila.
Na wala akong kuwenta.
Kaya ngayong maayos sila; na maayos naman kami, gusto kong maging tama lahat. Gusto kong makarinig na natuwa sila sa ginawa ko. Na na-appreciate nila ako. Kahit sandali lang.
“Always remember that whether you bought everything right or not today, your effort is still credited.” May maliit na ngiti na ro’n sa labi niya no’ng nilingon ko siya. “It’s not even easy to look for essentials, actually. So yeah! Cheer up! You haven’t eaten yet.”
“`Di pa `ko gutom.”
Napasimangot siya. “Come on! You’re gonna eat, okay? We need to celebrate because you did well on your task.” Hindi ko na napigilang matawa nang mahina. “I’m serious! Sometimes, little efforts should be celebrated. So, be quick, punta tayo sa McDo!”
Kanina ko pa pinag-aaralan kung paano niya nagagawa na maging masigla. Habang naglalakad, panay `yong daldal niya sa mga bagay na minsan, iniisip ko kung importante pa bang pakinggan o hindi na, pero hinahayaan ko na lang. Minsan, nakakatulong din siya para mapunta sa ibang dimensyon ang isip ko.
“`Di ka bibili?”
Nagtaka ako sa pag-iling niyang bigla. Kanina, siya ang nag-aaya, ah?
“I’m full.” Nginitian niya ako.
“Inaya mo `ko rito para sabihin mo sa `kin na busog ka?”
Ang bilis niyang natawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba ro’n?
“Seryoso. I’m really full.”
“Para saan pa na inaya mo `ko?”
“I told you we need to celebrate your hard work.”
“Bakit kailangang mag-isa ako bibili?”
Tinawanan niya ako. Ulit. Nakakainis na `tong tao na `to. “Busog ako.”
“Busog ka o wala kang pera?”
Napairap na `ko no’ng tumawa na siya nang malakas. Sa inis ko, tumalikod ako at naglakad palayo. Nasundan din niya ako. Gusto ko nang magtaka kung paano niya nagagawa na maglakad nang gano’ng kabilis.
“Don’t mind me for not having money.”
“Walang taong nabubuhay na puro passion lang.”
“Alam ko… sige na, pumila ka na. Gonna wait you here, okay?”
Wala na rin akong nagawa kundi sumunod. Mukhang wala nga siyang pera. Ano ba’ng pinagkakaabalahan nito?
Pakialam ko?
Pagkalabas ko ng McDo, nanlaki na kaagad iyong mga mata niya. Nasorpresa sa bitbit ko. Bumili ako ng dalawang McFloat at French fries. May pera naman ako, puwede naman siyang magtanong sa akin kung kaya ko ba’ng makabili ng kaniya. Hindi naman ako madamot. Bakit naman ako magdadamot sa kaniya, eh, naging mabait siya sa `kin?
“Hindi lang naman ako `yung naghanap ng mga `to.” Sabay sulyap ko ro’n sa plastic bag. “May effort ka rin. Kunin mo na `to, nangangalay ako.”
Ang tagal niya yatang makabawi sa sinabi ko bago siya natawa nang malakas. Napairap na ako dahil naiiyak na siyang kakatawa. Wala naming mali sa sinabi ko. Mukha na yata akong entertainment sa taong `to.
“Grumpy… but anyway, thank you for the effort.” Napangiti siya nang kaunti. “I appreciate it, but I’m seriously full.”
“`Di ko kayang ubusin `to.”
“I know.” Natawa siya nang saglit. Nagtaka na `ko kasi panay `yong lingon niya sa paligid ng mall. “There!“
Sinundan ko `yung tinuturo no’ng daliri niya. Isang batang babae `yong naglakad papalapit sa amin. Malungkot `yong mukha no’ng bata.
“Give that on her. Bet she’d enjoy eating it ”
Hindi ako gumalaw.
“Come on.” Nasa likod ko siya no’ng tinulak niya ako nang marahan. “I told you, I’m full. The kid will love it.”
Inirapan ko na siya bago ko nilapitan `yong bata. Halatang nasorpresa `yong batang babae pagkalapit ko. Kasama niya `yong nanay niya sa gilid.
Yumuko ako nang bahagya. “Sa `yo na lang, oh.” Sabay bigay ko ng isang supot na para sana kay… hindi ko pa nga pala nakukuha `yong pangalan niya.
“Miss, ano’ng ginagawa---”
“Wala po `tong lason.” Sinulyapan ko `yong nanay no’ng bata nang diretso `yung tingin sa mga mata. “Ibibigay ko lang po kasi sobra po `yung nabili ko.”
Hindi ko na inantay `yong reaksyon nila dahil umalis na ako. Naiinis ako. Alam kong pinapahamak na nga `ko ng lalakeng `yun, sumunod din ako.
“Great job!”
Inirapan ko siya no’ng nag-thumbs-up pa siya. Nilagpasan ko siya at nagpatuloy na `ko sa paglalakad.
“Uuwi ka na?”
Imbes na sagutin ko siya, medyo kumunot na `yong noo ko no’ng sumulyap ako sa glass wall ng mga shop na nadadaanan namin. May nakikita akong reflection ng sarili ko, pero bakit sa katabi ko, wala?
“Hey!”
Kumurap ako no’ng hinarang na niya `yong sarili niya sa harapan ko. Ang bilis nitong gawin `yon.
“Puwede ka namang magsabi na `di kita pinapansin, `di ba?”
“Ever grumpy.” Ngumisi siya. “Let’s go?”
Ang laki ng pasasalamat ko dahil tumahimik na siya sa biyahe. Siguro, no’ng naramdaman niyang `di ako nagsasalita, napagod na rin `yong bibig niya. Gano’n pala dapat `yong gawin ko.
“So!” napahawak agad ako sa dibdib ko sa malakas na boses niya. Bumalik na pala siya. “See you tomorrow?”
“Magkikita pa tayo?”
Kumunot `yong noo ko sa pagtawa niya. “I’m really entertained by your questions, seriously.”
“Wala namang nakakatawa. Depende na lang `yun sa comprehension mo.’
“Or should I correct, interpretation?”
Hindi na yata ako mapapagod sa pag-irap sa nakakainis na lalakeng `to. Sana, dumating `yong araw na mapagod siya kakasunod sa `kin.
“See you then!”
No’ng mawala na siya sa paningin ko, humugot ako ng isang malalim na hininga. Sana, tama lahat na `tong binili ko. Gusto kong maranasan ang isang araw na katahimikan at kapayapaan sa buhay ko. Sana, hindi maging malupit ang Diyos sa `kin ngayon… sana.
Kumatok ako sa bahay para pagbuksan ako ng gate. Sinalubong ako ni Zelle ng isang irap. Dumating na pala siya.
“Pinabili ko?” tahimik kong inabot sa kaniya `yong supot. Tumibok agad nang malakas `yong puso ko.
Nakataas `yong kilay ni Zelle habang sinisilip `yong mga pinamili ko sa loob ng paper bag.
“Aba.” Nag-angat na siya ng tingin. “Ngayon ka lang tumama, ha? Himala, wala kang palpak.”
Maraming beses akong napakurap bago pumasok sa isip ko `yung sinabi niya. Talaga? Wala akong mali?
Hindi na ako pinansin ni Zelle at nauna na siyang pumasok. Ang totoo, hindi naman ako pumili lahat nang iyon…
Pagkapasok sa loob, naabutan ko silang kompleto sa hapag, kumakain. Ulam nila `yong niluto ko kanina bago ako umalis.
“Maglinis ka na,” sabi niya. “Mamaya ka na kumain pagkatapos naming kumain.”
Mukhang hindi naman siya galit ngayon, kaya agad-agad kahit na medyo pagod, nagsimula na `kong maglinis. Napasulyap ako ro’n kay Papa na matamis `yong ngiti kay Zelle dahil sa mga hawak niyang pinamili kong essentials. Huminga ako nang malalim. Ang mahalaga, hindi sila galit. Ang mahalaga, wala silang reklamo sa pinamili ko. Okay na `yun. Katahimikan naman sa pamamahay na `to `yung pangarap ko sa simula pa lang, eh.
Pagkatapos kong maglinis, kumain na `ko. Paubos na `yung ulam noong ako na `yung kakain. Okay lang, hindi naman ako gutom na gutom.
Wala namang kailangang gawin pagkatapos maliban sa hugasan ang mga plato. Maaga akong pumunta sa basement. Nagsimula na akong humiga.
Ang laki ng naitulong niya sa `kin. Mabait pa siya. Wala man lang akong ginawa para suklian `yon… sinusungitan ko pa siya. Hindi pa rin siya lumalayo sa `kin kahit na minsan, tinataboy ko na siya.
Napabangon ako kaagad. Hindi ko alam kung ano’ng magandang ibigay sa kaniya dahil sabi niya, hindi naman daw siya nagkakain… Hanggang sa naisip ko `yung scarf na knitted na hindi ko rin namang ginagamit… binigay sa `kin `yon ni mama no’ng bata pa `ko.
Tahimik akong lumabas ng bahay kasi madilim na at tulog na sila… sandali lang ako. Sasaglitin ko siya. Pero saan ko naman siya pupuntahan?
Dinala na lang ako ng mga paa ko sa simbahan. Tama nga `yong hinala ko dahil nakaupo lang siya sa may plant box na parang tanga. Wala ba `tong bahay talaga? Iyon pa rin `yong suot niya. Naka-suit. Hindi ba `to magpapalit ng damit?
“Magsasakristan ka ba?”
Natulala siya sa `kin pagkatapos niyang nag-angat ng tingin. Halata `yong gulat sa mukha niya kasi siguro, hindi niya akalain na susulpot ako rito.
Gumusot `yong noo niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Wala, aalis din ako.” Binigay ko nang mabilis `yong scarf. “Salamat sa ginawa mo kanina. `Yon lang.”
No’ng hindi niya kinuha dahil ang tagal niyang nanahimik habang nakatula pa rin, iniwan ko na sa tabi niya `yong scarf at umalis na. Nakakailang hakbang na ako no’ng narinig kong sinigaw niya `yong pangalan ko. Nakabawi na yata.
“Wait!” napatalon ako sa gulat no’ng nasa harapan ko na siya. Minsan, gusto ko nang isipin na sumali siya ng track and field no’ng bata pa siya sa bilis niyang habulin ako.
“Kailangan ko nang umalis.”
“That fast? Puwedeng… puwedeng dito ka na muna?” tinignan ko lang siya. “Swear, I’m not gonna do something that will annoy you. Tahimik lang ako, swear.”
Itinaas pa niya `yong palad niya. Parang kailangan naman `yon? Napabuga ako ng hangin bago sumama sa kaniya. Ang sigla naman niya ngayon. Kanina, ang seryoso niya masyado. Saan ba `to nakatira?
“Dito ka ba talaga nakatira?”
Tumawa na siya pagkatapos umupo. “You’re really curious with me?”
Tinawanan niya na naman ako pagkatapos ko siyang samaan ng tingin. “Actually, I don’t know… I just found myself that I’m here.”
“Hindi mo alam?”
Nagbaba siya ng tingin. Hindi niya ako sinagot. May pinagdaraanan siya, halata naman. Ayokong mangialam, pero hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso.
“May amnesia ka ba?”
Napalingon kaagad siya sa akin na parang gulat na gulat. May mali ba sa sinabi ko? Sabi niya, nagising na lang daw siya na nandito siya. Baka, hindi niya maalala `yong nakaraan niya. Dapat ba, magpablotter na kami sa barangay?
Naputol na lang `yong daloy ng iniisip ko dahil sa lakas ng tawa niya. Sa inis ko, inirapan ko siya at sinamaan lalo ng tingin.
“I can’t believe you can be this funny.” Maluha-luha na siyang kakatawa.
Sumimangot ako. “Hindi ako nagpapatawa.”
Ang tagal din niyang tumawa bago naghupa. Ang bilis kumalat no’ng ngiti sa labi niya. ”I guess? Hindi ko alam. I dunno what my life has been before I got into this place.”
“Pero, alam mo `yung pangalan mo? Hindi ko kasi alam.”
Siya na `yong sumimangot. “I told you my name the first time I met you. `Di mo na maalala?” tinignan ko lang siya. “My God! Baka sa ating dalawa, ikaw na `yong may amnesia!”
“Tumigil ka.”
`Di ko na rin tanda na may sinabi siyang pangalan niya dahil ang bilis ko siyang hindi pinansin… wala talaga `kong maalala.
Ang lakas ng loob nitong irapan ako, ah? Hindi ko na nga kasi maalala. “Andrei’s my name, but you can call me Drei for short.”
Ah… naalala ko na nga.
“Okay.”
“What’s my name again?”
Tinignan ko siya. “Bata ako?”
“Come on! Baka kasi, makalimutan mo na naman.”
Pinaikot ko `yung mga mata ko. “Drei. Ano, masaya ka na?”
Tumawa na siya. “You’re very grumpy. Right, Drei’s my name, Ms. Zara.”
“`Di ka talaga rito nakatira?” umiling siya. “`Di mo alam kung saan ka nakatira?” umiling ulit siya. “Baka, may amnesia---”
“Look.” Napahinto ako sa pagtawa niya nang maikli. “I’m sure enough I don’t have any amnesia. It’s just that…” tumingala siya at tinignan ang maraming bituin sa langit. “Maybe something happened on me that’s why I’m here.” Tinignan na niya ako sa mata. “That’s why I met you.”
Tumayo ang mga balahibo ko… sigurado akong hindi dahil sa marahang ihip ng hangin. Kundi dahil sa matamang titig niya sa akin. Tumikhim ako.
“Kailangan ko nang umuwi.” Dumako `yong mga mata ko sa scarf na blue. “Gamitin mo `yan. Baka lamigin ka rito. Bukas na natin pag-usapan `yang problema mo… kung kailangan mo ng kausap.”
Diretso `yong titig niya sa mga mata ko. “Thank you.” Umawang ang labi ko. “I appreciate you coming here. Thank you, Zara.”
Huminga ako nang malalim. Tumango ako. “Sige, Drei.”