Chapter 1
Never
Panaginip lang pala `yon.
Kung minsan, kung ano-ano na `yong pumapasok sa isip ko dahil sa sobrang dilim ng basement na `to. Ang dami kong nakikitang imahe na hindi naman dapat… pero ba’t siya `yong nakita ko kagabi?
Napailing na lang ako. Alam kong madilim pa sa labas, pero `yong katawan ko, parang may alarm clock nang nagigising nang kusa kapag alas-cinco na. Kailangan ko nang ipaghanda sila ng makakain dahil papasok na sila sa trabaho…
Naisip ko `yung nangyari kagabi. Tuwing makikita ko `yung matalas na bagay na `yon, pumapasok sa isip ko na mawala na lang… pero parating may pumipigil, maraming beses na… bago nga lang `yong nangyari kagabi.
Minsan, naisip ko rin. Baka pati kamatayan, ayaw rin sa `kin.
Dumiretso na `ko sa taas. Naabutan ko si papa na matamis ang ngiti, hinahaplos `yong buhok ni Zelle. Kailanman, hindi ko `yun matitikman, dahil ayaw sa `kin ni papa. Wala namang magagawa `yong inggit ko. Nakakapagod lang ding mainggit.
“Ano ba `yan, Zara, pahuli-huli ka namang nagigising!”
Yumuko na lang ako. Dapat pala, nagising ako ng mga 4:30 AM. Masyadong mahimbing `yung tulog na ginawa ko. Mapapagalitan na naman niya `ko.
“Bilisan mo na nga! Lutuan mo `yang tatay mo ng mababaon niyan. Si Zelle, ihanda mo na `yung damit niyang pangtrabaho.”
“Zara.” Napalingon ako kay Zelle na nakataas `yong kilay. “Can you please wash first your dirty hands before touching my clothes? Nakakadiri ka. I hate how your hands are touching my white dress! Yuck!”
Umalog `yung sentido ko no’ng tinuktok niya `yong ulo ko. “Gamitin mo nga `yang isip mong tanga ka! Ang mamahal ng mga damit ni Zelle, `tapos babalahurain mo lang?! Tanga ka talaga!”
“Minsan nga, Zara, gamitin mo `yang kukote mo. Kita mo `tong si Zelle, ang ganda ng trabaho. Malapit pang ma-promote bilang bisor. Ikaw? Palamunin ka pa rin. Sana, si Zelle na lang `yong naging totoong anak ko, kesa sa `yo na walang silbi.”
Bakit pa ba ako nabubuhay?
Ginawa ko `yung pinag-uutos niya. Nagluto ako ng makakain ni papa, `tapos, hinanda ko na `yong damit ni Zelle. Nakailang hugas pa `ko ng kamay dahil sa takot ko na baka madumihan ko `yung puting damit niya. Ang mahal siguro noon para magalit sila sa `kin nang gano’n.
Lumapit na `ko sa kaniya noong nakaalis na sina papa at Zelle. Prente `yong upo niya sa malaking couch.
Napapulot ako sa sahig no’ng hinagis niya `yong pera.
“Mamalengke ka. Pagkasyahin mo `yan. Magluto ka ng tanghalian hanggang panghapunan ulit. H’wag kang magtatagal dahil oorasan kita.”
“Opo.”
Pumunta muna ako sa basement para mag-ayos. Sumisikat na `yong araw kaya lumiwanag `yong basement. Sa basag na salamin, nakita ko kaagad `yong produkto ng ginawa niya sa `kin kagabi… namumula pa rin `yong noo pati mga mata ko. Sandali lang akong tumingin dahil ayokong nagtatagal `yong mga mata ko sa salamin…
Matatakpan pa naman siguro `to ng polbo. Kinuha ko sa orocan `yong maliit na polbo `tapos nilagyan ko `yung mukha ko. Naghilamos naman ako bago ko ginawa `yun kaya mas madali `yong dumikit sa mukha ko.
Binigyan niya `ko ng dalawang daang piso. Sana, mapagkasya ko ito. Tawaran ko na lang. Ayokong umuwi nang walang dala dahil isang beses noon, hinambalos niya `ko ng walis tambo sa likod ko.
Inorasan ko `yung sarili ko. Balak kong makarating ng alas-ocho kasi magdidilig pa `ko ng halaman `tapos maglilinis ng buong bahay.
“Hello, Miss Grumpy!”
Halos mapatalon ako sa gulat noong sumulpot `yong lalakeng naka-tux sa harapan ko. Ang bilis kong nakita sa isip ko `yung mga naganap kagabi. Imposibleng siya `yun… baka masyado lang akong nananaginip? Malabong siya `yun.
“Umalis ka sa dinaraanan ko. Nagmamadali ako.”
“Where’re you goin’?”
Hindi ko siya sinagot. Nakayuko akong nagmamadali sa paglalakad. Kaso, ang laki yata ng biyas niya kaya nahabol niya `ko. Nakakainis.
“Don’t want to answer me?”
“May mas importante pa `kong gagawin kesa sa sumagot sa tanong mo.”
“f*****g amazing!”
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hilig niyang magmura.
“Oh, sorry. What I meant, nakapagsalita ka na ng five plus words!”
Ngumisi lang siya kahit na tinaasan ko siya ng kilay.
“Wala ka na bang sasabihin?”
“Just tell me where you’re gonna go and swear, tatahimik na `ko.”
Tinitigan ko lang siya.
“And oh, exclude the curses, of course.”
“Pupunta `ko ng palengke. Ngayon, umalis ka na dahil may oras akong hinahabol.”
“Roger, Zara!”
Natigilan ako sa paghakbang at lumingon sa kaniya. Ang laki no’ng ngisi niya sa reaksyon ko. Papaano?
“Alam mo `yung pangalan ko?”
“Of course! Thanks to my sources.”
“Tigilan mo `yung pang-i-stalk sa `kin.”
Tumalikod na `ko at dumiretso sa paglalakad, pero ramdam ko `yung presensya niya sa likod ko. Iniirita talaga ako ng lalakeng `to.
“Pakiusap.” Humugot ako ng malalim na hininga. “H’wag. Mo. `Kong. Sundan.”
“Okay!”
Ayokong ubusin `yong lakas ko sa lalakeng` yon. Kailangan ko nang magmadali kasi baka magalit siya sa `kin. Makakaramdam na naman ako sa kaniya kapag hindi ako umayos.
Sa Wet Market, dumiretso kaagad ako sa stall ng karne. Balak kong gumawa ng adobo. Ayaw ni Zelle ng gulay kaya puro kami karne.
“Magkano po rito sa manok?”
“Naku, Zara, ikaw pala `yan! Ano, kumusta ka na? Aalis ka na ba sa impyernong bahay n’yo?”
Isang maliit na ngiti lang `yong sinagot ko kay Aling Marta. Ang bilis lumungkot no’ng mukha niya at nagbuntong-hininga.
“Sobrang bait mo talagang bata ka. Pagpalain ka nawa lagi ng Diyos.”
Tumango ako. “Salamat po.”
Tumingin siya sa manok na hawak ko. “Siya, libre na `yan.”
Nanlaki `yong mga mata ko.
“Oh, bawal kang tumanggi. Gusto kong kumain ka, ha? Ang laki na ng pinayat mo.”
Sana nga.
“Opo. Babawi po `ko sa inyo, Aling Marta.”
Ang laki ng pasasalamat ko bago ako umalis. Tuwing doon ako bumibili sa stall ni Aling Marta, nahihiya ako. Wala na akong mukhang maiharap sa kaniya dahil madalas niya akong ilibre. Alam na alam niya `yong buhay ko… kaya gano’n siya sa akin.
“Planning to cook adobo?”
Kunwari wala akong narinig. Nagsimula akong maglinga. Kailangan kong bumili ng patatas. Hindi man mahilig sa gulay si Zelle, kumakain naman siya ng patatas.
Narinig kong tumawa `yong lalakeng naka-tux sa likod ko. Hindi ba siya naiinitan? Bakit nakasuot pa rin siya ng tux---wala akong pakialam. Nakakapagod malaman.
“Here!”
Ang sigla niyang itinuro `yong isang stall. Kesa maghanap pa `ko, pinili ko nang bumili doon sa itinuro niya. Mabuti na lang, mura `tsaka mukha pang sariwa. Bumili na rin ako ng dahon ng laurel na may paminta. May suka pa naman `tsaka toyo kaya hindi na `ko bumili.
“So, tama nga `ko? Planning to cook adobo?”
Inirapan ko siya dahil hindi ko sinagot `yong tanong niya. Nakakainis dahil nakangisi siya na parang naaliw siya sa hindi ko pagpansin sa kaniya.
“Know what? Hindi ako familiar sa lugar na `to but I guess, you can be my tour guide---”
“`Di ka taga-rito?”
Nanlaki `yong mga mata niya. Tinignan ko lang siyang tumatalon na natutuwa kahit hindi ko malaman kung para saan.
“You’re interested now on me!”
Umalis na `ko. Alas-siyete y media na. Kailangan ko nang bilisan `yong lakad ko kasi baka magalit siya…
Nakahinga ako nang maluwag no’ng makita ko siyang tulog. Maingat akong nagkikilos para hindi siya magising. Ayaw niya kasing naaalimpungatan.
Nagsimula na `kong maglinis ng buong bahay. Matindi `yong paglilinis na ginawa ko sa kuwarto ni Zelle dahil ang daming kalat.
Pumasok ako sa kuwarto nilang mag-asawa. Napatitig ako sa malaking wedding picture nila ni papa. Napakabilis ng lahat. Mula sa pagkamatay ni mama, sa pagpapakasal nila, sa pagkawala ng lahat ng mayro’n ako, hanggang sa naging buhay ko ngayon. Ang bilis ng lahat ng nangyari. Ang bilis mawala lahat. Ang bilis din ng pagbabago.
Kaya hindi ako naniniwala na permanente ang lahat ng bagay sa mundo. Na may nananatili. Lahat, nang-iiwan. Lahat, iniiwanan.
Kaya ayoko ring magbigay ng kahit na anong emosyon sa kahit kanino… ayokong mag-invest. Dahil sayang. Mapapagod lang ako.
Pumunta na ako sa labas para magdilig at magwalis. Mamayang alas diez, kailangan, makapag-saing na `ko. `Tapos, magluluto na `ko ng adobo.
“You’re very hardworking, huh?”
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
Nagtaas kaagad siya ng dalawang kamay, pantay sa dibdib niya no’ng sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Wala bang kapaguran `tong lalakeng `to sa pang-iinis---
“Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” bigla akong nagtaka.
Ngumisi siya. “Resources.”
“Sinabi nang tigilan mo `yung pang-i-stalk sa buhay ko. Hindi ka nakakatuwa.”
“I also told you wala akong gagawin. You’re just the one who always get mad at me here. Sometimes, I have this feeling…”
Pinanood ko lang siya.
“… that the reason kung bakit ayaw mo sa `kin, because you’re interested on me.”
Pinanood ko lang din siyang tumawa nang tumawa. Hindi ko alam kung saan niya nahuhugot `yong confidence na meron siya. Sobrang saya pa niya.
“Tapos ka na?” tinaasan ko siya ng kilay.
Sinimangutan niya ako. “You can also jive with me?”
“Wala akong panahon.”
Niligpit ko na `yong hose sa isang tabi at pumasok na sa loob. Pero bago pa no’n, nilingon ko ulit `yong lalake.
“Pakiusap, tigilan mo na `to. Magsasampa ako ng kaso sa `yo kapag ginawa pa `to.”
Napansin ko `yung pagwala ng ngiti sa mukha niya. “It’s impossible that you can file a lawsuit against me.”
Pinanliitan ko siya ng mga mata. “`Di porket wala `kong pera, bawal na `kong magsampa.”
Tumawa na siya. “I didn’t mean that. It’s just that… that’s too impossible.”
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako nang tuluyan sa loob. Medyo kinakabahan ako sa pang-i-stalk ng lalakeng `yon. Hindi ko alam `yong gusto niyang mangyari. Kung ano man `yong kailangan niya, kapag hindi ko siya pinansin, magsasawa rin siya sa `kin.
“Sino `yung kausap mo sa labas?”
Napalunok ako. Gising na pala siya.
“Hoy!” tinulak niya `ko gamit no’ng hintuturo niya. “Sino nga’ng kausap mo?”
“Wala naman po---”
“Ano’ng wala? Rinig na rinig ko nga rito `yong hagikhik mo `tapos sasabihin mo sa `king wala?! Ang harot mo talaga! Manang-mana ka talaga sa pinagmanahan mo.”
Napakuyom ako nang palihim sa kamay ko. Kaya kong lunukin lahat. H’wag lang nilang alispustahin si mama.
“Oh? Ano’ng ginagawa mo pa diyan?” hinigit niya `yong buhok ko pababa. “Magsaing ka na! Ang bagal-bagal mo, punyeta ka!”
Kahit masakit `yong anit ko sa ginawa niya, sinunod ko `yung utos niya. Nagsaing na `ko `tsaka nagluto ng adobo. Alam ko na hindi ako makakain nito kaya hanggang tingin na lang ako.
No’ng matapos, bumalik na ulit ako sa basement. Itutulog ko na lang `tong gutom ko.
Nanlaki `yong mga mata ko no’ng makita ko `yung isang babasaging plato na may lamang kanin `tsaka adobo. Paano `to… Paano `to nangyari?
Ang lamig ng pakiramdam ko. Hindi kaya, h-in-igh-jack na kami? Pero para saan pa `tong pang-iiwan ng ganito rito?
Ang tagal kong tinitigan `yong pagkain na nakapatong sa maliit na mesa. Kumalam bigla `yong sikmura ko…
Nagugutom na rin ako. Wala naman sigurong masama kung kakainin ko `yung pinaghirapan kong bilhin `tsaka niluto?
Nilapitan ko na `yong plato at kumain. Gutom na gutom na `ko. Nagtiis ako na hindi makakain kagabi dahil sa nangyari… kaya lulubos-lubusin ko na.
Ang sarap ko palang magluto. Hindi ko kasi maramdaman dahil kapag kakain ako kasama nila, kailangan kong bilisan… ayaw nila kasing nando’n ako. Malas daw ako sa pagkain.
Lumabas na `ko para ilagay `yong plato sa kusina. Naabutan ko na nagtatanggal na ng sapatos si Zelle at hinagis sa kung saan man.
“Get it. Nang magkasilbi ka naman.”
Tahimik ko lang na kinuha `yong pares ng sapatos niya. Narinig ko na sinalubong siya.
“Anak, kumusta naman `yong trabaho mo? Mukhang pagod na pagod ka, ah?”
“Yes, `ma! Nag-encode ako nang marami! Gosh! `Yong keyboard na ginagamit ko, it hurt my nails!”
“Wow! How could a f*****g keyboard hurt a nail?”
Napalinga kaagad ako sa paligid ko. Sino `yong nagsalita? Kami lang `yong nandito.
“And, oh. Nasira kasi, `ma, `yong elevator namin. God, I need to walk pa from 2nd floor. I was so stressed!”
“Was she already that f*****g stressed? Nice. Ang layo pala ng 2nd floor, I wasn’t that informed.”
May naririnig talaga `ko. Pamilyar pa `yong boses. Hindi malabong hindi ko siya narinig. Nakaramdam ako agad ng kaba. Malabo naman sigurong makapasok siya rito sa bahay.
“Oh? Ano’ng tinatayo-tayo mo pa d’yan?”
Nanigas ako no’ng tinaliman niya ako ng tingin.
“Paghandaan mo na si Zelle!”
Nagmadali na kaagad ako pumunta ng kusina para ipaghanda siya ng pagkain. Nanlamig kaagad ako no’ng naghahanda ako. Ramdam ko… may nagbuntong-hininga sa likod ko.
Pagod lang siguro ako. Wala namang bago. Lagi naman akong pagod.
No’ng lumabas na `ko ng kusina, naabutan kong magkayakap siya at si Zelle. Ang higpit ng mga yakap nila… Napahawak ako nang mahigpit sa plato.
“Hoy! Nakatunganga ka na naman diyan!”
Nagmadali na akong pumunta sa mesa. Nilapag ko nang tahimik `yong plato na may lamang kanin at `yong adobo na niluto ko kanina.
“Eew!” umirap kaagad si Zelle. “Hindi siya cooked!”
Kinurot ko `yong kamay ko. Hindi ko ba naluto nang maayos `yong manok? Bakit hindi ko napansin?
“The f**k? Is she f*****g serious?”
Napalinga na naman ako sa boses na narinig ko.
Napalayo kaagad ako no’ng hinagis niya `yong plato sa harapan ko.
“Punyeta ka talaga, Zara! Wala ka nang ginawang matino sa buhay mo! Ano ba `yan! Mukhang pang hilaw `yang niluto mo! May mga dugo-dugo pa!”
“Kumain siya kanina. Her face f*****g showed she liked the food. Now that her child told her she didn’t like the food, that’s the only time she reacted?!”
Nalilito na `ko sa nararamdaman ko. Ano ba’ng dapat kong maramdaman ngayon? Matakot sa naririnig ko o pagsisihin `yong sarili ko sa hindi maayos kong luto?
“Ubusin mo `yang niluto mo! Darating na `yong tatay mo! Wala na naman `yong kakainin mamaya dahil sa palpak mong luto!”
“Then you should cook instead of Zara.”
“Tumahimik ka.”
Tumahimik bigla `yong buong bahay. Nagsalita ba `ko? May sinabi ba `ko?
Ang bilis lingunin ni Zelle ang taong `yon. “`Ma! Looked at Zara! `Yong way ng pagsagot niya sa `yo!”
“Punyeta ka talaga---”
“Ano na naman `yan, Imelda?”
Napalingon kaming lahat no’ng pumasok na si papa. Nakakunot `yong noo siya sa aming lahat.
“Lumalaban na `yang anak mo! Manang-mana sa pinagkatandaan!”
“Papatulan mo rin? Alam mo na ngang walang silbi `yan sa `tin at palamunin siya rito, `tapos, papatulan mo pa?” tumamis `yong ngiti niya no’ng nakita niya si Zelle. “Kumusta na `yong paborito kong anak, ha?”
Nakatulala lang ako, pinapanood `yong pagyakap niya nang mahigpit kay Zelle.
“Eh, pa’no na `yang ulam natin?”
“Bibili na lang ako sa labas. Zara.” Tinignan ko siya. “Kainin mo `yung niluto mo. Umalis ka na rito. Naaalibadbaran ako sa `yo.”
“Kasalanan talaga ng bruhang `yan! Bakit mo pa kasi pinatitira `yan dito, alam mo na palang walang silbi `yan dito.”
Pumunta ako ng kusina at kinuha lahat ng ulam na niluto ko. Ang dami pa naman nito. Nanghihinayang ako dahil libre itong binigay sa akin ni Aling Marta.
“This family you have, Zara? This is f*****g toxic.”
Bakit ba ako nagsalita kanina? Kailangan ko nang pag-aralan kung paano ko hindi papakinggan `yong naririnig ko. Hindi `to maganda. Sa dami ng pinoproblema ko, baka mabaliw na ako.
“Why are you enduring all of these? You have an option to stay from your family away.”
Umupo ako sa isang gilid habang nakatitig sa ulam. Hindi ko ito mauubos.
“It doesn’t mean they’re you family means, you need to also endure this. If they say that their f*****g reason is that they love you, that’s f*****g toxic!”
Ipamigay ko kaya ito? Pero kanino? Sa mga batang nangangailangan? Napatulala ako nang tumawid sa isip ko `yung lalakeng nakilala ko kahapon sa simbahan.
Sa kaniya? Baka kaya niya kailangan `yong tulong ko, dahil wala na siyang pera. Napailing ako. Wala naman yatang naka-tux na mahirap.
Mahirap mag-isip nang ganoon. Hindi ko naman alam `yong pinagdaraanan niya.
Kaso, baka mangailangan pa siya kapag tinulungan ko siya.
Bahala na.
Sa ibang lugar ako dumaan. Sandali lang naman ako. Kilala ko sila na kapag nakagawa ako ng kasalanan, ayaw nila akong makita kaya mapipilitan siya na siya `yong gagawa sa halip na ako.
Una akong pumunta sa mga batang nakikita kong namamalimos sa kalsada.
“Ate Zara!”
Isang maliit na ngiti `yong binigay ko sa kanila. Naramdaman ko kaagad `yong init ng yakap nila sa `kin. Masarap sa pakiramdam. Ganito pala `yong pakiramdam na niyayakap ka nang mahigpit kahit walang-wala ka.
“Bakit nandito pa kayo sa labas?” tanong ko kay Maria at Buchoy.
“Namamalimos pa po kami.” ang laki ng ngiti ni Buchoy. Kahit madilim, nakikita ko pa rin `yong bungi niyang ngipin sa harap. Ang cute ng batang `to.
Tumango ako. “Oh, `eto, pagkain.” Sabay abot ko sa kanila noong supot ng adobo na para sa kanila.
Napangiti ako sa laki ng ngiti nila. Pinagmasdan ko pa `yung pagtalon-talon nila sa harapan ko.
“Salamat po, ate Zara!” parehas na sabi ni Buchoy at Maria.
Nginitian ko sila pareho. “Welcome.”
Pupuntahan ko na sana `yong lalake… saan ko siya pupuntahan? Imposibleng nasa simbahan pa siya.
Pero para akong tanga na naghahanap ng wala. Dahil dinala ako ng mga paa ko sa simbahan.
Tinignan ko `yung buong paligid ng simbahan. Ang naabutan ko, saradong simbahan.
“Imposible talaga `yong iniisip mo---”
“Hey, Miss Grumpy!”
Hinawakan ko kaagad `yong dibdib ko. Bakit ang hilig-hilig niyang sumulpot sa likod ko? Hindi siya nakakatuwa.
Kaso siya, tuwang-tuwa naman. Ang laki no’ng ngisi niya sa `kin.
“Dito ka ba nakatira?”
“We’re now interested here, huh? Just admit it!”
Pinanood ko lang siya kung gaano siya kasaya. Kaboses niya talaga `yong---
“Pumasok ka ba sa bahay namin?”
Nanlaki agad `yong mga mata niya. “What?!” tumawa siya nang malakas. “I know kung ga’no ako kakulit. But hey, I’m not a f*****g intruder!”
Mukha nga. Malabo rin naman na makakapasok siya sa loob dahil maririnig ko `yun kung babalakin niya.
“Now, to answer your most effort question `bout me, no. I’m not living in here.”
“Hindi ako interesado sa `yo.”
“But you’re asking if I’m living in here.”
Tumalikod na `ko at aalis, pero ang bilis din niyang pigilan ako.
“Hey, sorry, all right? I was just joking, swear.”
Pinagmasdan ko lang siya.
“Know what? You’re beautiful. Swear.”
“Okay naman ako.”
Ang tagal niya akong tinitigan. Ang seryoso ng mukha niya. Naiilang ako.
Nagbaba ako ng tingin at nagtikhim. Tahimik kong pinaabot `yong supot ng ulam na binukod ko sa kaniya.
“What’s that?” nakangiti na siya.
“Adobo.”
“Oh! The one you cooked! Thank you!”
Kinuha niya `yong supot, saka nilapag sa tabi.
“Hindi ka kakain?”
Umiling siyang nakangiti. “I’m still full.” Sumilip siya sa wrist watch niya. Napansin kong basag na `yon. “It’s getting dark. Time to go home.”
“Sige.”
Pipihit na sana ako pero tumigil din ako no’ng nagsalita na siya.
“Please Zara.” Tumingin ako sa kaniya. “Don’t mind what I’ve said to you the last time. Believe me, if you need help, I’m always here for you.” Ngumiti siya. “I’ll never leave you. And I’m f*****g serious.”