Mananatiling tahimik lamang si Zeke habang nakikinig sa usapan ni Xenon at Ace. Mapapansin ng kanyang mga mata ang paubos nang kulay asul na guhit sa baril na ginamit ni Xenon sa pagpapaputok nang tatlong beses. Bago pa man maibigkas ni Zeke ang kanyang sasabihin ay isasara niya ulit ang kanyang bibig nang mabilis na ibabalik ni Xenon ang isang baril sa gilid ng binti nito at may kakapain sa may tagiliran nito. Para itong refill. May pipindutin si Xenon sa hawak na baril at may lalabas dito na kaparehong hugis ng kinuha ni Xenon sa tagiliran nito ngunit purong kulay itim na ito. Ipapalit nito ang puno pa ng kulay asul sa kung saan lumabas iyong ubos nang refill. Mamamangha si Zeke. At mapapabulong siya sa kanyang sarili na para rin lang pala ordinaryong baril ang mga itong gamit nila na

