Magtataka si Xenon sa biglang pagbabago ng kilos ng mga chimera na umaatake sa kanya, kung nasaan natuon ang kanyang buong pansin. Sisimangot nang bahagya ang mga labi niya kasabay nang paghahabol niya ng kanyang hininga. Kahit ganun man, kahit hinahabol pa rin niya ang kanyang paghinga dahil sa tila walang katapusan na pagsugod sa kanya ng nakapalibot na mga chimera sa kanya ay hindi pa rin nawawala ang pagiging seryoso niya. Alerto pa rin siya sa posibleng gagawin ng mga ito sa kanya sa oras na mawala ang atensyon niya sa mga ito. Hawak pa rin ni Xenon sa kanan niyang kamay ang napakatulis na espada. Mahigit kumulang isang metro ang haba ng talim nito. At kahit pa nababahiran ng dugo ng chimera ang talim nito, hindi mapagkakaila na kumikinang ng mapusyaw na kulay asul na tila yelo ang t

