Naguguluhan man, mananatiling nakatayo si Ford. Titingnan nito si Xenon na magkasalubong ang mga kilay. “Ano bang pinagsasabi mo, Xenon?” kalmado na isasambit ni Ford. “Paanong naging kasalanan ko? HIndi ba kayo ang magkasama? Wala nga akong ideya kung ano ang nangyayari rito habang pinipilit namin na makapunta rito dahil hinaharangan ng maraming chimera ang dadaanan namin at pilit na tinitigilan kami sa pagpapatuloy,” isisinghal ni Ford pabalik. Hindi ito makapaniwala na sa kanya itatapon ni Xenon ang sisi ng pagkawala ni Zeke. “Iyon na nga. Kami lang ang nandito. Sa dami ng biglang nagsulputan na chimera, hindi namin kakayanin iyon nang kaming dalawa lang, lalo pa’t hindi pa ganap na Dream Walker si Zeke. Hindi ko rin kakayanin ang dami ng mga chimera,” isisigaw ni Xenon pabalik. “Kung

