Parami nang parami ang chimera na nasa bubong kung nasaan si Zeke at Xenon. Tila hindi nauubos at bumababa ang bilang ng mga ito. Tuloy-tuloy ang pag-akyat ng mga ito sa bubong. Huhupa nang paunti-unti ang pagkataranta ni Zeke sa nangyayari. Sa bawat pagdaan ng bawat segundo ay mapapanatag ang kanyang kalooban. Maging ang tiwala niya sa sarili ang uusbong. Magiging panatag ang kanyang kalooban sa bawat paggalaw na ginagawa ni Xenon sa tabi niya. Hindi nga siya nito pinapabayaan. At napakatalas ng bawat galaw ni Xenon sa tuwing may paparating na kapahamakan kay Zeke, mabilis itong napapatumba ang chimera na nagbabalak na sugatan at patayin si Zeke. Isang malalim na paghinga ang gagawin ni Zeke bago niya tuluyan na sabayan si Xenon. Mawawala ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay a

