Tila walang maririnig na mga salitang pangaral si Xenon mula kay Ace. Pumapasok lamang sa isa niyang tenga ang bawat salita na sinasabi ni Ace at lalabas sa kabila. Nakatayo lamang si Xenon sa harapan ni Ace, katabi niya si Ford na hindi rin nakaligtas sa galit na galit na ngayon na si Ace. Ang pinagkaiba lamang ni Ford sa kanya ay nakikinig ito nang mabuti kay Ace. Sa katunayan, malaki pa ang ngiti nito sa labi na animo'y tuwang-tuwa pa na pinapagalitan sila ni Ace. Ang ngiti nito ay tila malapit na maging isang ngisi na parang nanalo ng napakalaking premyo. Ang mga mata ni Ford ay nakatuon kay Ace. Ibabaling ni Xenon ang kanyang tingin sa gilid nang hindi ginagalaw ang ulo niya, nakaharap pa rin ang mukha niya kay Ace. Tanging ang mga mata lamang niya ang mag-iiba ng direksyon na hindi

