TILA nawala ako sa aking katinuan nang sandaling makita ang nakabalandrang hubo’t hubad na katawan ni Jacob. Wala ni isang saplot ang walang hiya! Lantad na lantad sa birhen kong paningin ang lumalambitin niyang extra long at extra big na talong. Gags! Mala-footlong ang hinayup na sandata! Gumapang ang kakaibang kilabot sa aking buong katawan na umabot pa sa aking utak. Parang namanhid ang lahat ng nerves ko sa katawan dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatunghay ng borles na lalaki sa mismong harapan ko. Iyong wala talagang maski isang saplot. Ni hindi nag-abalang takpan ng kamay iyon. Para siyang bagong labas na Adan mula sa biniyak na kawayan! “Still enjoying what you see, huh?” Napakurap ako nang muling marinig ang boses ni Jacob. Ni hindi ko namalayang halos

