CHAPTER 3

1498 Words
          Pagkatapos ng ilang araw na burol  ng tatay niya sa tulong pa rin ng mga taong naging mabuti sa kanilang pamilya ay nailibing nila ng maayos ang kanyang ama. Hindi na rin nanggulo ang mag-amang Tonyo at Baste na ipinagpasalamat niya.             Sa ilang araw na nakaburol ang kanyang ama sa harap ng kanilang barong-barong ay nabuo ang isang desisyon sa kanyang isipan na matagal na dapat nilang ginawa bago pa sana binawian ng buhay ang tatay niya at naging huli ang lahat.             Kailan niyang mailayo ang kanyang nanay sa lugar na iyon. Kaya buo na ang loob niyang tumakas kasama ang kanyang nanay papuntang Manila. Doon ay hind na sila mahahanap pa ni Mang Baste at maging ang anak nitong si Tonyo.             Makakapagbagong buhay silang mag-ina sa lugar na iyon. At ang bagay na’yun ang nagpapalakas ng loob niya para gawin ang pagtakas nila sa lalong madaling panahon.             “Anak, baka mapahamak lang tayo kung aalis tayo dito sa Pangasinan.” May pangambang sabi ng kanyang ina. Hinawakan niya ito sa dalawang kamay upang pakalmahin.             “Nay, hindi tayo titigilan ng mag-amang iyon hangga’t hindi tayo umaalis sa lugar na ito.” Depensa niya. Alam niyang mahirap ang iniisip niyang pagtakas mula sa mag-ama pero kung hindi pa nila ito ngayon gagawin ay mas lalo lang silang nalalapit sa kapahamakan.             “Kaya natin ito nay’, magtiwala po kayo sa akin.”             “Anak...”             “Para sa atin ang ginagawa kong ito nay’, at alam kong hindi madali ang mga gusto kong gawin pero may mga tao na naman na puwedeng tumulong sa atin…maniwala po kayo.”             Ang tinutukoy niya ay ang mga kapitbahay nila na una ng nagsabi na handa silang tulungan ng mga ito kung gusto nilang makaalis na sa lugar na iyon. Kailan lang niyang magsabi kung kailan nila balak na gawin ang bagay na iyon.             Kaya mula sa isang desisyon na pagtakas ay humingi sila ng tulong na mag-ina sa mga ito para makaalis sila ng Pangasinan na hindi nalalaman ng mag-amang Baste at Tonyo.             Hating gabi sila nagpahatid sa isang tricycle driver sa  mismong highway na puwede silang makasakay ng bus papuntang Maynila. Gamit ang natitirang pera mula sa burol ng kanyan ama ay makakapagsimula sila ng buhay sa siyudad na kahit kailan ay hindi pa naaapak ang kanilang mga paa.             Hindi nga sila nabigo ng ligtas silang maihatid ng isa sa kanilang mga kapitbahay na may tricycle.             “Mang Celso, salamat po sa tulong nyo sa aming mag-ina.” Pasasalamat niya dito habang tinutulungan siya nitong ibaba sa tricycle nito ang dalawang maliit na bag na dala nila sa pag-alis.             “Walang anuman iyon Ava, basta at mag-iingat lang kayong mag-ina pagdating sa Maynila hane. Masyadong malaki ang lugar na iyon kaya hindi rin namin maiwasan na mag-alala sa inyong mag-ina.” Biling nito sa kanila.             “Opo Manong, at pangako namin ni nanay na kapag umaayos na ang buhay namin sa Maynila ay dadalawin ulit namin kayo dito sa Pangasinan.” Pangako niya dito.             “Hihintayin namin ang pagbabalik n’yo Ava.” At ilang minuto pa ang lumipas ay may isang bus na papuntang Maynila ang dumaan at agad naman niya itong pinara.             Mabilis lang ang naging biyahe nila papuntang Manila, halos magmamadaling araw na rin ng makarating sila sa Cubao.             Namangha siya sa mga matataas na building at billboard na sa t.v lang niya dati nakikita. At ngayon ay nakatungtong na nga silang mag-ina sa lungsod ng Manila.             “Nay’, upo po muna kayo dito at oorder lang po ako ng kape at tinapay.” Mag-uumaga na rin kaya alam niyang napagod sa biyahe ang kanyang nanay kaya naisipan niyang umorder ng kape at tinapay para sa kanilang dalawang mag-ina.             Habang kumakain sila ay mahigpit pa rin niyang hawak ang bag na kinalalagyan ng pera na gagamitin nilang mag-ina habang naghahanap pa siya ng trabaho. Balak niyang humanap muna ng isang maliit na tulugan na puwedeng nilang tuluyan hangga’t hindi pa siya nakakahanap ng trabaho.             Ilang minuto silang kumain at ng matapos na nila ang pag-inom ng kape ay agad na silang nagbayad para makaalis na sa kainang iyon. Medyo mahihirapan silang maghanap ng tirahan na mag-ina dahil pareho lang silang bago sa Maynila.             Naglalakad silang mag-ina papalayo sa bus station ng bigla niyang nakita ang isang humaharurot na kotse. Para itong nawalan ng preno base sa pagewang-gewang na pagpaling nito sa kalsada. Naghiyawan ang mga tao at huli na para makaiwas silang mag-ina sa paparating na kotse. At ganon na lang naging gulat niya ng bigla siyang itulak ng kanyang nanay na naging dahilan kung bakit napasubsob siya sa gilid ng kalsada at ito ang nahagip ng kotseng nawalan ng preno.             Isang malakas na impact na tunog ang sunod nilang narinig ng bumangga ang kotse sa isang poste ng kuryente at tuluyan itong huminto sa wakas. Natuliro siya at muli niyang binalikan ng tingin ang kanyang nanay na nakahandusay sa gilid ng kalsada pagkatapos nitong sumadsad dahil sa pagkakahagip nito sa kotse.             “N-nay!” Naunahan siya ng mga taong nakapalibot sa kanila na lapitan ang kanyang nanay. Kinailangan pa niyang hawiin ang mga ito para makita ang kalagayan nito.             Agad niyang sinapo ang ulo ng kanyang ina na nabagok sa semento at inunan ito sa mga hita niya. Wala siyang dugo na nakita sa katawan nito pero nanatiling walang malay ang kanyang nanay. Naalarma siya dahil sa mga bulungan at mga ingay sa paligid.             Nilinga niya ang mga tao na nakapalibot sa kanilang mag-ina.             “K-kailangan po namin ng ambulansiya.” Nanginginig sa takot na pakiusap niya sa mga ito.             “May kumontak na miss sa emergency hotline sa pinakamalapit na hospital, papunta na yun dito.” May isang lalake ang sumagot at napalunok siya gamit ang sarili niyang laway para pigilan ang matinding takot at pag-iyak na gusto niyang gawin ng mga oras na iyon.             Kamamatay pa lang ng tatay niya kaya hindi niya kakayanin kung pati ang kanyang nanay ay mawawala sa kanya.             Ang nakabunggong kotse sa kanyang nanay ay nanatiling nakasubsob sa isang poste ng kuryente. Nakita niyang inilabas na ng mga tao ang naipit na driver nito na halatang nakainom. Wala man lang itong naging galos sa katawan na natamo kahit na isa, samantalang ang nanay niya ay wala pa ring malay hanggang sa mga oras na iyon.             Pagdating ng ambulansiya ay agad na isinakay ang nanay sa loob nito gamit ang isang stretcher. Sa isa namang ambulansiya ay ang lalakeng nakaaksidente sa nanay niya. Sa hitsura nito ay parang may kaya ito sa buhay, sa suot pa lang nitong mga damit kasama pa ang kotseng basta na lang nito ibinangga sa poste ng meralco.             Habang nakasakay sila sa ambulansiya ay abot ang usal niya ng dasal na sana ay walang masamang nangyari sa nanay niya dahil sa aksidente.             Pagdating nila sa hospital ay agad na inasikaso ang nanay niya at ipinasok s emergency room. Hindi na siya hinayaan na makasama sa loob kaya nag-aalala siyang naghintay sa waiting area ng hospital.             Pisil-pisil niya ang kanyang mga kamay ng mga sandaling iyon habang hinihintay niya na magbukas ang pinto ng kuwarto kung saan ipinasok ang nanay niya ilang munito pa lang ang nakakalipas ng bigla ay may mahagip ang mga mata niya.             Halos lahat ng mga tao na nilalagpasan ng lalakeng ito ay hinahabol ito ng tingin at napapahinto sa ginagawa. Nakasuot ito ng pang opisinang attire na lalong nakadagdag dito ng kakaibang karisma na hindi mo basta maiiwasang hindi mapansin. Nakasunod dito ang dalawang lalake na pawang malalaki rin ang katawan.             Matangkad ito sa karaniwang mga lalake na nakikita niya, maputi ang balat na halatang hindi man lang nabibilad sa sikat ng araw. Malapad ang mga balikat nito at bakat sa suot nitong mga damit kung gaano kalaki ang katawan nito. Para itong isang hari habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Kusa pang nahahawi ang mga tao sa daraanan nito na lalong nagpatahimik sa kanya.             Napaawang ang labi niya ng tumigil ito malapit sa information desk malapit sa kinauupuan niya at magsalita ito. At kahit ilang metro ang layo nito sa kanya ay nanuot pa rin sa ilong niya ang kaaya-ayang amoy nito,             “Where is Mathew?” agad ay narinig niyang tanong sa nurse na nagbabantay sa information desk.             “Nasa private room na po siya Sir Theo.” Mabilis naman nitong sagot sa lalakeng nagtanong sabay hawi sa ilang takas na buhok sa mukha nito at inipit sa isa nitong tainga. Ngiting-ngiti pa ito habang nakatitig sa binata.             “Where is that room?”             “A-a…room 405 po Sir Theo.” Nagulat pa ito ng muling magtanong ang lalake na kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot nitong coat.                   Sunod niyang nakitang lumakad papunta sa isang parte ng hospital ang lalakeng nagpatigil sa mundo ng mga taong nasa paligid niya. Naitikom na niya ang kanyang labi mula sa pagkakaawaang nito at ayaw naman niyang magaya sa mga ito na halatang na starstruck sa lalakeng kanina lang ay nasa harapan niya.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD