CHAPTER 2

1473 Words
             Kasalukuyang dinadampian ng yelo ni Ava ang kanyang pisngi na namumula pa rin hanggang ngayon ng dahil sa pagkakasampal sa kanya ni Tonyo. Hindi pa rin humuhupa ang lungkot sa mga mata ng kanyang ina habang nakatitig ito sa kanya ng mga sandaling iyon.             “Patawarin mo kami anak…” At sunod niyang narinig ang paghagulgol nito sa kanyang harapan.             “Tama na po nay’.” Ibinaba niya ang yelong nakabalot sa panyo na hawak niya para daluhan ito.             “Kung hindi dahil sa amin ng tatay mo ay hindi ka magkakaganyan.”             Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na sisihin ang mga magulang niya sa buhay na mayroon sila ngayon. Oo, pinanganak siyang mahirap mula sa pamilyang kinagisnan niya pero hindi iyon dahilan para ikintal niya sa isip niya na mamuhi sa mga ito.             Kahit na sa simula pa lang ay namulat na siya sa kahirapan, hindi naging hadlang iyon para maramdaman niya ang tunay na pagmamahal ng kanyang mga magulang. May edad na ang mga ito dahil hindi agad nabuntis ang kanyang ina dahil sa may problema ito sa matres. Kaya maituturing na biyaya siya sa kanyang mga magulang dahil kahit isang anak ay nagkaroon ang mga ito.             “Matatapos din po ang lahat ng ito nay’, gagawa ako ng paraan para makaalis tayo sa lugar na ito.” Dterminado na niyang sabi sa kanyang ina.             Mas lalo itong na naiyak dahil sa sinabi niya.             “A-aanak, hindi kaya tayo mapahamak kapag umalis tayo dito?” naglaho ang lakas ng loob nito na ipinakita kanina ng ito mismo ang nagsabi sa kanya na dapat na silang umalis sa luhar na’yun bago pa mahuli ang lahat.               “Hindi po tayo titigilan ng mag-amang Tonyo na yan hanggang nandito tayo sa Pangasinan.” Depensa niya.             “P-pero…paano kung malaman nila ang binabalak mong pag-alis natin? At ang tatay mo, paano siya?”             “Tatlo tayong aalis sa lugar na’to nay, at kahit na anong mangyari ay matatakasan natin sila .” Puno ng determinasyong sabi niya sa harap ng kanyang ina.             Pareho silang napalingon sa gawi ng kanyang ama na nakahiga pa rin sa isang papag na gawa sa kawayan ng bigla itong umungol. Tumayo siya kasunod ang kanyang ina. Nakita nila na parang nahihirapang itong huminga. Nagtaas baba ang dibdib nito pagkatapos. Nagmamadali siyang lumapit sa higaan nito at tinanong ito.             “T-tay, anong pong nangyayari sa inyo?” Hinimas niya ang mga balikat nitong humpak na at wala na halos laman na makapa.             Kahit ungol ay hindi ito sumagot, tanging ang luha sa mga mata nito ang naging senyales ng sobra-sobra nitong paghihirap.             “T-ay…kumapit ka lang, dadalhin ka namin sa hospital.” Mabilis ang mga pagkilos niya at lumabas siya agad sa kanilang maliit na barong-barong para maghanap ng tricycle na  maaari nilang masakyan papunta ng hospital.             Agad niyang nahila si Kuya Celso na isang matanda na rin na nagtritricycle sa lugar nila para ipagmaneho sila at madala nila ng hospital ang kanyang ama bago pa maging huli ang lahat.             Pagbalik niya sa loob ng kanilang bahay ay doon niya nakitang nakaupo na sa sahig ang kanyang nanay habang umiiyak. Nang sunod niyang tingnan ang kanyang ama sa higaan nito ay hindi na ito gumagalaw…wala na itong buhay.             Tinakbo niya ang natitirang pagitan niya mula sa kanyang mga magulang. Ang mga hula at takot na pilit niyang kinikimkim ay tuluyang ng umalpas.             Mabilis na tumulo ang luha sa kanyang mga mata, niyakap niya ang wala ng buhay na katawan ng kanyang ama at may binulong dito.             “B-bakit hindi nyo po ako hinintay tay? Dadalhin ko po kayo sa hospital.” May himig ng pagtatampong sabi  niya sa ama. Alam niyang sobra na itong nahihirapan sa sitwasyon nito kaya ng magsalita ang kanyang ina ay mas lalo siyang nalungkot at napaiyak.             “Wala na ang tatay mo Ava, w-wala na siya!”             “N-nay…” Napayakap siya ng mahigpit dito at napahagulgol. Kahit gaano kahirap ang buhay na pinagdaraanan nila ay ayos lang basta magkakasama silang tatlo. Pero ngayon, paano pa nila haharapin ng kanyang ina ang mga pagsubok sa kanilang buhay kung wala na ang nag-iisa niyang ama?             Pinilit niyang magpakatatag para sa kanyang ina, kung magpapakita siya ng kahinaan ay mas lalo lang itong panghihinaan ng loob.             Sila na lang dalawa ngayon sa mundo ang magkakamoi kaya mas lalo siyang dapat na maging matapang. Sa tulong ng kanyang mga kapitbahay ay nabigyan nila ng isang desenteng burol ang kanyang tatay. Nakiusap siya sa mag-ari ng purinarya na kung maari ay pagkatapos na ng burol nila babayaran ang kabaong na ginamit ng kanyang tatay. Buti na lang at napakiusapan nila ng kanyang ina ang mga ito at pumayag ang mga ito sa kanilang pakiusap.             Ang makukuha nilang abuloy mula sa kanilang mga kapitbahay ang inaasahan nilang maipangbabayad sa utang nila sa burol ng kanyang ama. Kaya ng bigla na namang nagpakita si Tonyo kasama pa ang ama nitong si Mang Baste sa burol ng tatay niya ay natakot na naman siya sa maaaring gawin ng mga ito.             Nakita niyang nagbulungan ang mga tao sa paligid nila habang lumalakad papalapit sa kinaroroonan nila ang mag-ama.             “Ano na naman kaya ang balak ng mag-amang Tonyo na yan sa mag-ina? Patay na nga ang padre de pamilya nila Ava ay ayaw pa ring tigilan ang mag-ina ng mga hayop na yan.” Narinig niyang simpatya ng isa nilang kapitbahay.             Ngayon nga ay nasa harapan na nila ang mga ito.             “Aling Josie…Ava, nakikiramay kami sa inyo.” Si Mang Baste ang ngsalita.             Hindi sila pareho kumibo ng nanay niya at nanatili lang silang kalmado sa mga nangyayari sa paligid nila hanggang sa nagsalita na si Tonyo na ikisibol na naman ng galit niya dito.             “Paano ba yan Ava, patay na ang tatay mo. Nakaisip na ba kayo ng paraan kung paano nyo mababayaran ang natitira ninyong balanse na utang sa amin?” Wala talagang pinipiling lugar at oras ang ka demonyohan ng taong ito. Kung hindi lang masamang pumatay ng tao ay matagal na niyang itong napatay sa sobrang galit at sama ng ugali nito.             Pinilit niyang kalmahin ang sarili at gusto niyang manatiling tahimik ang burol ng kanyang ama, pero ng sipain nito ang isang maliit na lata kung saan nakalagay ang mga perang nanggaling sa pinagsama-samang abuloy ng mga kapitbahay nila ay doon na siya nagsimulang magliyab sa galit.             Pati ba naman ang perang dapat ay sa patay ay kukuhanin pa ng mga ito? Paano na ang mga utang nila na dapat bayaran pagkatapos ng burol?             “Umalis na kayo Tonyo sa burol ng tatay kung ayaw mong matulog na naman sa prisinto.” Banta niya dito pero sa kasamaang palad ay nginisihan lang silang mag-ina nito at saka nagpatuloy sa pagsasalita.             “Tandaan mo Ava, ang utang ay utang na dapat bayaran. Kaya kung ako sayo mag isip-isip ka na kung paano mo kami mababayaran sa natitira ninyong utang kung hindi---”             “Kung hindi, ano?! Patuloy mo kaming tatakutin ni nanay? Hayop ka Tonyo, sa dami ng naibigay ko ng pera sayo sa tuwing haharangin mo ako sa palengke sa mismong pinagtratrabahuhan ko ay bayad na kami sa mga utang namin sa inyo ng hayop mong tatay! Kaya wala na kaming dapat na bayaran na inyo ni nanay na kahit anong utang!” bulalas niya sa harapan ng mga ito.             “Aba’t talaga namang!” napikon at nagalit si Tonyo dahil sa sanabi niya kaya nang akma na naman siya nitong sasaktan ay nagsitayuan na ang mga kapitbahay nilang nakaupo at nasa burol. At ganon na lang ang gulat nilang mag-ina ng may mga hawak na bakal, bato at dos por dos ang mga ito habang matapang ang mga mata ng mga ito na nakatingin sa mag-ama.             “Sige Tonyo, manggulo ka naman dito sa burol ni Lope at makikita mo ang hinahanap mo.” Si Ka Pedring ang nagsalita. Isa ito sa mga matatandang kaibigan ng kanyang ama.             Nakita niyang bahagyang napaatras ang mag-ama dahil sa nakita ng mga ito na hitsura ng kanilang mga kapitbahay. Nagtinginan ang mga ito na parang nag-uusap ang mga mata sa takot.             “Hindi pa tayo tapos Ava, at sisigurin kong pagbalik namin ni tatay dito ay magbabayad ka ng sobra-sobra dahil sa ginawa mo na’to!” napaismid na lang siya sa sinabi nito. At ito pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin ang mga bagay na iyon samantalang ito na ang nag-agrabiyado sa kanilang mag-ina.             Tuluyan ng umalis ang mag-ama sa burol ng kanyang tatay at nagpasalamat siya ng sobra-sobra sa ginawang pagtatanggol ng mga kapitbahay nila sa kanilang mag-ina. Hindi matatawaran ang mga kabutihan ng mga ito sa kanilang pamilya kahit na wala man lang siyang nagagawang bagay para maibalik sa mga ito ang mga tulong na naibibigay ng mga ito sa kanila.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD