Chapter 5

1511 Words
14th day of September, 2019. Nasa harap ako ng bahay ng Epilogue habang dala ang isang litro ng chocolate ice cream. Kinakabahan ako’t hindi mapakali. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na narito sila sa lugar kung nasaan ako, na nakikita, nakakausap, at nakakasalamuha ko sila nang walang kahirap-hirap. “Kaya mo ‘yan, Dasura,” bulong ko sa aking sarili saka humugot ng hangin. Kakatok pa lamang sana ako nang biglang nagbukas na ang pinto. Guwapong mukha agad ni Denmark ang nakita ko. My fan heart went wild for a while. He was the cutest guy to my eyes and I was too lucky to meet him. “Ah, Denmark. Hello,” casual na bati ko na parang hindi sasabog ang puso ko sa kaba. Ngumiti ako para all set. “Uy, Dasura. Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya habang dala ang isang supot ng basura. Napaka-friendly talaga niya. Iyong mga ngiti niya ngayon ay talagang nakakapatitig. “Hi, Dasura,” bati pa ng iba sa akin nang masipat nila ako sa may pinto. Even them were friendly, except to that guy named Tennessee. Pasimple ko siyang hinanap pero hindi ko siya masipat mula sa puwesto ko. Napabuntong-hininga ako. “Hello. Ano kasi, may dala akong ice cream,” sabi ko saka pa bahagyang sumilip sa loob para hanapin si Tennessee pero hindi ko talaga siya makita. Dagdag ko, “Nariyan ba si Tennessee? Gusto ko sanang humingi ng sorry tungkol kahapon. Walang chocolate sa bahay kaya chocolate ice cream na lang ‘tong dinala ko. Mahilig siya sa matamis ‘di ba? Mukha kasi siyang stress kaya baka sakaling kumalma siya rito.” Napangiti sila sa sinabi ko. Yes, an ice cream for him. “Hoy, Tennessee, bumangon ka na r’yan! May bisita ka!” sigaw ni Quinn saka ako muling tiningnan. “Masyado kang mabait. Dapat si Tennessee ang humihingi ng tawad sa iyo e.” “Tulog pa iyon,” sambit ni Wolf. Dagdag pa niya, “Napuyat siguro ‘yon kalalaro ng online game kaya pasensya ka na.” Tulog pa siya? Alas nueve na ng umaga tapos tulog pa siya? “Ah, gano’n ba?” sabi ko na lamang. “Pumasok ka muna sa loob. Ilalagay ko lang ‘tong basura sa labas,” saad ni Denmark saka tuluyang lumabas. Tumango ako sa kaniya bago pumasok sa loob na pasimple pang nakapagbigay magkahalong saya at kaba sa akin. I was too lucky, wasn’t I? Inaabot ko na rin kay Vien ang hawak kong ice cream. “Ilagay na lang muna natin sa fridge ‘to, baka kasi matunaw agad. Maupo ka muna Dasura,” sambit ni Vien saka tumungo sa kusina. Ang babait ng apat na miyembro pero bakit naiiba si Tennessee? Tsk. Nang makabalik si Denmark ay agad siyang naupo sa tabi ko. Ngiting-ngiti siya sa akin kaya naman ay walang paglagyan ng kaba sa dibdib ko. I still couldn’t believe this. Me and my bias on the same couch, smiling at me. “Salamat sa pagiging mabait na kapitbahay, Dasura at pati na rin sa pagiging fan ng Epilogue,” aniya na pupungay-pungay pa ang kaniyang mga mata. “Nako, wala ‘yon! Ang gagaling n‘yo kasi,” tugon ko saka iwinagayway ang aking mga kamay. I was almost to touch his cheek, pero pinigilan ko ang sarili ko. “Salamat,” sabi ni Wolf. “Ikaw lang ba ang nakatira roon sa apartment mo?” usisa pa ni Denmark na titig na titig sa akin. “Ah, oo. Ako lang. Dito kasi ako nagtatrabaho habang nagre-review para sa Board Exam,” tugon ko na hindi makatingin nang diretso kay Denmark. Pakiramdam ko ay ako ang matutunaw sa aming dalawa kapag tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. “Oh, anong course?” “Nursing graduate ako.” Bigla naman siyang napapalakpak. “Puwede mo kayang gamutin si Tennessee? Gamutin mo ang pagiging bugnutin niya! Haha!” natatawa niyang sabi kaya’t napatawa na rin sina Wolf at Quinn. “Naku! Mukhang hindi nurse ang kailangan niya e,” tugon ko sa pabirong tono. “Albularyo? Albularyo! Pero baka may kabag lang ang tiyan niya kaya masungit,” aniya pa na bahagya kong ikinatawa. “Saglit nga,” sabi ni Denmark sabay lingon sa may kusina. “Bakit parang... Quinn, amoy sunog.” Ngumuso naman si Quinn sabay singhot sa paligid. Agad rin siyang napatayo saka lumingon sa kusina kung nasaan si Vien. “Vien, hoy! Amoy sunog na ‘yang chicken ni Tennessee. Lagot ka!” sigaw ni Quinn kay Vien na nagluluto pala sa kusina. “Ayan kasi, inuuna lagi ang hotdog!” nakabungisngis na sambit ni Denmark. “Hotdog pa, Vien! Haha!” Kilala si Vien sa pagiging mahilig sa hotdog kaya hindi na ako magtataka kung inaasar siya ngayon. Hindi ko napigilang hindi mapatitig kay Denmark habang tumatawa sa tabi ko. Ang saya-saya niya. Bakit ba napaka-cute nito? “Hoy, tulungan ninyo ako!” natatawang sabi ni Vien sabay silip mula sa pinto ng kusina kaya nagsitakbuhan ang lahat papunta roon kasama ako. Pagdating namin sa kusina ay nagni-ninja moves na si Vien dahil nagpipilantikan ang langis mula sa kawali. “Puwede ka ng action star sa harap ng lutuan,” pagbungingis ni Denmark habang inaasar si Vien. Nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan dahil sa kaniyang pagtawa. “Ewan ko ba sa mantika na ‘yan. Gustong makipaglaban sa akin!” pabirong sagot ni Vien. “Teka, ako na,” pagbo-boluntaryo ko saka kinuha ang tongs sa kamay ni Vien at iniahon ang manok sa langis. “Ingat ka Dasura,” sambit ni Denmark na pagkalapad-lapad ng ngiti. “Okay lang. Sanay naman ako,” tugon ko sa kaniya. Maya-maya’y narinig kong binanggit ang pangalan ng isang masungit na tinubuan ng tao. “Oh, Tennessee. Mabuti naman at bumangon ka na?” usal ni Denmark. “Puyat ka ba?” Wala akong narinig na sagot mula kay Tennessee. Mag-aahon pa sana ulit ako ng manok nang may humawak sa kamay kong may hawak-hawak na tongs. “Ako na. Baka mapaso ka pa.” Hindi pa man ako lumilingon ay alam kong si Tennessee ang nagsalita at humawak sa kamay ko. Isang kabog na malakas ang naramdaman ko sa aking dibdib. Kahit ang sungit ng tono niya ay bahagya akong kinilig sa ikinilos niya. “Sige,” tugon ko saka ibinigay sa kaniya ang tongs. Bahagya na rin akong lumayo para makagalaw siya nang maayos sa harap ng stove. Ang awkward naman niyon. Alam ninyo iyong ang sweet ng line niya pero ramdam mo iyong kasungitan niya? Potres. “Tennessee, alam mo ba’ng muntik nang masunog iyan dahil kay Vien? Kung hindi pa dahil kay Dasura, sunog na sana lahat iyan!” pang-aalaska pa ni Denmark. Napailing na lamang ang iba habang napakamot sa kaniyang ulo si Vien. Hindi na rin naman nagsalita pa si Tennessee na busy doon sa kawali. “Mauna na muna siguro ako kasi may trabaho pa ako mamaya,” pagpapaalam ko sa kanila. “Kumain ka kaya muna?” sabay na pag-aalok ni Denmark at Quinn. Pareho silang natawa dahil doon. Ngumiti naman ako. “Hindi na, Denmark at Quinn. Kumain na rin kasi ako kanina. Salamat.” Tatalikod na sana ako nang biglang sumigaw si Vien. “Ay, Dasura! Wait,” sambit nito saka lumapit sa akin. “Pumunta ka mamaya rito around 6 in the evening. Birthday ko kasi at ikaw lang ang alam kong pwedeng i-invite na kapitbahay. Alam mo naman. Mayayari kami kay Manager ‘pag nalaman niyang nagpa-public party ako rito,” ngiting-ngiti na sabi ni Vien sa akin kaya naman agad rin akong napangiti. “Ah, oo. Magka-birthday nga pala tayo,” sabi ko na bahagya niyang ikinagulat. “Muntik ko nang makalimutang kaarawan ko pala ngayon.” “Ha? Hindi nga?” namamangha pa niyang tanong. Tumango ako bilang sagot. “Soulmate!” bulalas ni Quinn. “Nakakatuwa naman.” “Ilang taon ka na Dasura?” “Ako? Ah, 25 na.” “Magkalapit pala kayo ng edad ni Tennessee? Isang taon lang agwat ninyo.” Iyong edad lang ang magkalapit pero hindi talaga kami magiging close! “Ah, talaga ba? Pero bakit hindi kayo magse-celebrate—I mean, ‘yong engrande?” pag-iiba ko agad sa usapan. Ngumiti si Vien sabay sabing, “Napagod na kami sa concert, Dasura. Para sa akin, isang celebration na ang pahinga namin rito sa bahay ni Tennessee.” Sabagay. Halos naging sunud-sunod ang event ng Epilogue sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaliwa’t kanang events, guestings, at fan meetings iyon. Sa bilis ng kanilang pagsikat ay bihira na ang pahinga nila. “Ah, gano’n ba? Sige, sure. Pupunta ako mamaya.” “Great! See you later!” Muli akong sumulyap kay Tennessee bago ako tuluyang lumabas ng bahay pero hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin. Alagad ng kasungitan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD