Chapter 6

1552 Words
“Happy birthday, Dasura!” masayang bati sa akin ni Jayana sa video call. Dahil doon ay napangiti ako. “Siguro naman ay nagparamdam na sa iyo si Kyo at binati ka, ‘di ba?” “Si Kyo?” Parang tumigil saglit ang mundo ko. Nawala rin ang mga ngiti ko. Ang pangalang iyon... parang isang tinik na tumusok sa puso ko. “Oo, iyong boyfriend mo! Nakalimutan mo na?” Hindi ako nakaimik. Hanggang sa isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa huwisyo ko. “Dasura!” Agad akong napalingon sa aking likuran nang tawagin ako ni Denmark. “Oh my god! Is that Denmark?” tili ni Jayana na tila nakalimutan na ang itinatanong niya sa akin kanina. Pasimple akong napabuntong-hininga at isinantabi na lamang ang aking nasa isipan. “Oo,” sabi ko kay Jayana at nagpakawala ng isang pilit na ngiti. “Sige na. Mag-usap tayo mamaya!” Bago ko harapin si Denmark ay humugot muna ako ng isa pang malalim na paghinga. Sa tuwing naririnig ko kasi ang pangalang Kyo ay hindi ko maintindihan ang bigat ng nararamdaman ko. “Dasura, halika na sa loob!” aniya pa. Ayon sa napag-usapan kanina at pagkatapos ng shift ko sa trabaho ay narito na nga ulit ako sa bahay ng Epilogue at nakiki-celebrate sa birthday ni Vien. Pinilit kong maging masaya at ngumiti sa kanilang harapan. Kasalukuyan na kaming naglalaro ng whisper challenge. Nang ako na ang maglalaro ay nag-suot na ako ng headphone. Pagharap ni Denmark sa akin ay hindi ko napigilan ang sarili kong hindi rin matawa. Hindi na kasi ito tumahan sa kaniyang katatawa. “Ito na,” aniya sabay tawa. “Game na Dasura—haha!” He looked genuinely happy. And I envy him. “Pe!” “Ha?” kunot-noo kong tanong nang magsimula na siya sa pagbigkas. “Pe? Ano? Pe? Ha?” Iyong hindi ko mabasa ‘yong ibinubuka ng bibig niya kasi nauuna ang tawa niya. Jusko Denmark! “Pe? Pepe? Ano?” Muli akong natawa sa paghagalpak ni Denmark. “Denmark! Hoy!” bulyaw ko sabay yugyog sa kaniya. “Ulitin mo! Ano kasi ‘yon? Pepe—ano? Hoy!” Kinalog ko pa lalo si Denmark dahil lupaypay na siya sa kaniyang pagtawa. Nang bahagya siyang tumigil ay muli siyang nagsimula sa pagpapahula sa akin. “Pe—Pe—Denmark umayos ka! Hahaha! Oh? Pe—Pe—R? Pepper? Pepper!” Inalis ko ang headphone nang tumango siya sa pagitan ng kaniyang mga pagtawa. Halos tumatawa ang lahat—pinakamalakas ang kay Denmark. Nang mahagip ng mata ko ang nananahimik na si Tennessee ay nawala ang ngiti ko. Ang KJ, tsk. “Birthday celebrants, blow the candles muna,” sambit ni Quinn na may hawak na ngayong cake. Pare-parehas kaming natigil sa aming paglalaro at agad na lumapit kay Quinn. “Oy Dasura, halika. Magbo-blow tayo ng candles.” “Oh, kasama ako?” tanong ko sabay turo pa sa aking sarili. “Oo, halika. Birthday natin parehas, ‘di ba? Dali!” Hinila ako ni Vien papalapit pa kay Quinn. Sinindihan naman ni Wolf ang kandila. Then everything went in slow motion. Tila tinutulungan ako ng universe na ipaintindi ang lahat sa akin. Me with the four boys I had been adoring for the past years seemed too good to be true. “Oy, Tennessee. Ang KJ mo, halika nga rito,” sambit ni Quinn sa walang kakibo-kibong si Tennessee. I swallowed. Nilingon ko si Tennessee. Tumayo naman ito mula sa kaniyang pagkakaupo saka walang ganang lumapit sa amin. Ano pa ba’ng problema niya? “Bago tayo kumanta ng birthday song ay mag-wish muna tayo para sa ating birthday celebrants. Ako na muna ang mauuna,” sabi ni Quinn saka nilingon ang kapuwa miyembro niyang si Vien. Aniya, “Vien the Great, alam naming napakabuti mong tao, mabait at magaling na leader. Sana ay magtuloy-tuloy pa ang magagandang kaganapan sa iyong buhay kasama kami pati ang iyong pamilya. Good health and mind. Keep striving! Happy birthday!” Umakto naman si Vien na akala mo ay naiiyak dahil sa litanya ni Quinn. Dahil doon ay pare-parehas kaming natawa. Bumati rin sina Wolf, Denmark at Tennessee sa kaniya. Nang ako na ang babatiin nila ay bigla akong kinabahan. “Dasura,” sabi ni Denmark saka tumingin sa akin. Hindi ko naman napigilang hindi muling kiligin dahil kahit pangalan ko pa lang ang kaniyang sinasabi ay sadyang ang lambing ng kaniyang boses. “Wala akong masabi kasi haha!” Kunwari naman akong napasimangot ako dahil doon. Dagdag niya, “Joke lang. Dasura, happy birthday! Salamat sa pagiging mabuti, masayahing kapitbahay, at kaibigan sa amin. Hindi magiging boring ang stay namin rito dahil kahit papaano ay nakilala ka namin.” Tumango ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Denmark pero syempre maliban kay Tennessee na nakatingin lang sa paa niya. Paa ng baby. Tsk. “Salamat,” sabi ko. Saglit na tumahimik ang paligid. Ang lahat ay nakatingin na ngayon kay Tennessee dahil siya na ang huling babati sa akin. Nang mapansin niya siguro ang katahimikan ay iniangat niya ang kaniyang ulo. “Tennessee, ikaw na,” sabi ni Quinn saka bahagyang siniko si Tennessee na nasa kaniyang tabi. “Kasali pa ba ako?” tanong nito. Para siyang walang kamuwang-muwang sa mundo. “Syempre,” sagot ni Quinn pabalik. Maya-maya’y nilingon na rin ako ni Tennessee. Plain na mukha. Mukha pa ring masungit. “Happy birthday,” tipid at auutal niyang bati sa akin sabay iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman matapos niyang sabihin iyon. Wala man lamang bakas ng sinseridad sa kaniyang boses kaya napasimangot na lang ako. Parang ewan. Galit pa rin ba siya sa akin? “Heto na!” senyas ni Quinn saka sila sabay-sabay na kumanta ng happy birthday song. Hindi na rin bumuka pa ang bibig ni Tennessee. Mukha talagang hindi siya komportable na narito ako. “Happy birthday Vien and Dasura!” sigaw nila makaraang matapos ang kanta. Sabay kaming nag-blow ng candle ni Vien at pagkatapos niyon ay saka nagpatuloy ang kasiyahan sa loob ng bahay na iyon. Habang pinanonood ko sila ay naalala ko sina Macalintal, Sy, at Fuentes na mga naging kaibigan ko noong high school. Mga lalaking mahilig din sa party. Sayang nga lang at nawalan na kami ng komunikasyon sa isa’t isa. Nag-karaoke sila, muling kumain, at naglaro. Nakisaya naman ako kaya lang ay hindi mawala sa isip ko si Tennessee. Sa tuwing mahuhuli kasi niya akong nakatingin sa kaniya ay biglang naglalaho ang mga ngiti niya. Ganoon ba talaga siya kagalit sa akin? “Gusto ninyo ng wine?” tanong ni Wolf habang hawak ang dalawang bote ng wine. “Masarap ba ‘yan?” tanong ni Denmark. “Hindi ko alam. I-try natin.” “Ikaw Dasura?” tanong ni Denmark saka tumingin sa akin. “Gusto mo ng wine?” “Ha? Ah, hindi kasi ako nag-iinom e,” pagtanggi ko naman. “Wala naman siyang alcohol content,” sabi pa ni Wolf sabay tingin sa hawak niyang bote. “Huwag ninyo nang pilitin kung ayaw,” biglang sabat ni Tennessee. Bahagyang nagulat ang lahat lalo pa nang bigla siyang umalis sa sala habang sinasabi niyang, “Matutulog na ako.” “Ano ba’ng meron kay Tennessee? Ang sungit,” puna ni Quinn. “Hayaan ninyo na. Tinotopak ang asawa ko e,” sabi ni Denmark sabay tingin ulit sa akin. “Hayaan mo Dasura. Susuyuin ko ‘yon,” dagdag pa niya sabay bungisngis. Ngumiti na lamang ako bilang tugon kahit sa loob-loob ko ay nag-aalala ako sa inaasal ni Tennessee. “Tara na. Buksan mo na ‘yang wine, Wolf!” Sinulyapan ko ang kwarto kung saan pumasok si Tennessee at naabutan ko pang sinasara niya iyon. Napabuntong-hininga na lang ako at bahagyang... nalungkot. Lahat kami ay nakaupo sa carpet at nasa gitna namin ang mga pagkain. Naubos rin ang mga wine. Kahit wala iyong alcohol content at kahit wala pang isang baso ang aking nainom ay pakiramdam ko ay nalasing ako dahil doon. Ilang minuto pa ay panay na ang aking hikab. Napansin ko ring tulog na sina Wolf at Denmark. Magkayakap iyong dalawa at ang cute nilang tingnan. Paglingon ko naman sa aking kanan ay nakita ko si Quinn na halos malalaglag na ang ulong nakasandal sa sofa. Ganoon rin si Vien. Tulog na pala silang lahat. Tumingin ako sa aking relong suot at saka napansing pasado alas onse na pala ng gabi. Nang masipat pa ng aking mata ang telepono ko sa aking tabi ay kinuha ko iyon at tiningnan. No messages. “Masyado ba siyang busy o sadyang... sadyang nakalimutan na niya ako?” bulong ko sa aking sarili. “Makaidlip muna bago umuwi.” Namaluktot ako sa carpet at saka pumikit. Sana paggising ko, okay na ang lahat. Naalimpungatan lang ako nang may maramdaman ako na parang may dumadampi sa aking balat. Kumot. Bahagya akong nagmulat at kahit patay ang ilaw ay kita ko kung sino ang lalaking naglalagay ng kumot sa akin. Nang mapansin niyang nagising niya ako ay bigla niyang binitawan ang kumot. Akma na sana siyang aalis ngunit natigilan siya nang hawakan ko ang kaniyang braso. “Tennessee...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD