“Vien, bukas pa raw dapat ilabas ang mga basura sabi ni Tennessee. Ibalik mo sa loob 'yon, hoy!”
“Bukas pa?”
“Oo. Bukas pa raw ang daan no'ng truck ng basura.”
“Hoy, Vien!”
“Aba, Denmark! Wala kang galang, a? Hoy lang?”
“Haha! Sorry na. Hoy po! Pabalik po ng basura sa loob!”
Pabalik na sana ako ng apartment matapos kong bumili ng puto’t kutsinta sa may kanto nang makita at marinig ko ang ingay ng tatlong lalaki nasa labas ng bahay sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Lahat sila ay nakasuot ng face mask.
May virus ba? Ano’ng mayroon?
“Teka lang, akala ko ba bahay ito no‘ng masungit na lalaki? Marami pala siyang kasama?” bulong ko sa sarili ko. Tumigil pa ako sa tapat nila at tahimik silang pinanood.
“Vien! Wolf! Denmark! Bilisan n‘yo na riyan sa labas!”
Kusang kumunot ang aking noo nang marinig ang mga pamilyar na boses na iyon.
Nang magbukas pa ang pinto ng malaking bahay ay iniluwa niyon ang isang lalaking walang suot na face mask.
Literal na nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang lalaking iyon. Nang mapalingon pa siya sa aking gawi ay nginisian niya ako.
“Oh, mabuti naman at hindi ka kinuha ng sipay kagabi?” sambit nito nang makita niya ako sa may kalsada. Ngumiti pa ito nang nakakaloko saka naglakad nang bahagya palabas ng pinto.
“Sipay?”
“Ano’ng sinasabi mo, Tennessee?”
“Sipay? ‘Di ba iyon ‘yong nangunguha ng mga maliliit—este ng mga bata?”
Nakapagpabungisngis iyon sa kanilang lahat maliban kay Tennessee. Nakita ko naman kung paano siya tingnan nito.
“Maliit lang si Tennessee pero hindi na ‘yan bata,” sabi pa niyong isa habang nagpipigil ng tawa.
“Ay teka. Ano ba’ng sinasabi mo, Tennessee?” tanong nilang muli kay Tennessee.
Nang hindi ito magsalita ay nilingon nila kung saan nakatingin si Tennessee.
Sa akin.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya sa gulat at saya ay napasigaw na ako.
“Ikaw si Tennessee, ‘di ba? Epilogue? Tama ako, ‘di ba? Ikaw ‘yong masungit na lalaki kagabi! Ikaw ‘yong kapitbahay ko!” sigaw ko habang nagtatatalon sa labas ng gate ng bahay nila.
Pinasadahan ko pa sila nang tingin at nasigurado kong sila nga ang Epilogue. I had been adoring this Pinoy Pop group even before they debuted. Fan nila ako. At hindi ko lubos maisip na hindi ko na kailangan pang gumastos ng mamamahaling ticket para makita sila!
Tennessee; not too tall, plain-faced and pokerfaced, physically fit, brown complexion, and very manly. Si Tennessee ang pinakamatanda, main rapper ng grupo at tinaguriang charismatic badboy sa kanilang limang miyembro ng Epilogue. Kumpara sa apat, siya ang pinakamaliit pagdating sa height kaya malimit siyang mapagkamalang bunso. Maputi siya, singkit at halos mawala ang mga mata sa tuwing tumatawa siya. Misteryoso pa kung titingnan.
Tiningnan ko si Vien. He had a dimple on his left cheek, fair-skin, long-haired, round eyes, a little taller than Tennessee, and cute. Siya naman ang lider, rapper at main vocal sa Epilogue. Pinakamaputi sa grupo, katamtaman ang height at matalino. Siya rin ang pinakamahilig magsulat ng kanta sa kanilang lima.
Si Wolf ang pinakatahimik sa kanila na isa sa vocals ng grupo. His hair ends are wavy, sharp eyes, brown complexion, and mascular. Kayumanggi siya at pinakamalakas ang dating sa pormahan.
Si Quinn naman ang may pinakamataas na boses sa kanila na siyang main vocal sa grupo. Siya ang pinakamatangkad sa kanila at nagsisilbing chef ng grupo. He wore braces, almost V-shaped face, handsome, and fair-skin as expected.
Kay Denmark huling tumititig ang mga mata ko. Tall, but little shorter than Quinn, chinito, bunny smile, and had chubby cheeks. Bunso naman kung tawagin si Denmark dahil siya ang pinakabata sa kanilang grupo. Isa rin siya sa vocals at tinaguriang chic magnet. Kilala rin siya sa pagiging makulit at maingay sa Epilogue.
Agad namang nalukot ang mukha ni Tennessee matapos ng aking ginawa.
“Kilala mo ako?” nagtatakang tanong niya sa akin.
“Tennessee, wala kang mask.”
I knew it hit him hard.