Papunta na sana ako sa isang lugar para mag-imbestiga sa isang kaso na hawak ko nang madaanan ko ang isang babae na humihingi ng tulong. At nang lapitan ko ito ay napabuntong hininga na lang ako at mukhang trouble na naman ang dala ng kaibigan nito.
"Sir, help! Si Gemini kasi ay hinabol ang snatcher! Please help her! Nag-aalala na ako sa kanya. Mukha pa naman alimango ang kumuha ng bag niya!"
Isang malutong na mura sa isip ang binitawan ko buhat sa aking narinig. Hindi ba talaga siya titigil sa mga kalokohan niya? Ang lakas ng loob niya na habulin ang masamang loob na nag-iisa lang siya! Pati akong maraming trabaho ay naaabala dahil sa katigasan ng ulo ng babae na 'yon!
Dali-dali kong pinaandar ang motor ko palayo upang sundan siya.
At dinala nga ako sa isang eskinita at kitang- kita ko pa kung paano siya palibutan ng apat na lalaki. Hindi talaga siya nag-iisip na pwede siyang mapahamak kung hindi ako dumating ngayon? Paano siya tatakas sa mga lalaking may hawak sa kanya ngayon? Hindi niya ba naisip na masyadong delikado ang ginawa niya? Puro gulo na lang talaga ang dala niya! Inis ang tanging nararamdaman ko para sa kanya! Mukha naman siyang matalino, pero hindi niya ginagamit!
Mabuti na lang talaga at walang nangyari sa kanya.
At hindi ko alam ang dapat kong maramdaman nang bigla siyang umiyak sa harap ko dahil sa bag niya.
Hahabulin ko pa sana siya para humingi ng pasensya ngunit hindi ako makakilos sa pwesto ko. Masyado bang masakit ang mga sinabi ko?
Isang linggo na mula ng mangyari yun pero, hindi pa rin ako pinapatahimik ng konsensya ko dahil sa mga sinabi ko sa spoiled brat na iyon! Dapat niya lang maisip na hindi lahat ay pwede na niyang gawin kung ano ang maisip niya. Ang mga kabataan nga naman masyadong impulsive! Tsk! Puro sakit ng ulo sa mga magulang nila.
"f**k! Bakit ko ba iniisip si spoiled brat? Nasaktan ko ba siya? Pero tama lang sa kanya 'yon! Kahit pa kanino galing ang bag niya ay dapat na safety niya muna ang iniisip niya at hindi ang kung anu-ano!" kausap ko pa sa sarili ko habang nagbibihis.
Ipinilig ko ang ulo ko at sinubukan kong iwaksi sa isip ko ang naging engkwentro naming dalawa. Siguro naman ay huling pagkikita na namin iyun.
Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at lumabas na ako ng kwarto.
"Anak, mag-almusal ka muna. Nagluto ako ng daing na bangus at longganisa na paborito mo," nakangiting salubong ni Nanay Mely sa akin.
Simula ng maulila ako sa mga magulang ay siya na ang tumayong magulang ko. Parehong alagad ng batas ang mga magulang ko. At sa sinumpaang tungkulin din nila binuwis ang kanilang mga buhay.
"Salamat, Nay. Si Pako po nasaan? Bakit kayo lang yata ang gumawa lahat dito?" Tanong ko habang hinihila ko ang silya.
"Kuya Calvin, good morning!" Sabay pa kaming napalingon nang may magsalita mula sa pinto. Mabilis siyang naglakad at umupo sa tabi ko.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Bakit hinayaan mo lang na si Nanay Mely ang gumawa dito—"
hindi ko na natapos ang gusto ko pang sabihin sa nang busalan niya ako ng pandesal sa bibig.
"Ang ingay mo, Kuya Calvin!
Bumili lang ako dyan kay Angela ng pandesal!" tila kinikilig niya pang saad.
"Pako, hindi ka pa ba nadadala sa mga gusto mong pormahan? Aba eh, pang-ilan na ba si Angela sa mga bumasted sa'yo?" Umiiling pang tanong ni Nanay Mely habang nagsasandok ng sinangag sa plato ko.
"Nay, hindi pwede ang ganyan! Negative is not welcome in this house–"
Tama naman si Nanay Mely. Puro ka ligaw, wala naman sagot!"
"N-nay, g-gamot…ang sakit ng sinabi niya sa akin!"
"Tama lang yan sa'yo!" sabay pa namin sagot ni Nanay at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Kahit pa nga hindi ko sila kadugo ay pamilya ang turing nila sa akin. Magkapatid ang turingan namin ni Pako kahit siya lang ang totoong kadugo ni Nanay Mely. Katulad ko ay wala na rin ang mga magulang niya. At tanging si Nanay Mely na lang ang nag-aruga sa kanya.
"Mag-aral kang mabuti! Hindi puro panliligaw ang alam mo! At kapag nalaman ko kay Nanay na puro palakol ang grado mo ay ikaw ang pagsisibakin ko ng kahoy natin!" banta ko pa.
"Kuya, si Angela ang inspirasyon ko sa buhay. Unang kita ko pa lang sa kanya ay may kakaiba na akong naramdaman sa loob ng aking…puso!" Isang malakas na batok ang binigay ko sa kanya dahil sa kalokohan niya.
"Maghugas ka ng plato bago ka umalis. Nay, si Pako ang duty ngayon sa hugasin—"
"No worries, Kuya Calvin. Kahit pa anong iutos mo ay papayag ako! Masaya ang umaga ko sapagkat akin nang nasilayan ang kariktan ni Angela!"
"Nay, painumin niyo po 'yan ng gamot at nakakabahala ang mga sinabi." Tumayo na ako at bahagya ko pang ginulo ang buhok ng loko.
"Dito ka ba maghahapunan mamaya? Para makapag-luto ako." Umiling-iling ako kay Nanay Mely.
"Hindi, Nay Mely. May dadaanan po ako mamaya."
"Gf mo, Kuya Calvin? Matandang binata kana ulit este binata pala! Nanay Mely may jowa na si Kuya Calvin–aray! Bakit may pambabatok agad?"
"Puro ka kalokohan! Maghugas ka ng plato!" singhal ko pa sa kanya. Ayaw na ayaw kong marinig ang 'matandang binata' at isang babae ang naaalala ko sa salita na iyan!
"Bossing, pinapatawag ka sa taas! May ginawa ka raw kalokohan!" bungad ni Samaniego sa akin pagdating ko sa opisina.
"Wala naman bago doon. Magulat ka kung may ginawa akong tama! Kamusta na yung pinamamanmanan ko sa inyo ni Cortez? Anong balita?"
"Bossing, wala pa rin senyales na bumabalik ito sa dati niyang bahay. Pero wag kang mag-alala at patuloy kami ni Cortez na magmamanman sa labas ng bahay niya."
"Salamat. Tinapik ko pa siya sa balikat bago ako nagkalad paakyat sa opisina ng nakakataas. Kumatok muna ako bago ako pumasok at kaagad sumaludo.
"Good morning, sir! Pinapatawag niyo raw ako?"
"Take a seat, Caraig." Kaagad naman akong tumalima sa utos niya.
"Magkakaroon ng pagbabago sa trabaho mo. Because next month you will be assigned as a personal bodyguard to the daughter of Mayor Alberto Rivas. Lahat ng kaso na hawak mo ay si Gomez na ang magpapatuloy.
Ang tanging trabaho mo lang ay masiguro ang kaligtasan ng anak nila. At alam ko na ikaw ang isa sa pinakamagaling na tauhan ko kaya alam kong hindi mo ako ipapahiya."
"Sir, hindi ba pwedeng iba na lang ang maging babysitter ng anak ni Mayor Rivas?"
Tumawa pa siya sa akin saka tumayo at tinapik ako sa balikat.
"Don't worry, it's just temporary. You can do it, Caraig!"
At mukhang wala na nga akong magagawa pa kundi tanggapin na lang ang kapalaran ko.
Muling nabuhay ang inis ko sa spoiled brat na iyon! Plano niya siguro akong gantihan kaya niya ginawa ito! Maaaring nanalo siya ngayon, pero hintayin niya ang ganti ng api!
Wala akong nagawa kundi tumango.
"Yes, sir!"
Matapos ang naging pag-uusap namin ay kaagad din akong bumalik sa mesa ko.
Inis ko pang inihagis ang jacket ko kaya naman napatingin pa ang dalawang plastic na sina Samaniego at Cortez sa akin.
"Bossing, bakit mukhang mainit ang ulo mo? Anong sabi sa'yo sa taas? Hindi mo ba gusto na maging bodyguard ng anak ni Mayor Rivas? Ayaw mo noon laging maganda ang makikita mo! Saka next month pa naman at temporary lang!"
Umangat pa ang tingin ko kay Samaniego dahil sa mga sinabi niya. May pagka marites talaga ang isang ito.
"Ikaw tarantado ka rin, ano? Itatanong mo pa sa akin eh alam mo na pala!"
"Samaniego, paano mo nalaman?" tila nahihiwagaan pang usisa ni Cortez.
"Tinanong ko kay chief kanina. Alam mo naman na dikit kami noon, like bff–aray!"
"Tsismoso!" sabay naming bigkas ni Cortez.
"Sir, may lead ako tungkol kay Mr. Tarugo Ko. May nakapagsabi na sa isang bar siya madalas pumunta para humanap ng mga bagong target. Mga kabataan ang madalas niyang alukin ng party drugs. At halos talamak ang bentahan sa bar na iyun. Pwede nating puntahan ngayon.
Gusto mo ba samahaan ka namin?" tanong ni Cortez sa akin. Isa pa yang Mr. Tarugo Ko ang nagpapainit ng ulo ko. Maraming beses na siyang nakakalusot sa batas dahil sa mga lagay. Pero kapag ako mismo ang nakahuli sa kanya ay hindi na siya sisikatan ng araw kinabukasan! Masyado na siyang maraming sinisirang buhay!
"Hindi na. Salamat. Ako na ang bahalang magbalat sa kanya ng buhay. Ingat kayo sa pag-uwi.
Una na ako at nangangati na ang mga kamay ko na sampalin si Mr. Tarugo Ko!" At tuloy-tuloy akong naglakad para kunin ang motor ko. Wala akong sinayang na oras at kaagad akong sumibat papunta sa bar ma sinasabi ni Cortez at kapag nahuli ko siya sa akto ay babalatan ko siya ng buhay!
Ilang saglit ay dumating na rin ako sa tapat ng bar. Ipinarada ko ang motor ko sa tabi at kaagad akong bumaba.
Pagpasok ko sa loob ay marami ng tao na nagsasaya. Inilibot ko ang tangin ko sa paligid upang hanapin ang taong pakay dito. Sa may counter bar ako pumwesto at para matanong ko rin ang bartender.
"Pre, isang beer nga!" sabi ko pa nang makaupo ako.
"Here, sir. Kayo po ba ang sinasabi ni Sir Cortez?" mahinang tanong nito.
"Oo, ako nga. Napansin mo ba na dumating na si Mr. Tarugo Ko?" Tinungga ko ang beer na hawak ko.
"Yes, sir. Kanina pa siya dito at mukhang naghahanap ng target," sumbong pa ng bartender sa akin.
Tumango-tango ako at saka ko mabilis na inubos ang hawak kong alak.
Tumayo ako at naglakad upang hanapin ang sadya ko dito. Ngayon ay wala ka nang kawala pa sa akin! Nang makita ko si Mr. Tarugo Ko ay kaagad ko siyang sinundan. Ngayon ay himas rehas na siya!
Ngunit napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"I don't like to sayaw! Let me bitaw! Ano ba?! I don't kilala you! You're super matanda!"
Napabuntong hininga na lang ako at mukhang maaabala na naman ako ni spoiled brat. Mas lalong lumalakas ang sigaw niya at kahit gusto kong unahin ang misyon ko ay wala akong magagawa kundi puntahan siya.
"You're manyakis! Don't hila meeeee!"
Kaagad ako naglakad patungo sa kanya.
At mukhang may trouble na naman siyang kinasasangkutan. At hindi nga ako nagkakamali dahil mukhang hinaharas siya ng dalawang lalaki.
"What's going on here, babe?" tanong ko saka ko siya mabilis na hinatak sa bewang. At mukhang nagulat pa siya nang makita ko.
"May problema ba? I'm sorry I'm late, babe.
Kilala mo ba sila?" Tanong ko habang inaangat ko pataas ang t-shirt ko at nang magawi ang tingin ng dalawang lalaki sa tagiliran ko ay mabilis silang nagpulasan.
"I-i…ikaw again? Don't tawag me babe I don't like you! Don't tulong me—aray!"
Daing niya nang hilahin ko siya palabas ng bar.
"Hindi ka ba talaga titigil sa pang-aabala sa akin?! May mahalaga akong misyon, pero dahil sa'yo ay nawala nang lahat!" Pinasadahan ko pa ang suot niya at mas lalo pang nag-init ang ulo ko.
"Tignan mo nga ang suot mo! Kahit sinong lalaki ay magkakasala dahil sa'yo!"
"I'm not hingi your tulong! Don't tulong me next time! Saka don't look at my suot if you want to magkasala kay God! I hate you na super! You hurt me palagi ng words mo! I never kalimot last time you sabi to me! I iyak ng super dahil sa'yo! Bakla ka siguro–" hindi niya na na tuloy pa ang iba niyang sasabihin ng saluhin ko ang magkabilang pisngi niya at mariin kong sakupin ang nakaawang niyang labi.
I don't know kung anong pwersa ang nag-udyok sa akin na gawin ito.
At hindi ko alam na ganito pala kalambot ang kanyang labi.
Nakatulala pa siya ng bitawan ko ang labi niya.
"Una, hindi ako bakla! Sunod, hindi ko gusto na kinokontrol ang buhay ko ng kahit sino pa man!
Makapangyarihan ang Tatay mo kaya kahit anong gusto mo ay magagawa mo sa ibang tao! Kung ito ang paraan mo para gantihan ako, hindi ka mananalo! Get ready sa laro na gusto mo, spoiled brat!" At isang sampal ang natanggap ko mula sa kanya at mabilis siyang sumakay sa taxi na paparating.