CHAPTER 11

1052 Words
CAMELA POV "KYAAAAHHHH! OH MY GOD! OH MY GOOOODDD!!" Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa sigaw na iyon ni Bryan. "HAHAHAHAHAHAHA!!" "PALAKAAAAAAAA!!! WAAAAHHHH!!!" Nandito kasi kami sa unang lugar na sinabi sa clue. At ang putek! Ang daming palaka! Kaya yan nagsisisigaw ang lolo nyo. "Dali na! Kuhanin mo na, Bryan!" "Hayop kayo. Bakit ba kasi ako natalo?" Nagbato-bato pick kasi kami at kung sino ang matalo, sya ang kukuha ng flag na nakalagay malapit sa mga hole na maraming nakatirang palaka. Ampu! Paano yun nailagay dun? Lumingon sya sa likuran nya kung saan naroon ang flag. Tumayo sya ng tuwid saka pinalo ng kamao nya ang dibdib nya. Na ikinatawa na naman namin. Amputa! Ang OA. HAHAHA!! "Kaya ko'toh. Para sa bayan." HAHAHAHA! AMPU. Da best! Pinagmasdan namin sya habang seryoso nyang inilalapit ang kamay nya sa flag. Malapit na sana nyang makuha pero bigla itong tumalon at sumampa sa kamay nya. Na ikinatalon naman nya at tawa namin. "HOLY SH*T! AAAAAHHHHHH!!!" "HAHAHAHAHAHAHA!!!!" Ayoko na! Hahaha! "Ayoko na! Bahala yan! Ayoko na yan kunin." Madiing sabi nya at saka nag-walk out. "Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Armina. Pero hindi na nya kami nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglayo. "Lagot kayo." Sabi ko. "Heh! Maka-lagot ka Camalla, eh ikaw naman ang may sabing si Bryan ang itira." Naninising sabi naman ni Angelica. "HAHA! Bakit kasi matatakutin masyado si Bryan? Kagwapong tao, dinaig pa tayong mga babae sa pagsigaw." Naiiling na sabi naman ni Rosemarie. "Mga pabebe kasi kayo! Tabi! Ako na ang kukuha nyan.!" Iritang sabi ni Joshua at saka kinuha ang flag kahit na nagtalunan ang mga palaka sa kamay nya. "Eeewwww! Frog is so kadiri." Maarteng sabi ni Ryka. "Tuktukan kita jan, Ryka. Ikaw ang magdala nito. Kanina ka pa jan tayo ng tayo. Tawa ng tawa. Picture ng picture." "Haha. You know kasi. I am so pretty to make kuha that flag with so may frogs around. It's ewiee!" "Heh! Tara. Next clue, at ng matapos na ito." "Eto, next clue. Find a red arrow." Basa ni Lorens na may hawak ng papel na may clue. "Red arrow? Dun! May nakita ako kanina. Nagtataka nga ako kung bakit meron nun, para pala jan. Hehe." Proud na sabi ni George. "WAAAAHHHH!!" Nagulat naman kami sa sigaw na iyon. "SI BRYAN!!" Gulat na sigaw ng lahat. "Oh my God! Puntahan natin. Wala pa naman dalang flashlight yun." "Oo nga! Baka kung ano na ang nangyari dun!" At dali-dali kaming tumakbo papunta sa direksyon kung saan pumunta si Bryan kanina. "KYAAAAHHHH!!" Muling sigaw ni Bryan. Huta. Kinakabahan na ako. "Bryan! Bryan nasaan ka!?" Histerical na sigaw namin. "TULOOONNGGGG!!" "BRYAN!" Tumakbo ako patungo sa kaliwang direksyon dahil feeling ko, doon nanggaling ang sigaw. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila. "Bryan, nasaan ka?" "N-Nandito..." Lumiko ako sa kaliwa at dun ko nakita si Bryan na... "Oh? Anong feeling ng mapag-tripan?" Nakapamewang na sabi nya. "Tangina ka, Bryan!" Napabuga naman ako ng hangin at saka napasandal kay George. "Walanya ka, Bryan! Wag mo kaming bibiruin ng ganyan!" "Eh pinagtripan nyo rin ako eh.*pout*" "Pero biro lang yun! Tangna, nag-alala kami sa iyo, alam mo ba yun!? Akala namin, napahamak ka na! Akala namin, may nangyaring masama sa iyo! Nakakainis ka! Nakakainis!" I said while punching him. Tae. Bakit ba ako naiiyak? "S-Sorry na. Kasi naman kayo, eh! Hindi lang ako sa white lady natatakot, pati sa palaka! Huhu." "Tanga ka! Huwag mo ng uulitin yan! Papatayin kita. Kita mo." "Oo na.*pout*" "Tara, hanapin na natin ang pangalawang flag. Ng makabalik na tayo at makatulog." Inaantok na sabi ni Ryka. "Ano na yan, Ryka. Puro pagtulog iniisip mo. Tss." Inis na sabi ni Angelica. "Heh! Kailangan ko kasi ng Beauty Rest. Porke ikaw hindi dahil wala ka namang beauty!" "Urur! Tanungin mo pa man si Honesto, mas may ganda ako sayo!" "Tama na yan. Tara na." "J-JOSHUA!!!!!!!'' Napatalon naman ako sa sigaw na iyon ni Bryan. Napalingon ako kay Joshua... ...na ngayo'y nakahiga na sa lupa habang bumubula ang bibig at may hawak na bote ng mineral water. Namumutla ang mga labi nito habang nagiging kulay violet na ang mukha nya. Agad na nagsitakbuhan sina Zendrick palapit kay Joshua. "H-Hoy. Joshua... Joshua, wag kang pipikit. Kayanin mo yan..." "A-Anong nangyari?" Nanghihinang tanong ko. "B-Basta. Sabi nya nauuhaw daw sya kaya kinuha nya yung tubig sa bag. Tapos, pagkainom nya.. Ayan..." Umiiyak na sabi ni Armina. "Huta! Wag na kayo magkwentuhan jan! Tawagin nyo si Samuel! Para maagapan---" Naputol ang sasabihin sana ni Zendrick ng magsalita si Reymarck. "Wala na sya..." "Anong wala na!? Tingnan mo nga, may pulso---" Natigil na naman ang sasabihin nya ng hawakan nya ang pulsuhan sa leeg ni Joshua. Parang nanghihina itong napaupo sa sahig habang sapo ng kanyang mga palad ang kanyang mukha. "J-Joshua..." Humahagulhol ng iyak na sabi Rosemarie at lumapit sa wala ng buhay na si Joshua. "Putangna! Bakit ganun? Akala ko ba safe? Eh bakit may lason ang pu*ang*nang tubig na yan? Bakit kailangang may mamatay? Bakit kailangang may inosenteng mawalan ng buhay?" Galit na sigaw ko habang umiiyak. Napayuko ang lahat ng mga kasama ko habang tahimik na umiiyak. Nanghihinang napaluhod ako sa sahig habang patuloy na lumuluha. Nanginginig ang mga kamay ko ng ilapit ko ito sa mukha ni Joshua para isara ang nakadilat pa nitong mga mata. "P-Paano... I-Iiwan ba natin sya dito?" Mahinang tanong ng isa sa kanila. Hindi ko alam kung sino dahil wala naman akong pakialam. "I-Iiwan natin sya dito pansamantala. At kailangan itago nating namatay si Joshua. Hindi nila pwedeng makita sya. Dahil sigurado akong sa likod nito, may taong tumatawa habang tayo'y umiiyak." Sambit ni Zendrick. "What do you mean?" "Hindi pa ako sigurado, pero dalawa na kaming nakakaramdam na may kakaiba sa Camping na ito. Si Karlo, ramdam na din nyang may kakaiba. Ramdam nyang sa bawat paghakbang ng ating mga paa, may taong nagmamasid o nakikinig. Hindi namin alam kung sino at kung bakit." "Hindi ka pa naman pala sigurado, eh di wag kang mag-conclude! Posibleng hindi sinasadya ang lason sa tubig na iyan---" "Yes, hindi nga ako sigurado. Pero nasisiguro mo rin bang hindi sinasadya ang lason na iyan? Ako ang naglagay sa mga tubig na iyan sa bawat bag. At nasisiguro kong bago iyon. Sealed at Summit ang tatak. Pero tingnan nyo, absolute ang hawak nya." Napatingin ako sa bote, at tama nga siya. "Posibleng may nagpalit, posibleng may naglagay. Ang tanong, sino? At kung bakit kailangan nyang gawin ito?" Nag-isip ako ng malalim hanggang sa makuha ko ang tanong na kanina pa gumugulo sa utak ko. "S-Sino? Y-You mean... K-Kaklase natin?" Nagkibit balikat sya at saka lumakad palayo. "Depende. Hindi natin alam. Maaring kaklase nga natin. Maaring nasa grupo natin. Maaring ako. Pwede rin naman ikaw." At nakita ko pa ang isang makahulugang ngisi mula sa mga labi nya. Zendrick. Sino ka ba talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD