CHAPTER 12

938 Words
CARMINA ALBERTO POV "Ayun! Ayun yung first flag!!" Malakas na sigaw ni John Dale habang tinuturo sa itaas ng puno yung flag. "Alam namin! Kailangang sumigaw?" Sarkastikong sabi ni Mae habang naka-cross arms at nakataas ang kilay. "Hmp. Ang taray." "Oh? Sinong aakyat?" Tanong ni Samuel. "Si Michael na lang. Kayang-kaya na nya yan." Sagot naman ni Wilma habang nagne-nail file ng kanyang kuko. "Ano ba, Wilma? Tigilan mo nga iyan. Maki-cooperate ka naman." Inis na sabi ni Liezel. "Tss. Just mind your own business, okay?" Mataray na sagot naman nito. "Hayaan nyo na sya. Sige na, Michael. Akyatin mo na." *kriiiiinnnggggg!!* Napalingon ang lahat kay Wilma ng tumunog ang cellphone nya. "Hello." Hindi ko na sya pinansin at tumitig na lang kay Michael na kasalukuyan ng umaakyat ng puno. "Tss. Who are you?" Rinig kong sabi nito sa kabilang linya. "Bakit ba ang layo nito? Ang hirap kunin." Reklamo ni Michael na nakaapak sa isang napakapayat na sanga at pilit inaabot ang flag. "Huy, Michael. Ingat. Delikado na iyang inaapakan mo---UYY!!!" At tuluyan na ngang naputol ang sanga na inaapakan ni Michael at nahulog sa lupa. "Ayan! Sabi na eh." Sisi ni Samuel at inalalayan si Michael. "Ang sakit. P*ta." "Bakit ka ba kasi umapak sa sangang yun eh alam mo namang hindi ka kaya." "Saan?" Napalingon ako kay Wilma na may kausap pa rin sa telepono. Magsasalita sana ako para tawagin sya pero naglakad na sya papalayo. "W-Wilma..." Ayst! Ito ang ayaw ko sa sarili eh. Hindi ako makapagsalita. Not literally. Hindi ko lang talaga kayang makipag-usap sa mga kaklase ko. Hindi ko kayang makipag-usap sa iba. Kasi natatakot ako. Pero hindi ko alam kung saan. "YES!" Rinig kong sigaw ng mga kagrupo ko kaya napalingon ako. Nakuha na pala ni Mark Angelo ang flag. "Ayan! Next cl---" *BANG!* "AHHHHHHHH!!" Sigawan ng lahat ng mga kagrupo ko. "A-Ano yun?" "S-Si... S-Si W-Wilm...a" Putol-putol na sabi ko habang nakatingin sa direksyon na pinuntahan ni Wilma. "A-Anong si Wilma?" Nanlalaki ang mata na sabi ni Samuel. Nanginginig ang kamay na itinuro ko ang direksyon na pinuntahan ni Wilma. Napalingon sila doon at agad na napakaripas ng takbo. Ipinikit ko ang mga mata ko. Sana hindi totoo ang iniisip ko. Sana mali ang naiisip ko. "WILMAAAAAA!!!" Napapikit naman ako ng mariin at napatakip ng tenga ko. Hanggang sa may naramdaman akong malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko at ang mainit nyang hininga sa tenga ko. Halos manginig ang katawan ko habang unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko. Nasa gilid ko sya. May maskara syang gamit pero sa porma ng ngisi sa labi nya, kilala ko na kung sino sya. "Scared? Well, that's right. Matakot ka. Dahil mamamatay ka na. Hmp. Ayaw mo nun? Matatapos ng maaga ang paghihirap mo. Hindi ka na mahihirapan pang alamin kung sino ang tao sa likod ng maskarang ito." "H-Hay...op---" "Ah-Ah-Ah. Wag ka na magsalita. Itutusok ko lang naman ito jan sa leeg mo tapos padadaluyin ko ang mga dugo mo sa kamay ko. Diba, madali lang. Tapos, tapos na. Tapos na ang paghihirap mo." "W-Wag. Maawa ka." "Tanga! Hindi ko alam ang salitang maawa. Tss. Wrong move yang dila mo. Paalam na." --- JOHN DALE POV Agad kaming napakaripas ng takbo ng makarinig kami ng mahinang putok ng baril. Mahina lang sya tapos yung tunog nya, parang ginamitan ng silencer. Ibig sabihin, malapit lang sya. "WILMAAA!!" Sigaw namin ng makita ang nakahandusay nyang katawan. Nakadilat ang mga mata nya at may tama ng bala ang noo nya. Hawak pa nya sa isa nyang kamay ang cellphone nya. "W-Wilma..." Napaluhod sa lupa si Aiza at hinawakan ang mukha ni Wilma. "A-ano ito? Sinong gagawa nito?" Madiin at bakas ang galit na sambit ni Samuel. "Magkakasama tayo, Sam. Wag kang magpakabobo jan." Naluluhang sambit ko. Napakawalang puso ng gumawa nito. Napakawalang puso ng taong gagawa nito sa isang inosente. "P-Paanong... I mean..." "Walang may alam. Tumahimik kayo." Madiing sambit ko. Napayukom na rin ang kamao ko.  "AAAAAAAAHHHHHHHH!!" Sigaw ko kasabay ng pagluhod ko sa lupa at pagtulo ng mga luha ko. Ngayon, tinamaan na ako ng katotohanan.  Namatay ang isa sa mga kaklase ko. Namatay ng walang laban ang isang inosenteng tao. Napahagulhol ang lahat. Nag-angat ako ng tingin ngunit may hinanap ang mga mata ko. "Nasaan si Mae?" "N-Nakita ko sya kanina. Nagtatakbo sya palayo na parang takot na takot habang nakatakip sa tenga nya." Nanginginig na sabi ni Liezel. "Tangina, bakit sya lumayo sa atin? Nakisabay pa sya eh! Paano kung siya naman ang mapahamak?" Tarantang sabi ko at saka naglakad pabalik sa dinaanan namin kanina. "T-Teka, John Dale. Pati ba naman ikaw, lalayo? Mas safe kung sama-sama tayong aalis dito. Baka ikaw naman ang mapahamak." Samuel. "At anong gusto mong mangyari? Sama-sama tayong babalik habang may isa tayong kagrupo, kaklase at kaibigan na takot na takot? Sa tingin mo, patutulugin ka ng konsensya mo? Mag-isip ka nga, Samuel!" Sigaw ko sa kanya at saka sya kinwelyuhan. "P*ta! Tama na yan! Wag niyong pairalin ang init ng ulo nyo. Sa tingin nyo, mahahanap natin si Mae kung ganyan kayo? Tss!" Pinaghiwalay kaming dalawa ni Michael. Hindi ko sila pinansin at saka patuloy na naglakad. Pero natigilan ako sa nakita ko. P*ta! "CARMINA!" Napatingin sa direksyon ko ang taong may hawak ng kutsilyo na kanina lang ay nakatusok sa leeg ni Carmina.  Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa maskarang nasa mukha nya.  Nakita ko pa ang ngising nabuo sa pamilyar nyang mga labi at itinaob ang kanyang kanang kamay. At doon, tumulo ang dugong kanyang sinahod mula sa leeg ni Carmina.  Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nakatitig lang ako sa kanya at sa mga labi nyang hindi natatakpan ng maskara. At sa mga labing ito, mahina nyang isinambit ang salitang... "HELL..." At saka ito nagtatakbo palayo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Para akong nawalan ng lakas sa nasaksihan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at bumagsak sa lupa. Nakatulala lang ako sa kawalan habang inaabsorb ng utak ko ang nasaksiha ko kanina lang. And it hits me.  "AAAARRRRGGGHHHHH!!!" Sigaw ko at saka sinabunutan ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD