CHAPTER 13

1252 Words
MICAH POV "Yes! Isang flag na lang!" Masayang sigaw ni Ronalie at saka kinuha ang pangalawang flag. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon pero may hawak naman si Ramos na drawing ng mga dinaanan namin. Para daw pagbalik, hindi kami maligaw. "Sana naman manalo tayo. Ayoko maghuhas ng pinggan eh." Sabi naman ni Ramos na abala sa papel na hawak nya. *phone vibrates* Napakunot na naman ang noo ko. Kanina pa nagba-vibrate ang phone ko pero hindi ko pinapansin dahil nga busy kami. Tumigil ang pag-vibrate nito pero maya-maya'y nag-vibrate ulit. Napabuga naman ako ng hangin at saka kinuha ang phone ko. From: Mark Angelo❤: Nasaan ka? ---end--- Napakunot naman ang noo ko. 'Tong lalaking ito. Alam naman nyang masa gubat dahil may activity kami. Tss To: Mark Angelo❤ Nasa gubat malamang. Alam mong may activity. Tss. ---end--- Galit ako? Oo. Bwisit na lalaking ito. Hindi ba naman ako pinansin simula ng dumating kami dito.  Magkatabi kasi kami sa upuan ng bus pero buong byahe, tulog ako. Eh ang likot nya. At kalabit ng kalabit sa akin. Sino ba namang hindi mapipikon? Napuyat ako kagabi dahil sa paggawa ng mga activity para ngayon tapos manggugulo sya? Kung di ba naman isa't kalahating gago. Tungunu. From: Mark Angelo❤ Umalis ka na jan. Bumalik ka na sa parang. ---end--- Babalik? Bakit? To: Mark Angelo❤ Babalik? Nakikita mo ba yang sinusulat mo? Nag-eenjoy ako dito tapos pababalikin mo ako? Ano ako, sira? Bumalik ka mag-isa mo. ---end--- "Micah, saan ang next clue?" Tanong ni Ronalie kaya tiningnan ko ang hawak kong papel. "Mark Tuan. Oh my gee! Ex ko ito!" Nagulat naman ako. Bakit may Mark Tuan dito? "Mark Tuan? Sino yun?" Tanong ni Rouel. "Si Mark Tuan na member ng GOT7 na dati kong asawa na ipinaubaya ko na kay Angelica dahil kay BamBam na lang ako!" Dire-diretsong saad ko na nakapagpanganga sa kanila. "Okay. Kausapin mo sarili mo, Micah." Naiiling sabi ni Tan kaya napa-pout ako.  "Ang rude mo." Tumingin ulit ako sa phone ko na kanina pa nag-vibrate. Hindi ko lang pinansin dahil nagsisimula na akong mainis. From: Mark Angelo❤ Hindi mo ako naiintindihan, Micah. Basta sundin mo na lang ako. Bumalik na kayo sa parang bago pa man kayo mapahamak. ---end--- Naiinis na ako. Pigilan nyo ako! To: Mark Angelo❤ Eh sa nag-eenjoy nga kami dito. Wag ka ngang KJ, Mark. Kung gusto mo, ikaw na lang ang bumalik. ---end--- "Mark Tuan? GOT7? Baka ikapitong puno." Suhestiyon ni Jomari. "Anong connect ng GOT? Parang sinasabing may kailangan tayong makuha bago natin matukoy yan." Grace. *phone vibrates From: Mark Angelo❤ Ikaw lang ang iniisip ko, Micah. May mga nangyayaring hindi maganda dito. Please. Makinig ka na lang. Bumalik kayo sa parang ng ligtas. Lalo ka na. Bumalik ka ng buo. Bumalik ka ng walang galos dahil promise, makakapatay talaga ako. Mahal na mahal kita, Micah. Please. Makinig ka sa'ken. ---end--- A-Ang drama nya.... P-Pero, hindi. Galit pa din ako. To: Mark Angelo❤ Anong masamang nangyayari? Sabihin mo. ---end--- Bakit feeling ko, naiiyak ako? Ano bang nangyayari?, "Teka, may nakikita ako." Ekspertong sabi ni Rouel habang may tinititigang kung ano sa isang puno. Nilapitan namin ito dahil nakikita ko rin na may makintab na nakadikit sa puno. "Diamond! At may nakasulat na letter. Baka andito ang clue. Kailangan natin mabuo ito. Hanapin nyo pa ang anim para makumpleto natin ang sinasabing GOT7."  Napapitik naman ako ng daliri dahil sa sinabi ni Rouel. "Oo nga! Ang talino mo talaga, Rouel. Kaya ako sayo ayy!" Tumingin na naman ako sa phone ko. From: Mark Angelo❤ Mamaya ko na ipapaliwanag kapag nagkita na tayo. Pero kahit ngayon lang, sundin mo naman ako. Mahal kita kaya ko ginagawa ito. Ayaw kitang mapahamak. Ayaw kitang masaktan. Kaya please naman oh. Bumalik ka na sa parang dahil safe dun. Papunta na kami dun kaya aasahan ko na makikita kita dun ng ligtas. Ipangako mo na babalik kang ligtas. Hindi ko kakayanin, Micah kapag may nangyari sayo. Please... ---end--- I give up! "Guys, babalik na tayo sa parang." "HUH?!"  "Anong babalik? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Micah? Isang flag na lang oh. Apat na Diamond na lang para mabuo natin ang clue. Wag ka namang ganyan." Sabi ni Sherwin.qq "P-Pero..." "Mamaya ka na mag-akit bumalik, Micah. Kapag kumpleto na ang dapat makumpleto." Napayuko na lang ako sa sinabi ni Paolene.  Oo na. Talo na ako. To: Mark Angelo❤ Ayaw nila sumama, Mark. Ayaw nilang umalis. ---end--- *Mark Angelo calling* "H-Hello..." Nanginginig na sambit ko. Ewan ko pero natakot ako sa message nya. ["Micah..."] Wala na. Naluluha na talaga ako. "A-Anong nangyayari?" He chuckled. ["Mamaya ko na sasabihin. Basta tandaan mong Mahal na mahal kita. Babalik ka sa parang ng ligtas hah."] "Bwisit ka naman eh! Sabihin mo na oh. Natatakot na talaga ako." ["Don't be. Matapang ka diba? Palagi mo nga akong sinasabunutan at sinusuntok eh. Haha!"] "Heh! Nakuha mo pang mag-joke jan. Natatakot na nga ako eh." ["Haish! Wag nga! Sige ka. Hindi na kita ililibre ng barbecue at palamig kayla Ate Bibi."] "Bwisit ka." ["Hahahaha! I love you."] "Mahal din kitang ugok ka. Nasaan ka ba?" ["Pabalik na a---"] ["Hoy, baklang Flores! Mamaya ka na makipaglandian jan dahil nagmamadali tayong gago ka! Iwan ka namin jan eh!"] Boses ni Michael. ["Oo na. Sige na---ARAY!"] *toot-toot-toot* Hindi ko alam pero biglang nanlamig ang mga kamay ko at pinagpawisan na rin ako ng malamig. Yung puso ko, parang lalabas na sa kinalalagyan nito.  "MARK!!" Sigaw ko sa kabilang linya pero huli na. Tumulo na amg luha ko habang sinusubukan ulit syang tawagan pero hindi na nya sinasagot. "M-Micah, anong nangyayari?" "Aalis na ako. Kung sinong gustong sumama sa akin, sumama na. Pero kung wala, okay lang. Sana mag-enjoy kayo." Madiing sambit ko at saka tumalikod. Ayoko silang iwan pero mas mahalaga sa akin ang boyfriend ko. Isang aray lang nya sa kabilang linya, hindi ko na kinaya. Baka may masama ng nangyari sa kanya. Ramdam kong walang sumunod ni isa sa akin pero hindi na ako lumingon pa. Wala akong pake. Mas mahalaga ang boyfriend ko ngayon. Nanlalamig na ang mga kamay ko pati na rin ang mga paa ko tapos sinasabayan pa ito ng malamig na ihip ng hangin. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa pagod sa paglalakad. Habang naglalakad ako. Ramdam kong may kakaiba. Ramdam kong may nakatingin saken. Ramdam kong may nanonood sa bawat paghakbang ng mga paa ko. Kanina pa gustong tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko. Makakarating rin ako sa parang. Makikita ko rin si Mark. Tiningnan ko ang mapang hawak ko. Dalawa kasi ang pinagawa ko kay Ramos para madali lang sa amin na makabalik. Hinablot ko na lang ito sa kanya bago ako tumalikod. Malapit na. Konting lakad na lang, Micah. Kaya mo yan. Ngunit natigil ako sa paglalakad at napasigaw ng napakalakas ng may humawak sa balikat ko. "AAAAAAAHHHHHHH!!!" "Relax. Relax, Micah. Si Grace lang ito. Relax." Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko. Parang biglang sumikip ang dibdib ko pero kaya ko pa naman. Nahihirapan lang akong huminga. "B-Bakit ka ba nanggugulat." "Sorry, napagod kasi ako sa katatakbo kahahabol sa iyo kaya napahawak ako sa balikat mo. Sorry." "O-Okay lang. Tara na." Nagsimula na ulit kaming maglakad ngunit kahit papaano ay hindi na ako natatakot. Dahil may kasama na ako. Ng makita ko na ang bonfire na sinindihan namin kanina sa parang, agad na akong napatakbo dahil sa tuwa. Finally, we're here. Naabutan kong may mga tao na dito pero kulang pa rin. Parang dadalawang grupo lang ito. Ang Queens at Knights. Agad na hinanap ng mata ko si Mark Angelo at kulang ang salitang tuwa ng makita ko sya na nakaupo sa isang tabi habang hawak ang paa nya. Nakayuko sya kaya hindi pa nya ako nakikita. "Tangina kang paa ka! Bakit ngayon ka pa napilay? Kailangan ko pang hanapin si Micah. Wrong timing ka naman eh!" Sambit nya sa sarili nya habang sinusuntok ang kanyang paa. "M-Mark..." Nag-angat naman sya ng tingin at nakita ko pa ang mga luha sa mata nya. "M-Micah..." "M-Mark..." At nagtatakbo na ako sa kanya para yakapin sya. Salamat at ligtas sya dahil katulad nya, hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD