MICAH POV
"Mark..." Patuloy na iyak ko sa dibdib nya.
Sobrang natakot talaga ako. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko habang papunta dito.
Inilayo nya ako sa kanya at hinawakan ang pisngi ko.
"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Tanong nya.
"Wala... I-Ikaw? B-Bakit ka umaray kanina? A-Anong nangyari sayo?"
He smiled. "Wala. Natapilok lang."
Agad naman akong napakalas sa kanya at tiningnan sya di makapaniwala.
Maya-maya'y tumulo na naman ang luha ko at saka sya pinaghahampas.
"Bwisit ka! Akala ko kung ano ng nangyari sa iyo! Pinakaba mo ako. Bwisit ka! Kainis!"
Tatawa-tawa naman nyang hinawakan ang mga braso ko upang pigilan ako sa paghampas.
"HAHA. Sorry na. Hindi ko nakita yung ugat ng puno kanina kaya ako natapilok."
"Puro kalandian kasi ang inaatupag nyang boyfriend mo kaya napapahamak. Tatanga-tanga." Pagsingit ni Michael.
"Tatanga-tanga ka naman pala." Natatawang sabi ko at saka tumingin sa paligid.
Napakunot ang noo ko ng mapansing parang natataranta ang lahat.
"Anong meron?"
"Nawawala si madam."
"Sinong madam?"
"Madam Mago. Sino pa ba?" Masungit na sagot ni Michael.
"Paano? Bakit?"
"Wala sya dito pagdating namin. Tapos may nakita kaming sulat." Biglang lapit ni Samuel at ibinigay ang isang papel sa akin.
At isinulat ito gamit ang dugo.
And I therefore conclude na naghihirap na ang sender nito. Walang pambiling ink eh.-.-
"SITTING ON A CHAIR,
WITH A CUFFS ON HER HANDS.
BETTER FIND HER NOW,
BEFORE HER BLOOD FLOW IN MY HAND.
~~HELL"
"Kinidnap si Madam?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Walang may alam pero masasabi kong oo."
"Sam, naguguluhan talaga ako. Ano bang nangyayari? Pakipaliwanag naman oh." Napahawak naman ako sa noo ko dahil parang sumakit ito.
Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng isang braso sa bewang ko. At hindi ko na kailangang tingnan kung sino yun.
"May patayang nangyayari dito, Micah."
Napaangat naman ako bigla ng tingin.
"P-p*****n?"
"May pumapatay dito, Micah. At saksi ako dun." Nakayukong sabi ni John Dale.
"W-Wait..." Napalayo naman ako sa kanila at iiling-iling na lumingon sa paligid.
"Micah..."
"Nasaan si Wilma? Saka si Alberto? Kumpleto kayo kanina diba?"
"Micah..." Lalapit sana sa akin si Mark pero lumayo ako.
"Nasaan sila?!" Madiing sambit ko.
"Wala na sila."
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Wala. P-Paanong wala?"
"Patay na sila. Pinatay sila." Liezel.
Nangilid ang mga luha ko at saka bigla tumawa.
"No... Nagbibiro lang kayo diba? Pakidugsungan naman ng 'Cheka' dahil hindi ako natutuwa jan sa joke nyo."
"Micah... I-Iyon ang totoo. Nakarinig kami ng putok ng baril at pagtingin namin, wala ng buhay si Wilma. Tapos pagbalik namin, patay na rin si Alberto...
...at nakita ko ang taong gumawa nun. Kitang-kita ng dalawa kong mata." Nakayukong sabi ni John Dale.
"S-Sino?"
Napailing naman sya. "Nakita ko nga sya, pero may maskara. Black jeans. Black jacket. At hindi ko malaman kung lalake ba sya o babae dahil pwedeng itinali lang nya ang buhok nya at pwede ring lalaki talaga sya. Hindi ko alam. Hindi ko sya nakilala dahil adilim sa parte na iyon."
Nanghina naman ang mga tuhod ko at babagsak na sana sa lupa pero nasalo ako ni Mark.
Nanghihina na talaga ako. Masyadong maraming gumugulo sa utak ko. Masyado akong maraming nalaman.
---
MICHAEL POV
Nakatulog si Micah sa braso ni Mark habang lumuluha.
Alam kong nasasaktan sya sa nangyayari dahil napakalapit ng loob nya sa mga kaklase namin. Sya ang pinakamaunawain. Sya ang laging nandyan kapag may problema ka.
Kaya napakaswerte ni Mark. At oras na saktan nya si Micah, hindi lang suntok at sipa ang aabutin nya dahil ibabaon ko pa sya ng buhay.
"Na-contact mo na ba si Mae?" Tanong ni Mark kay Samuel na abala sa pagtawag.
"Hindi pa nga eh. Tsk. Babaeng yun! Bakit kasi sya tumakbo? Pasaway. Ngayon, saan natin sya hahanapin?"
"Sana naman nakita sya ng ibang grupo sa gubat. Nag-aalala na talaga ako." Sabi ni Liezel.
"Pare-pareho tayong nag-aalala dito. Pero wala tayong magagawa kundi maghintay. Delikado na kung babalik pa tayo sa gubat." John Dale.
Napatingin ako sa group Five na nagtitipon-tipon din sa gilid. Bawas na rin sila. Wala si Shaira.
"Sandali. Dalhin ko lang toh sa tent si Micah. Ang lamok dito." Sabi ni Mark atsaka binuhat si Micah papunta sa tent nya.
"Hoy Mark, buksan mo yang Zipper ng tent para makita ko kayo! Baka kung ano ang gawi---" Sigaw ni John Dale.
"Oo! Tarantadong toh. Wala akong gagawin sa girlfriend ko noh!"
Natawa naman ako sa reaksyon Mark. Namumula eh. Hahaha! Kabaklaan.
"Pero, teka! Si madam!" Biglang sabi ni Sam at lumapit sa amin.
"Sandali. Isa-isa lang. Nag-aalala tayong lahat dito at pag pinagsabay-sabay natin ang pag-iisip, hindi tayo makakabuo ng plano." Minsan lang tumino ito si John Dale. Mukhang naapektuhan talaga sya sa nakita nya.
"Pero, baka kung ano ang mangyari kay Madam. Sabi sa sulat, hanapin natin sya before it's too late. Kapag hindi pa tayo gumawa ng plano, baka mapahamak---"
"Hindi. Hihintayin natin sila bago tayo gagawa ng plano. Nasaan ang mga flashlights natin?" Tanong ni John Dale sa amin.
Napakunot naman ang noo ko.
"Anong gagawin mo sa flashlights?"
"Iilawan natin at itatali sa mga puno para makita nila at agad na makabalik dito. At kapag nandito na lahat. Gagawa tayo ng plano." Seryosong saad ni John Dale at saka tumayo.
Tumayo na rin ako para maghanap ng flashlight.
Tama ang plano nya. Minsan talaga may utak toh si John Dale eh. Di nga lang pinapagana minsan. Tsk!
---
JOMARI POV
"W-Wag... M-Maawa ka..." Nanginginig na sabi ko habang pilit na umaatras.
Matapos umalis ni Micah at Grace, ipinagpatuloy namin ang paghahanap sa ikatlong flag pero naiihi ako at lumayo sa kanila upang humanap ng lugar na pwedeng umihi.
Pero napalayo na pala ako ng hindi ko namamalayan sa kahahanap ng safe na lugar na iihian. Mahirap na.
Hindi ko na malaman kung saan ako dumaan. Hindi ko na alam ang daan pabalik kaya naglakad ako ng naglakad hanggang sa matalisod ako sa isang bato at tumama ang tuhod ko sa bato.
Hindi ako makalakad.
Hanggang sa may sumulpot na taong nakamaskara at may hawak na kutsilyo sa harapan ko.
"Maawa? HAHAHA! Pwe! Hindi ko alam ang salitang yan."
Lumapit sya sa akin at lumuhod sa harapan ko.
"Ang saya lang tingnan na nahihirapan kayo ng dahil sa akin. HAHAHA!"
"S-Sino ka ba? A-Anong kasalanan ko s-sayo?"
"Ikaw? Wala. Pero yung isang kaklase mo, meron. Ang saya noh. Iisa lang sya pero lahat kayo, papatayin ko. Ang swerte nya."
"Tangna ka! Patayin mo na lang ako! Ayokong may malaman na kasinungalingan mula sa demonyong katulad mo! At sino ka bang hayop ka? May pamaskara-maskara ka pang hayop ka, siguro mukha kang aso!"
Napansin ko namang nagtiim-bagang sya saka hinila ang buhok ko at itinutok ang kutsilyong hawak nya sa leeg ko.
"Hmp. Sino ako? Ako si Hell. Ang taong magdadala sayo sa impyerno. At saka bakit ba pinapatagal ko pa yang buhay mo. Napakatabil nyang dila mo. Nabibwisit ako."
At saka ko naramdaman ang pagtusok ng matigas na bagay sa leeg ko at ang pagtuko ng sarili kong dugo sa dibdib ko. Pati na rin sa bibig ko.
At narinig ko pa ang napakalutong nyang halakhak bago ako mawalan ng malay.
---