CHAPTER 15

1357 Words
ARMINA POV Nandito kami nakaupo sa sanga ng isang malaking puno. Humupa na ang lungkot sa mga mata namin ngunit aaminin kong hanggang ngayon, ramdam namin ang kakulangan. "Z-Zen... Gusto kong malaman. Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Naputol ang titig nya sa kawalan at nakangising tumingin sa akin. "Gusto mo ba talagang malaman?" Aist. Kinakabahan na ako. Bakit ba kasi ganito sya ngayon? Parang hindi sya si Zendrick. "O-Oo..." "Pag dating natin dito, may napansin na akong kakaiba. Dahil yun pala, iba ang lugar na napuntahan natin." "Iba?" "Napansin kong ibang-iba ang itsura ng lugar na ito sa gubat. Dahil kung gubat ito, bakit may entrance sa labas? At dahil sa curiousity ko, naghanap ako ng proof." Tumingin sya sa akin. "At tama nga ako." "P-Paano mo nasabi?" Tanong ni Bryan. "Nakita kong ang nakasulat na karatula sa labas. At isa itong Hacienda. Isang lumang Hacienda." "Aist! Sumasakit ang ulo ko. Bakit, anong masama kung nasa Hacienda tayo? Malay mo, akala lang nila gubat ito?" "Tsk! Hindi nyo ba ma-gets? Planado ito!" "Paano mo naman nasabing planado?" Tanong ni Angelica. "Sa tingin nyo, hahayaan tayo ng principal na mag-isa sa lugar na ito? Syempre hindi. Sa tingin nyo papayag syang ganito ang lugar ng camping? May bangin? Syempre hindi. Sa tingin nyo, pipili sila ng lugar na napakadilim? Syempre hindi, dahil bilang may hawak ng Camping na ito, pipiliin nila ang lugar na ligtas tayo." Walang umimik. Dahil lahat napaisip. "Nakita ko ang picture na pagdadausan talaga ng camping at nakita kong may mga ilaw ito. Isa syang maliit na gubat na sa likod ay may mga kubo tapos dagat na ang sunod. Ibig sabihin, may tao. May tao dapat sa lugar ng camping natin. Pero nasaan? Nasaan ang tao? Nasaan ang kubo? Nasaan ang dagat? Diba wala?" Tumingin ako sa lahat. At nakita kong naluluha na naman sila. Mukhang nagegets na nila ang gustong sabihin ni Zendrick. "Dapat may kasama tayo dito. Dapat may nagbabantay sa atin dito. Dapat hindi lang tayong walang kakayanan ang nandito. Eh di sana, kumpleto pa tayo!" "Hindi ko sinasabing may traydor sa atin. Yung nangyari kay Joshua, alam kong nangyayari na rin sa iba. Pero sa tingin nyo, kung tayo-tayo lang ang nandito, sino ang gagawa nito? Sino ang demonyong nasa likod nito? Hayop? Engkanto? Walang iba kundi isang DEMONYO." "Z-Zen... T-Tama na... Ayoko na." Sabi naman ni Camela. "Bakit? Natatakot ka na? Hmp. Baka naman ikaw ang traydor?" Nakangising sabi nito. "A-Anong..." "Kung ako sa inyo, hindi ako magtitiwala sa iba. Kahit sa kaklase natin. Kahit sa kaibigan natin. Dahil sa sitwasyon natin ngayon, walang pwedeng pagkatiwalaan. Lahat maaring maging suspect sa krimeng ito. Dahil sa labang ito, lahat pwedeng matalo. Hindi nyo alam, habang para kaying tanga na nagtitiwala sa isang tao, sa likod ninyo, sinasaksak na nya kayo." Tama sya. Wala kaming pwedeng pagkatiwalaan. Dahil bawat isa, maaaring suspect. "May nakikita akong liwanag. Tayo na. Baka iyon na ang iba." Dagdag pa ni Zendrick saka tumayo at lumakad papalayo. Hindi naman ako nagdalawang-isip at agad na sumunod sa kanila. --- GEORGE POV "AAAAAAAAHHHHHHH!!!!" Malakas na sigawan namin ng makita ang isang bangkay. Ang walang buhay na katawan ni Wilma. Napayakap naman agad sa akin si Lalaine at saka umiyak ng umiyak. Tumalikod naman ako para hindi makita ang bangkay. "W-Wilma..." Rinig kong tawag ni Karlo. May pumatak na luha mula sa mga mata ko. Bakit? Sinong may gawa nito? Tiningnan ko ang mukha ni Lalaine at saka pinunasan ang mga luha nya. "Dito ka lang. Tutulungan ko lang si Karlo." "P-Pero... A-Ayoko... N-Natatakot ako..." "Wag. Tapangan mo. Dapat mala-Lara Croft. Hindi takot mamatay. Eh yan, patay na. Kaya wag ka matakot." Hinila ko sa Lalaine sa grupo ng mga babae. Inilayo rin kasi sila ni Karlo dun sa bangkay dahil lahat umiiyak na. Kasama naman ng mga babae si Lorens at Mark John. Kaming tatlo ni Karlo, Mark Anthony at ako ang bumalik sa bangkay. "Putangna! Sagutin nyo!" Sigaw ni Karlo sa teleponong hawak nya. Mukhang may tinatawagan sya. Lumapit naman ako sa bangkay at nag-obserba. "Mukhang bago pa lang ito. Sariwa pa ang dugo. Pero nasaan ang mga kagrupo nya? Bakit sya iniwan dito?" "Tss. Kung dadalhin nila yan, eh di natakot naman ang iba. Mag-isip ka nga." Inis na sabi ni Anthony sa akin. "P*ta! Ngayon ka pa nalowbatt na cellphone ka! Bwisit!" Sabi nya saka inihagis sa malayo ang cellphone nya. Tumingin ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Kitang-kita ko ang frustration sa mga mata nya saka nya sinabunutan ang sarili nya. "ARGH! TAN*INA. TAN*INA! ARGH!!!!!!!" Sigaw nya at saka sinuntok ang isang puno. Napayuko naman ako at napaluha na din. Wala na si Wilma. Bakit? Bakit nangyari ito? Sinong gumawa nito? Napatayo naman ako ng marinig ko ang pagsuntok muli ni Karlo. Hinarangan ko ang kamay nya ng akma itong susuntok ulit. "Tama na. Sasaktan mo lang ang sarili mo. Nangyari na eh." "Sabi ko na eh. May kakaiba talaga. May nangyayari talaga. May m-mawawala talaga." Umiiyak na sabi nya. "Paano mo nalaman?" "May kakaiba na eh. Saka ko na ipapaliwanag. Umalis muna tayo dito. Saka mas ligtas kung maha---" "Hmmpp! K-KARLOOOOO!!" Napalingon kami sa grupo ng mga babae at ganun na lang ang gulat ko ng makita sina Mark John, Lorens at Erica na nakahandusay sa sahig. Hindi ko maaninag masyado dahil madilim pero nakikita kong may dugo. Habang sina Ryka at Lalaine naman ay hawak ng dalawang tao habang tinatakpan ang bibig tapos nakatutok ang mga baril sa ulo nito. Sa harapan nila, may isa pang tao na nakamaskara, actually, lahat sila nakamaskara, na nakatutok rin ang baril sa amin at may hawak na kahoy. Hindi ako makapaniwala. Tatlo. Tatlong tao. Bakit napakabilis nilang kumilos? Bakit sa isang iglap, napatumba nila ang tatlo ng walang ginagawang ingay? Tatakbo sana palapit si Karlo pero agad syang tinutukan ng baril nung may hawak na kahoy. "One more step. And I'll kill you." Malamig na sabi nito. "Sino ka?" "Ako si Hell. Ang magdada---" Hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi nya dahil may tumakip sa ilong ko dahilan para mahilo ako at mawalan ng malay. --- Nagising ako ng may maramdaman akong kumakagat sa braso ko. Nagmulat ako ng mata at napagtanto kong nakatali ako sa isang puno. "Aray!" Daing ko ng may kumagat na naman sa likod ko. Tumingin ako sa braso ko at napatalon ng makita ang napakadaming langgam sa katawan ko. "AAAAAHHHH!! ALIS! ALIS!!" Hinipan-hipan ko pa ito at pilit na pinapagpag ang kamay ko pero waepek. Naramdaman ko ang nga langgam na pumapasok na sa iba't-ibang butas ng ulo ko. Pilit ko itong inaalis pero hindi ko talaga kaya dahil sa higpit ng tali sa mga kamay ko. Tumulo na ang mga luha ko at saka yumuko. Ayoko na. Susuko na lang ako. --- KARLO POV Tatakbo sana ako palapit kay Ryka pero itinutok naman nya sa akin ang baril. "One more step. And I'll kill you." Malamig na sabi nya kaya napatigil ako. May narinig akong kaluskos mula sa likuran kaya lumingon ako dito at nakita ko si George na hila-hila ng isang taong nakamaskara din. "GEORGE!!" Tatakbo sana ako para habulin sya.. "Sige, habulin mo sya. Papatayin ko ang dalawang ito." Napalingon ulit ako sa kanya. "Sino ka ba? Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ni Mark Anthony na katabi ko. Wala syang ginagawa. Siguro natatakot. "Revenge. Haha! My sweet revenge. It's so sweet seeing you crying! I love it!" Parang baliw na sabi nya. "Stop this! Tigilan mo na kami!" "Ano ako, tanga? Matapos kong simulan hindi ko tatapusin? Haha. Ulol!" Nakita kong nagpalit ng armas ang taong may hawak kay Lalaine. Itinago nya ang baril at itinutok sa leeg ni Laine ang isang kutsilyo. "Hmmpp! Hmmmpppp!" Sigaw ni Lalaine dahil sa takot. Tinatakpan kasi nito ang bibig nya. "Demon." Sabi ng taong kausap ko kanina. Binitiwan naman nung may hawak kay Lalaine ang bibig nito ngunit agad ding itinusok sa leeg ni Lalaine ang kutsilyo. "LALAINEEE!!!" "AAAHHHHHHH!! TULOOOONNGGG!!" "SH*T! HAYOP KA!!" Hindi na ako nagdalawang isip pa at susugod na sana pero mabilis syang nagpaputok ng baril na tumama sa dibdib ni Mark Anthony. "ANTHONYYY!" Sh*t! This is not happening! "Ikaw na lang ang natitira jan, Karlo." Huminga ako ng malalim at saka ipinikit ang mata ko dahil nagbabadya ng tumulo ang luha ko. Makalipas ang ilang segundo, nagmulat na rin ako at saka tiningnan ng matalim ang taong kaharap ko. Hindi na ako nagbilang pa at walang takot na sinipa sya sa tiyan. Nakita ko rin ang pagkagat ni Ryka sa kamay ng taong may hawak sa kanya saka ko sya hinila at tumakbo na kami palayo. Pero bago kami makalayo, narinig ko pa ang pagsabi nya ng... "Huwag. Hayaan nyo sya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD