WENDY POV
"Ay, tanga!" React ko ng matapilok ako sa isang butas.
"Okay ka lang?" Tanong naman agad ni Sherwin.
"May natapilok bang okay? Utak please!" Mataray na sagot ko.
"Eh kung sabunutan kitang gaga ka? Ako na nga yung concern, magtataray ka pa! Pakain ko sayo tong mala-Diyosa kong beauty at ng mabahaginan ka!" Mas mataray na sagot nya sabay irap.
"Haist! Mag-aaway na naman kayo. Teka, si Jomari?" Tanong ni Ronalie na nagsisilbing leader namin dito.
"Umihi. Hindi na nakabalik. Baka nauna na sa parang." Sabi naman ni Tan.
"Nauna? Eh hindi naman nun alam ang daan."
"Malay mo may powers. Malay mo katulad ko pala syang isang Dyosa." Sabi na naman ni Sherwin sabay flip sa kanyang invisible hair.
Napairap naman ako. Katarayan. Tss.
"Dukutin ko kaya yang mata mo, Wendy! Dun ka na nga kay Peter Pan! Irap ng irap kala mo kagandahan. Tss! Mas maganda ako sayo!"
Hindi ko na lang sya pinansin dahil mas lalo lang hahaba at tatagal. Sa ingay ba naman nyan ni Sherwin.
Nagmadali akong tumayo at inayos ang buhok ko. Nakakawala ng poise yang butas na yan. Peste!
"Aray!" Sigaw ko na naman ng may bumangga sa aking tao.
"Mae!" Sigaw nilang lahat at lumapit sa amin ni Mae.
"T-Tulong... T-Tulungan nyo ako... M-May baril... May p-pina..."
"Wait. Wait. Relax, Mae. Hindi ka namin maiintindihan kung hindi ka kakalma." Paliwanag ni Rouel.
"Tulong... Ayoko na dito... Uuwi na ako..."
"Nasaan yung mga kasama mo?"
"Ewan ko... Ewan ko..."
Patuloy syang umiyak kaya niyakap sya ni Ronalie.
Hindi ko man alam ang nangyari sa kanya pero pakiramdam ko ay hindi ito maganda para umiyak sya ng ganyan.
Napakarumi ng mga damit nya pati na rin ang sapatos nya. May mga sugat din sa braso nya pero ang pinagtataka ko ay...
Pero baka dahil sa sugat lang.
"Kailangan na talaga nating makabalik. Christian, malayo pa ba tayo?" Tanong ni Tan kay Ramos.
"Oo. Kaso marami pang pasikot-sikot. Ang layo kasi masyado ng naabot natin. At hindi ko akalain na ganito kalaki ang gubat na ito."
"Wait lang. May nakikita ako." Sabi ni Sherwin at saka naglakad palayo.
"Hoy, Sherwin. Saan ka pupunta? Wag kang lumayo."
"Sandali lang. May nakikita kasi ako. Madali lang."
Tinitigan kong mabuti ang parte na iniilawan nya ng kanyang flashlight.
"Wait." Sambit nya.
"Bahay! May bahay!" Sigaw ko.
"Huta! Panira ka, Wendy! Ako ang nakakita eh! Patapon kita sa neverland! Bwisit ka!"
"Anong bahay?"
"Parang mansyon? Awan. Basta, malaking bahay na white. Ayun, tingnan nyo."
Nagsilapitan naman sila sa amin at tiningnan ang bahay na sinasabi namin.
"Parang Haunted House. Nakakatakot naman yan." React ni Rouel.
"Puntahan natin bukas?" Suhestiyon ni Paolene.
"Tatry natin. Pero mas mabuti pa kung babalik na tayo. Hayaan na natin yung mga flag na yun dahil masyado ng delikado." Sabi ni Rouel kaya naman nagsitanguan kami.
Sabay-sabay naming binagtas ang daan na nakasulat sa mapa na ginawa ni Ramos.
"Ramos. Siguraduhin mong tama yang mapa mo kundi tutuktukan kita ng malupet!" Sabi ni Rouel na inaalalayan si Mae.
"Trust my ABS! Tama yan!" Mayabang na sabi nya.
"Heh! Wala kang ABS!"
"Anong wala?" Hinubad naman nya ang shirt nya. "Yan ba ang wala? Hm! Ang gwapo mo talaga Christian." Sabi pa nyan at nag-macho poise pa.
Err! Nakakasuka!
"Haist! Mag-T-Shirt ka nga, Ramos. Di ka na nahiya. Mukha ka namang kalansay." Sabi ni Rouel na ikinatawa namin. Haha. Savage.
"Inggit ka lang. Porke ang payat mo." Nakasimangot na sabi nito habang nag-susuot ng shirt nya.
Napailing na lang ako dahil sa katarantaduhan ng mga kagrupo ko. Mga inaabot na naman.
"Oy, Ronalie? Kaya mo pang alalayan si Mae?" Tanong ko.
"Oo. Kaya pa naman nyang maglakad kaya hindi ako nahihirapan."
"Wait. May nakikita akong ilaw."
"May usok! Baka yung bonfire na yun! Baka yung parang na yun! Malapit na tayo! Dali. Bilisan na natin!" Excited na sabi ni Paolene.
"Tulungan na ninyo si Ronalie sa pag-alalay kay Mae. Dalian na natin ang paglalakad."
Tumulong na ako sa pag-alalay para makabalik na agad kami.
Ngunit nagulat kami ng makita ang itsura ng parang.
Nagkalat ang mga tent. Pati na rin ang mga bags at iba pang bitbit namin dito. Paubos na ang sindi ng bonfire kaya't napakadilim na ng paligid. At ang mga taong paroo't parito na hindi mapakali.
"Anong nangyayari?" Rinig kong tanong ni Rouel.
Pero parang walang nakarinig. Lahat sila abala at parang naguguluhan.
"AIRAAAA!!" Sigaw ni Samuel.
"P*tang*na! Paanong nawawala si Aira eh nandyan lang sya kanina? Anong nangyari?" Tarantang tanong ni Micah.
"Ewan ko! Ng makatulog kayo, nag-isip ako ng plano pero nakatulog rin ako. Paggising ko, napansin ko yung sulat na yan at hindi ko na alam kung nasaan sya!" Problemadong sabi ni John Dale.
Napatingin ako sa papel na nasa mga kamay ni Angelica. Kinuha ko ito at binasa.
"NAKAKATUWANG MAKITANG UMIIYAK KAYO.
NAKAKATUWANG MAKITANG NAGUGULUHAN KAYO.
NAKAKATUWANG MAKITANG NAHIHIRAPAN KAYO.
DAHIL ANG PAGHIHIRAP NYO ANG KALIGAYAHAN KO.
HAHAHAHA!
-HELL"
"Sinong Hell?" Tanong ko.
"Walang may alam. Pero pangalawang beses na itong may nagpadala ng sulat galing kay Hell." Paliwanag ni Samuel.
"Mae!" Sigaw ni Liezel sa babaeng hawak ni Ronalie.
"Mae... Te-Teka... San nyo sya nakita?" Tanong ni John Dale.
"Nakasalubong namin sya na umiiyak. Parang takot na takot. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit mag-isa sya sa gubat?" Tanong ni Paolene.
"M-Mamaya na namin ipapaliwanag. M-Magpahinga muna kayo. Akin na si Mae." Sabi ni John Dale at saka binuhat si Mae at ipinasok sa isang tent na nakatayo katabi ng maliit ng lamp.
"GUYSSS!"
Nagulantang ang lahat ng marinig ang malakas na sigaw ni Ryka mula sa gubat.
At maya-maya pa'y nakita na namin silang dalawa ni Karlo na humahangos habang tumatakbo.
"K-Karlo. Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura nyo?"
"S-Sandali..." At tuluyan na ngang umiyak si Ryka at saka yumakap kay Micah.
"Anong nangyari?" Tanong nito dito.
Ngunit iling kang ang sinasagot ni Ryka habang patuloy na umiiyak.
Napansin ko na patulo na rin ang luha ni Karlo pero lumingon sya at sinuntok ang punong nasa likuran nya.
"Karlo! Ayan ka na naman. Sasaktan mo na naman yang sarili mo eh!"
"Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko! Wala akong nagawa! Wala!" Sigaw nya at sinuntok na naman ang puno kaya lumapit na si Christian para pigilan sya.
"Karlo, tigilan mo nga yan! May magagawa ba yang p*******t mo sa sarili mo? Diba wala naman." Sermon nito at saka pilit na inilayo sa Karlo sa puno.
"Sana namatay na lang rin ako! Sana pinatay na din nya ako!"
"Tama na. Karlo, tanggapin mo na lang." Patuloy sa pag-iyak na sabi ni Ryka.
"Anong tanggapin? Namatay ang mga kasama natin! Pinatay ang mga kasama natin! Pinatay sila ng walang kalaban-laban! Sabihin mo, paano ko tatanggapin ang isang bagay na sa harap ko mismo nangyari? Paano ko tatanggapin ang isang bagay na wala man lang akong nagawa para pigilan! Anong klase akong tao? Bakit wala man lang akong nagawa!" Patuloy na sambit nya habang umiiyak.
"Wala kang kasalanan. Ginawa mo kung ano ang kaya mo. Sinubukan mo. Kaya nga ako nakaligtas diba? Kaya nga tayo nakatakbo diba? Kasi lumaban ka. Kasi sinubukan mo."
"Pero kahit na. Kung may nagawa lang sana ako, eh di sana lahat tayo ligtas. Lahat tayo nakatakbo. Hindi lang kamay mo ang hawak ko. Hindi lang tayo ang umiiyak dito."
"Nakita mo na siya, Karlo?" Napalingon ako sa nagtanong na si John Dale.
"Oo. Tatlo. Tatlo ang nakita ko. Tatlo sila pero lahat nakamaskara."
"Tatlo. Tatlo lang sila. Marami tayo. Tara, may plano na ako." Nakangising sabi nya at saka tumalikod sa amin.
Hindi ko pa man alam ang totoong nangyayari pero alam ko ng may kakaiba. At hindi ito maganda.