SOMEONE'S POV
Ang pagod magpanggap.
Ang hirap magpalit ng katangian.
Ang hirap kapag dalawa ang kaanyuan.
Ang hirap magpanggap na mabait.
Ang hirap magpanggap na kakampi nila ako.
Pero hindi ako susuko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nauubos.
Dahil makakamit ko lang ang tunay na kaligayahan kapag wala na sila sa mundo.
Kapag wala na ang mga taong humahadlang sa plano ko.
Kapag nakuha ko na ang tunay na hustisya ng mga magulang ko.
Kapag dumanak na ang dugo nila sa mga kamay ko.
At kapag nangyari iyon, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Dahil hindi ko lang nakuha ang gusto ko.
Nawala na rin ang mga taong kinaiinisan ko.
Nabawasan ko pa ang populasyon ng Pilipinas. Hahaha!
Pero ang tanong...
Sino ako?
---
ROSEMARIE POV
Nandito kami at nakaupo sa paligid ng bonfire na muling sinindihan ng mga boys.
Alas-tres na ng madaling araw at wala pa rin kaming tulog.
Kanina pa kami nag-iisip ng plano pero walang pumapasok sa mga isip namin.
"Haish! Nahihilo na ako sa antok." Humihikab na sabi ni Michael.
"Hindi talaga tayo makakapag-isip ng plano kung ganitong inaantok tayo. Wala pa tayong tulog. Ang mabuti pa---"
"Hindi. Hindi tayo pwedeng matulog. Yung nangyari kay Aira, nakatulog lang tayo saglit, nawala na sya. Ano, gusto nyong maulit yun? At sino naman? Si Mae naman ang mawawala?" Kontra ni Micah.
"Sige. Matulog na ang mga Girls. Pati na rin ikaw Michael saka ikaw John Dale. Alam kong pagod na rin kayong dalawa. Kami na ang magbabantay dito." Sabi ni Samuel.
"At girls. Sa isang tent lang kayo matulog. Dun sa pinakamalaki. Delikado tayo kahit na napakarami natin. Bata lang tayo. At wala pa tayong armas. Hindi ko pwedeng ilaban ang kagwapuhan ko sa mga baril nila." Sabi naman ni Rouel.
"At hindi rin pwedeng ilaban yang mga ribs mo sa kutsilyo nila." Natatawang sabi ni Michael kaya nagsitawanan na rin kami.
Pero matapos ang tawanan, sabay-sabay kaming napabuntong-hininga.
"Sino kayang gumagawa nito?" Naiiyak na sabi ko.
Naalala ko na naman si Joshua. Huta! Namatay yung crush ko! Crush ko yun eh! T_T
"Kailan kaya matatapos ito? Ayaw ko pang mamatay." Sabi naman ni Paolene.
"Sino ba si Hell?" Tanong naman ni Mark Angelo.
"Sino si Demon?" Napatingin naman kami kay Karlo.
"Demon?"
"Yung sumaksak kay Lalaine. Tinawag syang Demon nung parang Leader nila."
"At narinig kong tinawag nung leader yung may hawak sakin na Lucifer."
"Ang we-weird ng pangalan. Hell, Demon, at Lucifer."
"Na ang ibig sabihin ay katakutan natin sila."
Natahimik naman kami dahil sa sinabi ni John Dale.
"Ang tanong, sino sila?"
"Karlo, anong boses nung leader na nakaharap mo? Babae o lalake?"
"Babae. Babae si Hell."
"Babae? Paanong magagawa ng isang babae ang pumatay? Pinaglololoko mo ba kami?" Nagtitimping sabi ni Sherwin.
"Kung ayaw nyong maniwala, then fine. Ako ang nakakita. Ako ang nakarinig. At saka hindi naman sya nag-iisa ah? Tatlo sila. So meaning na kahit babae sya, malakas sya kasi may kakampi sya."
"Alam ko namang kaya natin sila. Mas marami tayo." Sabi ni John Dale.
"Pero mas malakas sila." Camela said.
"Malakas sila kasi may armas sila, diba?" Nakangising sabi ni John Dale.
Natahimik naman kami. Tama sya.
"May plano na ako. Pero hindi ko pa masasabi sa inyo. Kasi malay nyo, isa na pala sa inyo ang killer."
"Pinagbibintangan mo ba kami huh, John Dale?" Iritang tanong ko.
"Ikaw ang nagsabi nyan. Hindi ako." Natahimik naman ako dun.
Minsan nakakainis rin talaga kapag misteryoso ang isang tao. Buset!
"Lowbatt na ako. Gusto kong tawagan si mama." Umiiyak na sabi ni Grace.
"Wag ka ngang umiyak. Naiirita ako. Magsitulog na kayo. Kaming mga lalake na ang bahala dito."
"Sya nga pala. May nakita kaming bahay sa kagubatan kanina." Sabi ni Sherwin.
"Bahay?" Kunot-noong tanong ni Micah.
"Hindi. House, bes. House." Natawa naman kami.
Grabe talaga ang boses ni Sherwin. Max volume eh.
"Anong bahay?" John Dale.
"Malaking bahay. May pinto, bintana---"
"Umisa ka pa at bubusalan na kita't itatali sa puno."
"Joke lang! Eto naman. Basta. Bahay or mansyon? Basta kulay puti. Andun sa gubat. Nakita namin kanina."
"Kaso nakakatakot dun guys. Para syang haunted house." Sabi ni Paolene.
"Pupuntahan natin yan bukas na bukas din. Sa ngayon, sundin nyo na ang sinasabi ko na matulog na kayo. Sumasakit na ang ulo ko. Kanina pa ako nag-iisip. Gusto ko na magpahinga."
"Sige na. Ako na ang magbabantay. Matulog na kayo." Samuel.
At dahil inaantok na talaga kami, sama-sama kaming pumunta sa pinakamalaking tent na nakatayo dito sa gitna. Ang alam ko kay Madam ito. Tinawanan pa nga namin sya kasi ang laki-laki ng tent na dala nya. Yun pala, ito ang matutulugan namin ngayon.
"Kaya mo ba, Sam?" Tanong ni Camela.
"Oo naman. Siguro naman hindi na sya pupunta ngayon. Ako na ang bahala dito." Sabi nya at umupo sa bato sa gilid ng malaking tent.
Apat ang natitirang tent na nakatayo. Sa pinakamalaki matutulog sama-sama ang girls samantalang sa dalawang maliit na tent ang mga boys at dun sa isa si Mae.
"Sige. Dito na ako. Sasamahan ko si Sam." Sabi ni Mark Angelo.
"Mark, pagod ka. Matulog ka." Saway naman ni Micah.
"Hindi na, Mhix. Okay lang ako."
"Tinatanong ko ba kung okay ka? Pumasok ka dun sa tent nyo at matulog." Maawtoridad na sabi nito.
"Micah naman..."
"Isa!"
"Oo na. Oo na. Basta, tabi tayo."
"Eh kung sipain kaya kita? Pasok!"
Napakamot naman sa ulo si Mark at saka pumasok sa tent kasama sina Convocar. Haha. Under. Tungunu..
"Ano pa, Rosemarie? Pumasok ka na din." Sabi ni Samuel.
"Ako na lang sasama sayo dito." Nakangiting sabi ko at umupo sa tabi nya.
"Ano ka, hilo? Hindi ako papayag noh. Hala, pasok."
"Ayoko nga."
"Papasok ka o iiwan kita dito mag-isa?"
"Eto na, papasok na. Bahala ka nga jan. Hmp!"
Bahala nga sya jan. Sya na nga ang tinutulungan, ayaw pa nya.
Pumasok na lang ako at tumabi kay Reinalyn na natutulog na. Medyo masikip na kasi ang dami namin pero okay lang. Kanya-kanyang diskarte na lang kami para magkasya.
Nakaramdam naman agad ako ng antok ng mahiga ako. Siguro dahil sa pagod kaya agad naman akong nakatulog.
---
JOHN DALE POV
Napamulat naman ako ng mga mata ko ng may naramdaman akong malamig at matulis na bagay na padaan-daan sa pisngi ko.
Napalingon naman ako sa paligid ko. Teka. Nasaan ang mga kasama ko?
"Sino ka?" Tanong ko sa taong nasa harapan ko ngayon.
May maskara sya. Sh*t! Sya na yata ito!
"Hell." Sabay labas ng isang ngiti mula sa kanyang mga labi.
"Tangina ka! Lumayo ka saken!" Itutulak ko sana sya kaso idiniin nya sa leeg ko ang kutsilyo na hawak nya. Yun pala yung malamig na kanina pa dumadaan sa harap ko.
"Sabi mo kanina, gusto mo na magpahinga diba?"
Naramdaman kong dumidiin na ang kutsilyo sa leeg ko. s**t!
"Eh di magpahinga ka habang buhay!"
"AHHH--Hmmmppp!!" Nagsisigaw na ako dahil sa sakit na gawa ng pagtusok nya sa leeg ko pero tinakpan naman nya ang bibig ko.
"Shhh... Maririnig ka nila. Hahaha!" Tumulo na ang mga luha ko ng marinig ko ang tawa nya.
Tangina nya. Tama bang pagtawanan ang gwapong ako habang nasasaktan?
"Paalam!"
At dun ko na naramdaman ang pagkahiwa ng leeg ko.
At the same time. Pagkaputol ng paghinga ko.