CHAPTER 18

1068 Words
Zendrick POV Nagising ako dahil sa ingay ng katabi ko ngayon. Pagmulat ko, napatingin naman ako kay John Dale na nagsisisigaw dito habang nakapikit at pawisan. Mukhang binabangungot. Nayan! Panay sekreto kasi. Nakarma tuloy. "Hoy, John Dale! Gising!" Sigaw ko sa kanya. Nagising na rin yung mga kasama namin dito. "Anong nangyari dito?" Tanong ng pupungas-pungas pang si Joemari. "Ewan ko. Binabangungot ata." "Hoy! Gising!" "W-Wag... M-Maawa ka..." Umiiyak na sabi ni John Dale kaya natigilan na kami. Seryoso na ito. Huta! "John Dale. John Dale, gising!" "W-Wag!! Waagg! AAAAHHH!!" "Hoy! Tangina ka John Dale! Gising!" Tarantang sabi ni Karlo. Inalog-alog na namin sya at nagulat na lang kami ng bigla nyang imulat ang nanlalaki at namumula nyang mata. Nagpumiglas sya mula sa pagkakahawak namin at saka umupo. "Bitawan nyo ako! Nasaan sya? Nasaan syaaa!?" "Huh? Sino?" Takang tanong namin. "S-Si... S-Si.. H-Hell! Nasa...an si Hell?" "Huh? John Dale, wala sya dito! Nananaginip ka. Bryan, kumuha kang tubig!" "H-Hindi... Nandito sya! A-Ayoko na! Umuwi na tayo!" "John Dale, alam mong hindi pwede. Nawawala pa si madam pati na rin si Aira." "Wala akong pakialam! Ang mahalaga, makauwi na tayo. Ang mahalaga ligtas tayo!" "Tangina ka naman John Dale, susuntukin na kita eh! Ganyan ka ba kaselfish? Nanaginip ka lang, naduwag ka na!" Sermon ni Karlo na napapahilot na sa sentido. "Karlo, mas lalo tayong mapapahamak---" "Sa tingin mo ba hindi tayo mapapahamak kung aalis tayo? Kung tatakas tayo? Alam ko namang susundan at susundan nya tayo kahit saan tayo pumunta. Hindi sya titigil hangga't hindi tayo nauubos." "Bakit ba? Ano ba ang dahilan nya?" "Tangina mo! Walang nakakaalam. Ikaw na mismo ang nagsabi na kaya natin sila. Na mas marami tayo. Na matatalo natin sila. Oh ano ka ngayon? Nanaginip ka lang nagkaganyan ka na. Bwisit na toh." Atsaka sya binatukan ni Karlo. Natawa naman kami. Abnormal talaga itong magpinsan na ito. Haha! "Hala. Alas-sais na ng umaga, bumangon na kayo." Utos ni Rouel. "Sais? Alas-sais na? Wala man lang akong tulog." Reklamo ni John Dale. "Tss! Bangon na. Diba sabi nyo, pupunta tayo dun sa bahay na nakita ni Sherwin. Maghanda na tayo." Utos ni Karlo at saka lumabas ng tent. Napabuntong-hininga naman ako. Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. Akala ko kung ano ng nangyari sa kanya. Akala ko nandito na ang killer. Akala ko pati ako, mamamatay na rin. Pucha! Nakakabakla naman! --- KAYE POV Naalimpungatan naman ako ng makarinig ako ng mga nagbubulungan sa gilid.  Iminulat ko ang mata ko pero agad ding napapikit ng tumama ang sikit ng araw sa mga ito.  Anong oras na ba at ang sakit sa mata nung sinag? "Gising na. Alas-otso na at kanina pa tayo hinihintay ng mga lalaki sa labas." Rinig kong boses ni Micah. "Ang sikip." Reklamo ni Ryka. "Wag ka ngang maarte. Kanina ka pa natutulog, ngayon ka lang nagreklamo." "Bangon na. Siguro naman kahit may ganitong nangyayari sa atin ay gusto nyo pa ring maligo?" Sabay-sabay naman kaming napaupo dahil sa sinabi ni Micah. "Maliligo tayo? Saan?" Excited na tanong ni Camela. "May nakitang ilog ang mga boys sa tapat nito kanina." "You mean, lalabas tayo?" "Oo. Nasa kabila yung ilog eh." "No. Ayoko. Nakakatakot." "Bakit ka naman matatakot, Ryka eh kasama mo kami. Mas marami na tayo ngayon at saka hindi ko hahayaang may mawala ngayon. Promise." Sabi ni Micah.  "Paano? Sasaluhin mo ang bala? Sasagipin mo sa saksak? Itutulak mo palayo kung mahuhulog na sa bangin? Paano?" Nakangising sabi ni Xyryn. "Ewan ko. Basta, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang hindi na tayo mabawasan. Pangako." May ilang yumakap kay Micah habang ay iba ay nawei-weirdohan sa sinabi nito. Lumabas na kami ng buksan na ni Rouel ang tent kung saan kami natulog. "Ano? Sasama ba kayo o hindi? Ang tagal-tagal nyo." Iritang sabi ni Michael. "You know. Girls will always be Girls." Sabi naman ng naiiling na si Karlo at saka nauna ng maglakad. Sumunod naman ang ibang mga lalaki at saka may nahuli rin dito. Para bang pinoprotektahan talaga nila kami.  At yun ang pinaka-ikinatutuwa ko. Ramdam na ramdam ko kung gaano kami pinahahalagahan ng mga boys.  "Malayo ba yun?" "Hindi naman. Tatawid lang tayo tapos bababa tapos liliko tapos ayun na. Malapit lang yun." Sabi ni Mark na kasabay ni Micah. Nabi-bitter talaga ako sa dalawang ito. Kakainis. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na wala na si Mark John. Yung baklang yun, hindi nag-iingat. Namatay tuloy ng maaga. Napatingin ako sa phone ko ng mag-vibrate ito. May nag-text. "Aray!" React ko ng bumangga ako sa likuran ng taong nasa unahan ko ngayon.  "AAAAAHHHHHH!!" Nagulantang naman ako sa sigawan na iyon ng mga kababaihang kasama ko. At sa isang iglap, iyakan na lamang ang maririnig dito. Halos kapusin ako ng paghinga ng makita ko ang dahilan ng pag-iyak ng iba. "GEORGE!" Sigaw ng iba. Ang nakakadiring itsura ng kaklase naming si George ang nakita namin. Nakagapos ang mga kamay, nakayuko at wala ng buhay. Maputla na ang balat nito at ang payat-payat na. At nasa katawan pa rin nito ang mga langgam na sa tingin ko ay pumapak sa walang laban na si George. "G-George." Iyak ni Ryka. Tumalikod naman ang iba at nagsusuka. Hindi na nila nakayanan ang nakakaawang itsura ng kaklase naming walang laban. Kahit ako ay napatalikod at napayakap sa katabi kong si Samuel. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko kaya alam kong ramdam nya rin ito. "Kaye... Kaye, kalma lang." "Nakakatakot. Sam, ilayo mo ako dito. Ayoko dito." "Hindi kita pwedeng ilayo sa amin. Masyadong delikado. Jan ka na lang. Yakap ka hanggang sa mahimasmasan ka." Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko ngunit kahit papaano ay nabawasan ito dahil sa mga yakap ni Sam. Pakiramdam ko, ligtas ako. "Haish! Naiinis na talaga ako sa taong gumagawa nito! Napakaduwag nya! Bakit hindi sya magpakita sa atin?" Inis na sabi ni John Dale. "Kaya nga sya nagtatago, diba? Kaya ng sya nakamaskara kapag haharap sa atin. Kaya ng sya may armas diba? Kasi duwag sya. Hanggang jan lang ang kaya nya. Tss." Pikon na rin na sabi ni Bryan. "Wag nyong pansinin yan. Dahil kagabi, nung pinansin namin ang bangkay ni Wilma, naubos kami. D-Diretso na tayo. Malapit na tayo." "T-Teka, hindi nyo ba yan napansin kanina?" Takang tanong ni Micah. "Hindi. Sa iba kami dumaan pero mas malayo yun kaya naghanap kami ng mas malapit. Pero hindi ko inaasahan na makikita natin sya rito." "T-Teka... P-Pwede bang ilapag natin sya? Kawawa naman si George." Sabi ni Mae. "Bakit hindi mo ilapag? Mauuna na kami sayo." Sabi naman ni Karlo dito at saka dire-diretsong naglakad palayo. Nagsisunuran na rin ang iba kaya kumalas na ako kay Samuel at sumabay kay Mariel na kasabay ni Zendrick. Pero bago ako tuluyang lumayo ay tiningnan ko muna si Mae. Na kasulukuyang tinititigan pa rin ang bangkay na nakagapos sa puno pero sandali lang ito at sumunod na rin sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD